Chapter 3

9 2 0
                                    

After almost 5 hours of sitting and playing some games in my phone, finally.

I'm home.

The bus pulled over in the terminal at napaunat ako dahil nakatulog din ako kahit papano. Dalawang oras siguro akong tulog.

Maraming pasahero dahil nagbabalik ang mga estudyante because it's already the enrollment week. Pero wala akong katabi sa bus. Ayaw ba nila sakin? Charot.

Nang bumaba ako para kunin ang mga maleta ko ay nakarinig ako ng sigaw.

"Hoy! Chesca!" Aba't nag abala pa ang baklang 'to na sunduin ako? Himala?

He doesn't usually pick me up.

"Gaga ka. Talagang sinundo mo ako?" Sabi ko sabay yakap sakanya. Namiss ko rin 'to kahit papano.

"Naniniguro lang! Baka joke lang pala yung sinabi mo sakin kahapon na aakyat ka na!" Bumitaw siya sa yakap at naglakad papunta sa kung saan tinatambak ang mga bagahe.

Tinulungan niya akong dalhin ang mga maleta sa sasakyan niya and nanduon din pala si Clarisse. Isa pa naming kaibigan.

"Ches! Finally! Di kami kasya sa gala sa sasakyan ni Karl!" Sabi niya sabay tawa at niyakap din ako.

"Minsan talaga iniisip kong sasakyan ang habol niyo saming dalawa." Biro ko.

"Baliw! Tamad kang dalhin sasakyan mo!" Aba't namersonal na.

Tumawa lang kami at pumasok na sa sasakyan. Inilagay na din nila sa likod ang dalawang maleta ko. I slid in the shotgun seat at nagsimula nang magmaneho si Karl.

"What have you been up to Ches?" Curious na tanong ni Clarisse. Nasa backseat siya kasama si Anthony at Abby.

"Manila?"

"Yeah. You rarely reply to our messages. Parang naramdaman ka lang namin nung nag-announce na ng enrollment process." sagot ni Abby.

"Minsan sinasama ako ni Kuya Lix sa clubhouse, si Kuya Froi, since nag aadvance study yun, we rarely go out pero we went to the beach once." bored kong sagot habang nakatingin sa labas.

"Parents?" Anthony asked with mockery on his tone.

I shot him with a sharp look through the mirror and he chuckled.

"Don't get me started Anton."

Karl sensed the awkwardness from the atmopshere with that question so he turned on some music. Susi by Ben and Ben was playing again. I've been hearing that song since morning.

"Wala ka man lang na-meet na bagong tao sa Manila? Since sabi mo sinasama ka sa clubhouse?" tanong ng chismosa na si Clarisse.

"Oo nga. When I called you yesterday, I heard splash of water. You were near the pool." dagdag ni Karl.

"May gwapo ba Ches?" at medyo lumapit pa si Abby sakin habang nagtatanong.

"Hmm. Walang nahagip ang mata ko eh." sagot ko at nilingon sila.

"Lagi ka namang ganyan!" sagot nila sabay buntong hininga. I just laughed at them.

They know I'm not interested. Minsan iniisip ko kung nagrereport ba sila sa mga kapatid ko kung meron na ba ako ng kinikita or may nanliligaw pero alam naman nilang wala silang mahahanap.

"But come to think of it." I said and they are attentive once again.

"What?" They all said in unison.

MahiwagaWhere stories live. Discover now