Chapter 12: Photoshoot

448 20 0
                                    

ERIKHA'S POV

Nakasimangot habang papauwi kami sa bahay ni master. Feeling ko wala na akong tenga dahil sa ginawa nya eh T_T

Bakit ganyan ang muka mo?" tanong ng katabi ko kaya nilingon ko sya

Tinatanong mo ko?! Malamang dahil sayo. Feeling ko nawala ang tenga ko dahil sa pag pingot mo." inis na sabi ko dito

Ang OA mo talaga kahit kailan. Kanina pa yun eh." mas napasimangot ako sa sinabi nya

Kahit na! Masakit parin."

OA ka lang." sinamaan ko sya ng tingin. Sakto namang nasa garahe na kami ng mansion nila kaya bumaba na ako. Padabog ko pang sinara ang pinto ng kotse nya

Pupuntahan nalang kita sa kwarto mo." inis na sabi ko dito bago umalis

Nagpalit lang ako ng damit tapos kinuha ko na yung bag ko na naglalaman ng notebook, assignment namin (para gawin ko na mamaya habang hinihintay ko si master ) tapos kung ano ano pa. Umakyat na ako sa taas para puntahan ang master kong bwisit. Hindi na ako kumatok at basta nalang pumasok. Nakita ko naman na yung pandesal nya kaya okay lang

Umupo ako sa kama nya tapos pinag masdan ang buong kwarto nya. Ngayon ko lang nalibot ng tingin ang kwarto nya and infairness maayos. Hindi naman magulo

Bakit nandito ka?" napatingin ako kay rhacks na galing sa C.R at twalya lang ang suot

O M G. Pandesal! Shet, parang uminit ngayon dito ah. Parang nakaka uhaw yung pandesal. Mukang masherep

Laway mo." nabalik sa muka nya ang tingin ko. Aba naka smirk sya

Laway padin." inirapan ko sya tskaa binaling ang tingin ko sa ibang bagay. Parang gusto ko ulit lingunin yung pandesa---- ano ba erikha?! Erase!Erase!

Ayaw pang aminin. Natatakam ka sa abs ko." i roll my eyes dahil sa sinabi nya. Oo maganda yung pandesal pero hindi ako natatakam

Excuse me lang ha. Puro taba ka kaya." sarcastic na sabi ko

Taba ba talaga?" ramdam kong lumapit sya sakin kaya kinabahan ako "Tingnan mo nga." nanlaki ang mata ko dahil nasa harapan ko na ang mga pandesal

Lord please help me. Ilayo nyo po ako sa tuksong nasa harapan ko. Baka hindi ako makapag pigil eh

Sabi sayo natatakam ka eh." sabi nya sabay alis sa harapan ko kaya wala na ang magandang view

Heh! Bilisan mo na nga lang anong oras na oh." mataray na sabi ko sa kanya

Pagkatapos nyang mag bihis kinuha ko na ang damit na dadalin nya pati ang bag na naglalaman ng mga gamit nya. Pakshet mabigat!

Hirap na hirap akong buhatin ang gamit ni rhacks pababa sa hagdan. Hindi man lang ako tulungan ng rhacks na to!

Pagdating namin sa Van mabilis kong binaba ang gamit na dala dala ko. Buti hindi ako nahulog sa hagdan

Yung damit baka malukot." nakasimangot ako ng lumingon kay rhacks. Punyeta sya! Yung damit inisip ako hindi!

Hindi pwedeng saglit lang? Pagod pa diba." inirapan ko sya bago ayusin ang gamit nya

Tumabi na ako sa kanya sa backseat pagkatapos ng ginagawa ko

Manong tara na." sabi ko sa driver namin. Tumango lang si manong tapos pinaandar na ang sasakyan

Ang sama talaga ng ugali mo." bulong ko na for sure narinig nya. Malakas pandinig neto eh

Ano na naman." inis na sabi nya. Oh diba wala pa akong sinasabi inis na agad sya

Wala." tumingin nalang ako sa bintana kaysa makipag away sa kanya. Nakaka stress syang kaaway promise

Mabilis kaming nakarating sa studio kung saan gaganapin ang photoshoot ng batong kasama ko. Bumaba na ako para kunin ang mga gamit namin and katulad kanina hindi nya na naman ako tinulungan. Nauna pa talaga syang pumasok sa loob ng building

Hindi manlang maging gentleman." inis na bulong ko

Ano po yun ma'am?" napatingin ako kay manong driver ng mag salita sya

Wala po. Tatawagan nalang po kita kapag tapos na." tumango naman si manong bago umalis

Pumasok na ako sa loob ng building dala dala ang gamit naming dalawa. Sobrang bigat sobra

Erikha!" natuwa ako ng marinig ko ang sigaw ni jack

Jack!" sigaw ko pabalik. Pinag titinginan na nga kami ng tao dito sa hallway pero wala akong pake. Masaya ako eh

Patulong naman ako." nag pacute pa ako sa kanya para pumayag sya

Oo ba." sabi nya sabay kuha ng gamit tsaka damit na nasa braso ko

Super thank you talaga jack." sabi ko habang inuunat ang mga braso ko. Nangalay ata

Ikaw pa eh malakas ka sakin."

Hahahaha tara na nga." pinauna ko na syang maglakad kasi sya naman yung nakaka alam kung saan dito yung photo shoot nila

Bakit ba ang tagal mo?" naka kunot noong tanong ni rhacks pag pasok palang namin

Eh ang bigat nito eh." sabi ko habang kinukuha kay jack ang mga gamit

Thank you." sabi ko sakanya. Ngumiti lang naman sya tapos umalis narin

Tsk. Bilisan mo." sabi ni rhacks tapos mabilis na nag lakad kaya sinundan ko na sya

Pag karating namin sa isang kwarto (na may nakalagay na pangalan nya sa pinto, kaya baka kanya to) binaba ko na yung gamit na dala ko at sinabit ko naman ang mga damit

Rhacks hinahanap ka na." napatingin kami sa manager ni rhacks na dumating

Tara na." kinuha ko na yung gamit ko tsaka sumunod sa kanya sa labas

Pumwesto na sya sa harap ng camera kasama sila ash at jack samantalang nasa isang gilid lang ako. Ang gwapo nya pala kapag nakangiti

Matunaw yan." napatingin ako kay Manager Lyn na nasa tabi ko na pala

Hindi naman sya ice cream."

Pilosopo kang bata ka." naiiling na sabi nya. Tahimik lang kaming nanonood ng tumunog ang cellphone nya

Sagutin ko lang." tumango lang ako bilang sagot. Lumayo sya sakin ng bahagya bago sagutin ang tawag

Imbis na bumalik sa panonood sa kanila kinuha ko nalang ang assignment sa bag ko at nag sagot. Dito ko nalang sasagutan para pag uwi yung kay rhacks nalang ang problema ko. Kasali kasi sa trabaho ko ang tulungan sya sa assignment, project at pag rereview sa exam. Busy kasi sya kaya kailangan may gumawa ng assignment at project nya pero kapag hindi sya busy hindi ko gagawin yun

Erikha." napatingin ako sa tumawag sakin

Oh?! tanong ko kay rhacks

Ano ba? Kanina pa kita tinatawag ah. Magpapalit pa ako bilis." inis na sabi nya tapos umalis sa harapan ko

Nilalagay ko sa bag ko yung gamit ko habang sumusunod sa kanya kaya hindi ko napansin na may kasalubong ako. And ending nabangga ko sya

Aray ko." napa upo pa ako dahil sa lakas ng impact ng banggaan namin

Sorry miss." natigilan ako sa boses ng nakabanggaan ko. Kilalang kilala ko yun eh!

Laxus!" sabi ko sabay mabilis na hinarap ang lalaking nasa harapan ko

Erikha." nakangiting sabi nya tapos tinulungan akong tumayo

Laxus ikaw nga." niyakap ko pa sya sa dahil sa sobrang tuwa. Namiss ko ang lalaking to

Kamusta ka na?" sasagot palang sana ako sa tanong nya ng marinig ko ang pangalan ko

Erikha!" sigaw ni rhacks

Alis na ako laxus ah. Mamaya nalang bye." kumaway pa ako sa kanya bago umalis. Panira naman ng moment ang rhacks na to

Im His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon