Chapter 1

13 2 0
                                    


"Kailan ang akyat mo ng Baguio?" bungad na tanong sakin ni mommy pagkababa ko galing kwarto.

Yes, I'm studying in Baguio.

"Bukas po. Sa makalawa narin po kasi ang enrollment." sagot ko habang hinihila ang upuan. Hindi na ako nakarinig ng sagot kaya't nagpatuloy na kami sa pagkain.

"No plans in transferring Franchesca? Your grades surely qualifies for the requirements and we also want you to shift courses." natigilan ako sa sinabi ni Daddy.

Shit.

"Dad. I already love what I am taking. It will be hard to adjust if I'll transfer and shift. I'll be delayed." pagod na sagot ko. This is an issue to us.

"What's going on?"

Narinig ko si kuya na paparating. Kasama ang isa ko pang kuya.

"Forcing Ches to transfer again?" tanong ni Kuya Froi.

"Mom—" di na pinatapos ni mommy si kuya Felix.

"I know, i know, let her do what she wants, her course is good. We also know that." Inirapan ni mommy ang dalawa kong kapatid.

Hinalikan ako sa ulo ng dalawa ganon din ang ginawa nila kay mommy bago umupo si kuya Lix sa tabi ko at tabi ni dad si kuya Froi.

"Can we eat this breakfast peacefully now? Without trying to ruin our sister's plans?" Masungit na tanong ni Kuya Froi. Ang sungit talaga nito.

Natapos ang breakfast namin ng walang kumikibo. I'm partly guilty. Ako lang talaga ang problema ng pamilyang 'to.

Kuya Froi is in Med School. Already in his second year. Kuya Lix is already a CPA. He was one of the topnotchers. I think he has plans in proceeding to Law. I don't know. He said he want to 'enjoy' first.

And I know what he meant by 'enjoy'.

Get into flings and party until his cash burns out.

Aakyat na sana ako ng kwarto nang hilahin ako ni Kuya Lix. Eto na nga bang sinasabi ko ngayong nalaman niyang aakyat na ako bukas sa Baguio.

"Kuya where are you taking me? I have to pack my things!" singhal ko kay Kuya. Totoo namang mag eempake pa ako.

"Before you go nerdy again, you have to enjoy first. So I'm taking you somewhere to enjoy." tumatawang sagot niya at binuksan ang shotgun seat ng sasakyan niya at tinulak ako papasok sa loob.

Nakabusangot ako nang makapasok na si kuya sa driver's seat.

"C'mon little sis. Loosen up!" Tumatawa pa siyang pinaandar ang sasakyan.

Palabas na kami ng gate nang tinanong ko ulit. "Kuya saan tayo pupunta?"

"I know you know kung saan tayo pupunta. To my friends ofcourse!" Pasigaw niyang sinabi ang bandang huli.

Natawa nalang ako kay kuya dahil sa kakulitan niya. Kuya Lix is like my savior everytime I'm having a bad day. His friends became my friends, too. They even call me 'princess' because they call kuya 'master'. Morons.

Kuya Froi's friends are really the nerdy ones. I'm close with some of them pwera sa mga babae niyang kaibigan kasi alam kong may gusto sila kay Kuya and they think they have to get my approval kaya di ko sila pinapansin kaya't hindi rin nila ako pinapansin.

"Lil Sis." Tawag sakin ni Kuya nang mapansing malalim ang iniisip ko habang nakatingin sa labas at sa mga nadadaanan naming mga tao at lugar.

"Hmm?" Lingon ko sakanya.

"Bakit ayaw mo dito? Honestly, it's easy for you to transfer. You've got excellent grades and not to mention you are very pretty." Aba't binola pa ako ng mokong.

MahiwagaWhere stories live. Discover now