Loner Or Nagpapaka-loner?

Magsimula sa umpisa
                                    

"Honestly, sarap niyo pag-umpuging dalawa. Para kang buntis na naglilihi pagdating kay Grey, di mo matantiya ang ugali, ngayon ang ganda ng mood, maya-maya naman ang asim na naman, hayy.. ako ang naduduling sa'yo Kito," sabi niya.

"Whatever," sabi ko naman sabay subsob ulit sa unan.

"At nga pala, bakit kung naiinis ka kay Grey eh nandiyan pa yang stuffed toy na yan?" Sabi bigla ni Ate Jasmine.

"Tinatago ko lang kasi kinuha ko yan as a token of friendship! Not as a token of courtship!" Sabi ko.

"Asus, reasons!" Sabi niya sabay pagulong ng mata.

"Leave me alone! Alis, alis!" Sigaw ko habang pinagtutulakan ko siya palabas ng kwarto ko.

"Magpapaalam pala ako. Wala ako sa bahay ngayong gabi. Initin mo na lang yung pagkain diyan and behave yourself," habol ni Ate Jasmine bago ko pa nasara yung pinto.

"You're leaving again?!" Di makapaniwala kong tanong.

"Its a company stuff and I can't say no. May event mamaya sa kumpanya and I'll meet also with Charles," sabi niya sabay habol ng kilig. Si Charles yung isa sa mga suitors ni Ate Jasmine. I just rolled my eyes.

"Okay. Have a nice evening!" Sabi ko sabay balibag pasara ng pinto.

Babalik na sana ako sa tulog nung biglang nag-ring yung phone ko.

Si Grey.

"Hindi pa ba sa'yo malinaw na ayaw kitang makausap?" Bungad ko agad sa kanya.

"Bawal ka ba kausapin ng PA mo?" Sagot niya.

"Bawal," sagot ko naman.

"Ate Jasmine told me that you're alone in your house, I'll come over," sabi niya.

"NO!"

"Pupunta ako."

"NO!"

"Papunta na ko."

"NO. DON'T YOU DARE-"

Busytone...

Sh*t na tigas ng ulo.

He'll come over? Ayaw ko siyang makausap. Tapos ano? Magluluto siya? Kakain kami ng sabay. Mag-uusap pagkatapos. Tapos aantukin na ko.. Tapos dadalhin na niya ako sa kama ko.. Tapos tatanggalin na niya damit ko.. Tapos.. Tapos.. Tapos..

Kinikilabutan ako.

"Aaaaaaarrrrggghhh!! Ba't masyadong malikot ang imagination ko?!!! Grrrrr...." Sabi ko habang inuumpog-umpog yung ulo ko sa unan.

Humarap ako sa salamin.

Ano bang meron sakin na nagustuhan ni Grey?

Sinipat sipat ko yung reflection ko.

Mukha?

Hmmm.. Cute naman ako ah.. Baka.. Pero kilala ko si Grey, di siya naiinlove sa mukha lang.

Attitude?

Duhh.. Kung paasiman man lang ng attitude talo ko pa ang sinigang sa sampalok.

Yung adobo?

Hayy.. Di naman masiba si Grey.. Kung nainlove siya sa sakin, siguro ten percent lang yung adobo.

"In fairness ah, makinis naman katawan mo.. Tsk.. Sayang.." Naalala ko bigla yung sinabi ni Grey.

Nanlaki bigla yung mga mata ko. Di kaya..

Katawan lang gusto sakin ni Grey?

Ilang beses na niya akong pinatulog na nakahubad. Parati niyang pinapansin yung balat tsaka katawan ko na pambabae daw. Baka nga may ginawa sakin si Grey at hindi lang siya umaamin.

Committed to Love You [Part 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon