Truth or Consequence

8.8K 365 6
                                    

Truth or Consequence

"I'm only dreaming.. I'm only dreaming.. I'm only dreaming.."

Yun ang paulit-ulit kong bulong nung nagising ako the next day.

Pero naka-ilang sampal na ako, naka-ilang kurot, at naka-ilang pikit at dilat na pero walang nangyari, walang nagbago sa katotohanan na nagising ako sa kwarto at kama ni Grey.

Agad ko namang hinanap yung damit ko at sinuot yun. Sakto naman nun na lumitaw bigla si Grey at napatalon ako sa gulat.

"Breakfast," sabi niyang nakangiti na may dalang tray ng pagkain.

Ay oo nga, may pandesal..

Sh*t.. Katawan pala ni Grey ang tinititigan ko. Namula ako bigla at napalunok sabay tingin palayo..

"Pwede magdamit ka muna? Nakakawalang gana kung ganyan ang bubungad sa'yo," sagot ko naman.

"Nakakawalang gana?" Sabi niya pero ngumiti siyang puno ng kapilyuhan. Kumuha siya ng damit sabay suot nun. "Okay na?" Tanong niya.

Kinuha niya yung tray ng breakfast ko at nilapag na niya yun sa binti ko.

"Kumain ka na. Ang sarap pa kasi ng tulog mo kaya di kita ginising. After this pwede ka na umuwi.. kung gusto mo," sabi niyang nakangiti.

"Of course gusto ko na umuwi! And thanks sa pag-luluto ng breakfast kahit di naman kita sinabihan na ipagluto ako!" Singhal ko naman.

"Hayan ka na naman. Umagang-umaga nakabusangot ka agad," sabi niya.

"I don't want to talk when I'm eating! So shut up," Sabi ko at nagsimula na akong kumain.

Naupo siya sa kama.

"Keith, I'm sorry din pala if medyo closed-minded ako kagabi. Sorry for my behavior," biglang sabi ni Grey.

"No. Its my fault," sabi ko naman.

"Oh come on, wag mong akuin lahat ng sisi," sagot niya.

"Okay! Seventy-five percent na sisi sakin, twenty-five percent sayo. Okay na?" Irita kong sagot.

"That sounds good," sagot naman ni Grey na nakangiti.

Pumikit ako at inalala yung nangyari kagabi. Well, tinamad na kami na bumili sa supermarket at buti nga may na-order pa kaming pizza. Then nag-usap kami tapos.. tapos..

"Kung inaalala mo yung nangyari kagabi, well, magkaharap na tayong kumakain ng pizza, nag-uusap pero bigla mo na lang sinandal yung ulo mo sa mesa tapos hayun, naghihilik ka na, sarap mong kausap, seriously," sagot ni Grey.

"Sorry," sagot ko naman.

"Then pinatulog na kita sa bed ko tsaka napansin ko na yung damit tsaka coat mo eh maghapon mo nang suot kaya tinanggal ko na," patuloy niya.

Nakahinga ako ng maluwag pero nakonsensiya at the same time.

"So, san ka natulog?" Tanong ko naman.

Tinitigan niya na naman ako. Then bigla siyang ngumiti.

"Magkatabi tayo," sagot niya.

"WHAT?!"

"Magkatabi tayo. Nilalamig ka pa nga kaya I hugged you," sabi niya.

"Eh kung hininaan mo yung aircon or kung di mo tinanggal yung damit ko eh sana di ako lalamigin!" Singhal ko sa kanya. Pakiramdam ko eh namumula na naman ako.

"I doubt. Natulog nga rin akong walang shirt, di ako nilamig," sagot niya.

"WHAT?!" Gulat kong tanong. Loading... So we slept together, parehong shirtless, tapos niyakap pa ako habang tulog ako.. Grrrrrrrrrr...

Committed to Love You [Part 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon