Muntikan Na

9.9K 388 11
                                    

Muntikan Na

Saturday.

In spite of what I've heard sa pag-uusap ng parents ko just this week, di ko pa rin mapigilan na di ma-excite ngayon sa family day namin.

I woke up being dragged from my bed by Ate Jasmine.

"Anong oras na?! Gising na!" Sigaw niya sakin.

I woke up grudgingly. "Sina Mommy?" Tanong ko.

"Wala pa. But they'll be arriving any moment. Bilis na. Baka ako pa ma-late sa trabaho," sagot ni Ate Jasmine.

Hindi naman kasi nag-stay sa bahay yung parents ko. Syempre, di pa rin naman nila kaya na mamuhay sa iisang bahay. But I understand, katulad ng sinasabi parati sakin ni Grey at ni Ate Jasmine, malapit na ring magkabalikan yung dalawa. Even I myself can sense it.

Naligo na ako at nagpalit ng damit. Yung shirt na bigay sakin ni Grey ang sinuot ko. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. If only I can wear the same smile na nasa damit ko.

Pagkababa ko sa kitchen eh naabutan ko si Ate Jasmine na kumakain na ng breakfast.

"Sorry. I have to go. Malapit na ako ma-late. Bye Bunso. Take care and have a good day with Grey!" Sabi niya sabay pulot sa shoulder bag niya.

"With Grey?" Ulit ko pa.

Tinitigan lang niya ako sabay ngiti. "Bagay kayo."

"What?!"

"As amo and PA. The grudgy boss and the stubborn PA, how sweet," sabi niya sabay lakad palabas.

Napakamot na lang ako sa ulo. Ano ba meron sa babaeng yun?

Patapos na ako ng breakfast nung nakarinig ako ng busina ng kotse sa labas ng bahay.

Lumabas ako at binuksan ko yung gate. Van pala. Bumaba mula sa van yung parents ko, pareho din silang naka-blue. At sa laking gulat ko eh nandun din si Grey at si Tita Jessica, naka-green shirt naman sila.

"We decided na daanan na lang sina Jessica. Tutal eh sabay na rin lang naman tayong pupunta dun," sabi ni Mommy.

"Breakfast po," aya ko sa kanila pagkapasok nila sa bahay.

Napansin ko si Grey na pinadaanan ng tingin yung shirt na suot ko. Tumalikod siya agad nung napansin niyang tinititigan ko siya pero nakita ko siyang nagpipigil ng ngiti habang papatalikod. Nagtaas naman ako ng isang kilay.

"Si Jasmine, anak?" Tanong sakin ni Daddy.

"She already left. About a few minutes bago po kayo dumating," sagot ko naman na nagliligpit na ng pinagkainan ko.

"Are you sure talaga anak na di mo na kailangan ng katulong dito?" Tanong ni Dad habang nagliligpit na ako ng mga pinggan.

"Yes Dad. Aside po sa kaya ko naman talaga ang sarili ko, kasama ko naman si Ate Jasmine and -and nandiyan naman po si- si Grey," sabi ko.

Tumango naman si Dad.

"Ready na ba kayo? Baka ma-late na tayo. Tara na," sabi ni Mommy. Sumakay na kami ng van papunta ng school.

Wala naman halos five minutes eh nasa school na kami. Papasok pa lang kami pero maingay na sa school at marami nang tao. Pagkababa namin eh agad naman kaming pumunta sa gymnasium kung 'san ginaganap yung family day.

Ito lang kasi ang family day kung saan um-attend ako, o kami since elementary ako. First year pa nga lang ako nung naghiwalay ang parents ko kaya naman never ko pang naranasan na dumalo sa family day dito sa high school namin. I'm both nervous and excited at the same time.

Committed to Love You [Part 1]Where stories live. Discover now