Realization

7.2K 296 6
                                    

Realization

[ Another throwback, this scene follows the scene in Chapter 3 - A Glimpse of the Past. If nagtataka po kayo kung bakit ko 'to ginagawa, well, ini-explain ko na po at niri-reveal yung mga thoughts and feelings ng mga main characters. Yun lang. XD This is the second to the last chapter ng Committed to Love You, excluding the Epilogue and the Special Chapter. Ciao! :) ]

Keith's P.O.V.

"Tao nga naman. Talo pa mantika sa tulugan," sabi ko na nakakunot ang noo. Naglalabasan na kasi ang mga classmates namin pero si Grey, hayun, sarap ng tulog sa table niya.

Huminga ako ng malalim at lumapit na ako sa kanya.

"Hoy, Grey. Gising na," sabi ko at inalog ko yung table niya.

Wala.

"Grey! Gutom na ako! Gising na!" Sabi ko at niyugyog ko naman siya.

Wala pa rin. Totek.

"Magsabi ka lang kung matutulog ka lang diyan para maiwanan na kita at makakain na ako ng lunch!" Sabi ko.

Dun lang siya gumalaw at nag-angat ng mukha.

"Pasensya na, nakatulog ako," sabi niya.

"Tara na. Gutom na ako," sabi ko at naglakad na ako palabas ng classroom. Pero pagkalabas ko eh may narinig akong boses.

"Hayan na naman yung alalay oh," lumingon ako at nakita ko ang isang estudiyante na may kasama at nakatitig kay Grey. Nagkuyom ako ng palad at tinitigan ko nang matalim yung dalawa.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Tinandaan ko talaga yung mukha nung lalaking tumawag kay Grey na alalay. Mamaya ka sakin..

Pagkarating ko sa canteen eh agad akong pumila. Pero pagkakita sakin nung mga tao na nakapila eh nagkanya-kanya silang alis. Pumikit na naman ako at nagbilang.

One.

Two.

Three.

Four.

Five.

Six.

Seven.

Eight.

Nine.

Ten.

Nagdilat ako ng mata.

Totek irita pa rin ako. Wala naman akong ketong pero bat nila ako iniiwasan? Wala naman akong sakit. Bwisit..

Pero sa bagay, katulad ng parati kong sinasabi, wala naman sakin gustong makipag-kaibigan way back then. I'm too intimidating and cold kaya naman walang nakakatagal sa ugali ko. Pero wala naman akong pake. Mas maganda nang mag isa ka kesa naman may kaibigan ka nga, puro naman peke.

Napatitig na lang ako kay Grey habang kumakain siya. Hayy.. Masyado naman atang mabait to si Grey. Narinig ba niya na ininsulto siya kanina nung kumag na yun? Di man lang ba niya idi-defend yung pangalan niya? Tsk..

Wait.. Ba't naman bigla kong naisip si Grey? Hayy.. Erase. Wala naman akong pakialam sa kanya dapat.

But still, di ko pa rin talaga maiwasan na di magalit kapag may umaalipusta kay Grey. Naging ugali ko na na ipagtanggol siya everytime na may iinsulto sa kanya.

"Hey, Keith. Daan muna ako ng library after this, then punta na tayo sa McDo. Sama ka sa library?" Tanong sakin bigla ni Grey.

"Maghihintay na lang ako dito," sabi ko naman.

"Okay. See you," sabi naman niya at tumayo na siya para umalis.

Then suddenly, nakita ko na papalabas na rin yung lalaking tumawag na alalay kay Grey.. Naningkit na naman yung mga mata ko..

Committed to Love You [Part 1]Where stories live. Discover now