Chapter 32: Crush

386 23 7
                                    

ERIKHA'S POV



Pabalik na kami sa kwarto namin ni rhacks, oo kwarto namin. Sa iisang room lang kami natulog, hindi naman na ako nag inarte dahil alam ko namang hindi ako pagsasamantalahan ng batong kasama ko. Pero hindi kami sa isang kama lang okay? Dalawa ang kama sa kwarto namin. Ang himbing nga ng tulog nya kagabi eh

Napahinto ako sa pag iisip ng may pumitik sa noo ko

Ano ba?!" inis na sigaw ko kay rhacks--- speaking of the devil ---- dahil sya lang naman ang pumitik sa kawawang noo ko

Ang lalim ng iniisip mo." sabi nya at nagpatuloy na ulit sa paglalakad kaya naman sumunod ako sa kanya

Pake mo?! Kung naiinggit ka edi mag isip karin...... yun ay kung may isip ka? Wahahahaha I forgot tinakasan ka na pala ng utak mo." nang aasar na sabi ko sa kanya at dahil nga pikon sya sinamaan nya ako ng tingin. As if naman matatakot ako

What?" nag salubong na naman ang kilay nya

Wala ka na ngang isip, bingi ka pa kawawa ka naman nyan master." sabi ko at nilampasan sya kaso nahatak nya ang kamay ko pabalik sa pwesto nya

You stupid girl." inis na sabi nya sabay pitik na naman sa noo ko

Seriously?! Ano bang problema mo sa noo ko ha?! Gusto mo rin igaya sayo ganun? Kaya mo pinipitik pitik ng malakas ang noo ko para layasan narin ako ng utak ko? Ha! Strong ang utak ko di gaya nung iyo bwisit na daw sa ugali mo kaya nilayasan ka na." inis na sabi ko habang hinihimas ang noo kong naagrabyado

Ano bang pinagsasabi mo?" naguguluhang tanong nya. Gwapo nga slow naman, hay nako rhacks!

Wala wala. Ang slow mo na pikon pa. Tara na nga mamaya dumugin ka pa dito at ako pa ang maging bodygurad mo eh, nakakahiya naman." nakasimangot na sabi ko at umuna nang maglakad sa kanya

Wait." sabi nya kaya napatigil ako sa paglalakad. Humarap ako sa kanya kaso saktong pagharap ko ay may tumakip sa muka ko kaya naman agad ko itong tinanggal para tingnan

Isuot mo. Baka mamaya dumugin tayo ng aso dahil nakakita ng butong naglalakad." nilampasan nya ako habang may ngising nakakaasar sa muka

ABA! BWISET KA TALAGA RHACKS!" sigaw ko ng mag sink in na sakin lahat ng sinabi nya

Imbis na sundin ang sinabi nya tinanggal ko pa ang cover na suot ko at naglakad na parang model. Lahat tuloy ng madadaanan naming lalaki ay hinahabol ako ng tingin. Hindi ako nagyayabang o ano ah, nagsasabi lang ako ng totoo

What the hell?!" mabilis nyang kinuha sa kamay ko ang towel at ibinalot ito sa akin. Para tuloy akong suman

Anong bang problema mo?" inis na tanong ko

Ikaw!" binuhat nya ako ng pabridal style at halos takbuhin nya na ang daan papunta sa kwarto namin

Diba sabi ko sayo ilagay mo yung towel sayo? Tapos hinubad mo pa ang pang cover mo. Ano bang problema mo?" inis na sabi nya habang buhat ako

Sabi mo kanina aso ang dudumog sakin diba? Parang mali ka naman dahil lalaki ang naghahabol sakin ng tingin." ngumisi pa ako sa kanya na mas kinainis nya








*****************
RHACK'S POV

Hello manong? Nandyan na po kayo? Sige po."

Im His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon