"I'm trying!"

9.4K 388 3
                                    

"I'm trying!"

Keith's P.O.V.

"Keith, you won't believe kung sino ang nandito!" Bulong sakin ni Ate Jasmine na may hawak pang frying pan.

"Yeah. I saw them kanina pa," sagot ko naman as I fought hard not to smile.

"Isn't that great?! I'm very happy for you bunso!" Sabi niya sabay yakap sakin.

"Jasmine? May tao ba?" Tawag ni Mommy mula sa kusina.

"Kakarating lang po ni Keith, Tita," sagot naman ni Ate Jasmine. "Go.." Bulong pa niya sakin.

Naglakad naman ako papunta sa sa sala namin. Nakita ko dun yung parents ko na nakaupo at nag-uusap.

"Hi Mom, Dad," sabi ko naman pagkakita ko sa kanila.

"Gusto mo magmeryenda anak? May pizza pa rito," sabi ni Mommy after niyang makahalik sa pisngi ko. Tinapik naman ako sa balikat ni Dad.

"Uhm.. No thanks. Kumain na po kami ni Grey ng meryenda sa labas," sabi ko naman.

Nagkatitigan sina Mommy at Daddy.

"May problema po ba?" Tanong ko naman.

"Nothing anak. Nothing," bawi naman agad ni Daddy.

"Akyat lang po ako. Magpapalit ng damit," sabi ko naman.

I really felt awkward, weird, and oddly formal habang kausap ko sila. Ewan. Di na lang ata ako sanay talaga na makita silang magkasama o nag-uusap man lang ng hindi nagtataasan ng boses.

Huminga ako ng malalim habang nagpapalit ng damit. Nahihirapan akong pakitunguhan sila. I'm trying my best not to sound disrespectful.

Ringtone.

From: Grey

I know you can do it! :) Goodluck! Its good to see that your parents are trying to work to bring back their relationship. Congrats! Kaya mo yan, ikaw pa.

I smiled faintly sa text ni Grey.

Pagkababa ko sa kusina eh naabutan ko na nagtatalo si Ate Jasmine at Mommy sa timpla ng niluluto nila.

"No Tita ako na. Isang pinch lang ang alam kong kailangan nun eh," sabi ni Ate Jasmine sabay hanap sa recipe book.

"No. One teaspoon yun. Don't argue Jasmine. Mas matanda ako," sagot naman niya.

"Okay fine Tita!" Sagot ni Ate Jasmine na natatawa.

"Keith, halika dito," si Daddy, nasa sala.

"Po?" Tanong ko naman.

"Have a seat," sabi niya.

Naupo naman ako. Medyo nagtataka rin ng konti.

"How are you anak?" Tanong niya sakin.

"I'm fine po Dad," sagot ko naman.

"We're really thankful na nandito si Jasmine sa bahay para asikasuhin ka," sabi niya.

"Yeah. I missed her also. Ilang taon din kaming di nagkita ni Ate Jasmine," sagot ko naman.

"So, you still need Grey as your PA?" Tanong niya sakin.

Biglang sumagi sa isip ko na mawawala na rin ang makulit na Grey sa tabi ko. I can live now all by myself. I can be independent finally.

The offer was tempting. Ito na yung inaasam ko na freedom. Malayo sa "big bro" image ni Grey. I can finally get rid of him.

But iba ang salitang lumabas mula sa bibig ko. Pero isang bagay lang ang alam ko ngayon, I still need Grey.

"I still want him as my PA, Dad. And besides, Ate Jasmine won't be staying in our house for too long and baka busy rin siya sa trabaho niya as a fashion designer," sagot ko.

Committed to Love You [Part 1]Where stories live. Discover now