Lumabas ako ng bahay. Hapon na pala.. Huminga ako ng malalim.. Saka ko naisip na maglinis sa garden sa may gilid ng bahay..

Nagtitrim ako ng mga halaman nung lumitaw na naman si Ate Jasmine.

"Oh hayan, may pansit ako diyang niluto. Maghugas ka ng kamay then pwede ka na kumain," sabi niya sabay lapag ng pansit sa garden table namin.

Di ko siya pinansin, nagpatuloy lang ako sa pagtitrim ng mga halaman. Tinitigan naman niya ako.

"So I think stressed ka?" Tanong niya bigla.

Tinapunan ko siya ng matalim na tingin. "Sabihan kang "mahal kita" ng inakala mong PA mo, di ka kaya ma-stress?" Irita kong sagot.

"Asus.. Swerte mo nga kasi mahal ka ni Grey," sabi niya na nakangiti.

"Swerte? Can you hear what're you saying?" Sabi ko.

"Look. Grey is hardworking, maalaga, maalalahanin, masarap.. magluto, " pinadaanan ko siya ng matalim na tingin, "caring, gentleman, lahat lahat! Tsaka.. gwapo.."

"Di ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo?" Sagot ko.

"Hindi-"

"We're both guys!! PAREHO KAMING LALAKI! OO GWAPO SIYA PERO MAS CUTE AKO PERO HINDI IBIG SABIHIN NUN NA DAPAT MAHALIN KO NA RIN SIYA! I don't love a person by his looks and I don't love and I will never say that I love Grey!" Singhal ko naman.

"Baka lunukin mo yang sinabi mo," tipid na sagot ni Ate Jasmine.

"Wala akong lulunukin! Dahil ang sinabi ko, sinabi ko." Sagot ko naman.

Huminga ng malalim si Ate Jasmine.

"You know what Keith, kung talagang wala lang sa'yo ang sinabi ni Grey, ba't ganyan ka maka-react?" Sabi bigla ni Ate Jasmine.

"Well- of course- of course may karapatan naman ata ako na magulat? I'm shocked, that's it!" Sabi ko.

"But to tell you frankly, OA ang reaksiyon mo Kito.. Super duper OA," sagot ni Ate Jasmine.

"Eh anong reaksyon ang gusto mong gawin ko? KILIGIN? What the f- Magpapakamatay na muna ako bago mangyari yun!" Sabi ko.

"Hoy. Namu-murder mo na yang halaman!" Sigaw niya dahil nabuhos ko bigla yung galit ko sa isang tanim dun. "Hindi ko sinabi na kiligin ka or whatever. Ang sabi ko kang is dapat kung talagang wala sayo ang sinabi ni Grey, eh dapat hindi ka ganyan mag-react, just shrug your shoulders, then tapos na!"

"What do you mean?" Sabi ko naman.

"Well, just treat Grey casually or kung kaya mo, iwasan mo siya. Pero ewan ko lang kung makaya mong umiwas kay Grey," sabi niya.

"Of course I can! Nagawa kong makatagal ng dalawang taon nang wala siya. Kung nakaya ko yun dati eh magagawa ko yun ulit!" Sabi ko.

"Okay, fine! GOODLUCK," sagot ni Ate Jasmine na nakangiting nakakaloko.

•••

Kung hindi ako kinaladkad mula sa bed ko the next day ni Ate Jasmine eh hindi sana ako papasok sa school.

"Over ang katangahan mo talaga. You're going to sacrifice your studies nang dahil kay Grey? You are.. an idiot," habol niya sakin habang tinutulak ako palabas ng gate.

Lakad-pagong ang ginagawa ko habang papalabas ako ng village namin. Grrr.. Ayoko talagang pumasok ngayon..

Nakalabas na ako sa village namin pero panay isip pa rin ako. Nakaka-stress na buhay na to. Naglalakad ako sa gilid ng daan nung biglang may tumawag sakin.

Committed to Love You [Part 1]Where stories live. Discover now