C3?

35 10 20
                                    

Third POV

Nasa hapag-kainan ang dalawa at kasalukuyang kumakain nang tanghalian. Kanina pa hindi mapakali si Abigail kakaisip sa sinabi ng lalaki na ipagpapatuloy umano nila.

'Teka bakit ba ako naeexcite?' sa isip ng babae habang mabagal na kumakain.

Nagmamasid naman sa kanya si Andrew at lihim na natatawa sa kilos nito. Alam niya ang rason sa mga kilos nito dahil kitang-kita sa mga reaksyon ng dalaga kung ano ang nasa isip niya.

Sandali namang napatulala ang lalaki. Iniisip niya kung bakit mga ba niya hinalikan ang babae. Nang malaman niyang single ito ay tila nagdiwang ang kalooban niya.

'She looks so pure. Maybe I'm attracted to her innocence.'

Naalala niyang muli ang reaksyon nito nang mahalikan niya ang dalaga. Halatang first time nitong mahalikan. Ang pagtugon nito na tila hindi alam ang gagawin.

Marami na ring dumaan na babae sa buhay ni Andrew dahil sa kanyang propesyon pero ang lahat nang ito ay pawang nga laro lang.

Hindi niya nagseseryoso dahil sa delikadong trabaho. Alam niyang magiging hassle lamang ito sa parte niya.

'Maybe I just want her to be my playmate.' ani ng lalaki sa kanyang isipan.

Napansin naman ni Abigail ang pagtitig sa kanya ng binata. Kaya sinipa niya ang paa nito sa ilalim ng lamesa.

"Staring is rude!" sambit niya na nagpabalik sa lalaki sa kaniyang katinuan.

"Sorry. I'm just thinking. Tungkol kanina. Sa kotse." tama. Naalala din ng lalaki ang nangyari kanina sa taxi bago may sumabog sa harapan nila.

"Anong mer--" hindi natapos sa pagtatanong si Abigail nang magets niya ang tinutukoy ng lalaki. Agad siyang namutla at medyo nanigas.

Napansin ito ni Andrew kaya mas lalo siyang naghinala. Hinawakan niya bigla nang mahigpit sa kamay ang dalaga. Nakakatakot ang anyo nito.

"Tell me. Are you one of them?!" lalong napipilan ang dalaga sa inasta ni Andrew. Gusto niyang magsalita ngunit natatakot siya.

"Kaya ba alam mong may paparating na bomba dahil alam mong planado nila kaso ayaw mong mamatay?!" tumayo na ang binata sa kinauupuan nito na kaharap ng dalaga.

Hindi makapagsalita si Abigail. Nanlaki naman ang mata ni Andrew nang makita ang mga butil ng luha na nag-uunahang tumulo sa mga mata ni Abigail.

Kitang-kita niya ang takot sa mukha nito at ang panginginig ng katawan na palantandaang hindi ito sanay sa dahas. Agad namang dinaluhan ng binata si Abigail at inalo. Lumapit siya sa gilid nito, binitawan ang palapulsuhan niyang kasalukuyang namumula at niyakap.

"I'm sorry. I'm sorry. I didn't mean it." nagsisising sambit ni Andrew.

Bagaman nasaktan at totoong natakot si Abigail, hindi maintindihan ng dalaga kung bakit sa simpleng yakap st pagsosorry lang nito ay tila gumaan agad ang kalooban niya. Ngunit hindi niya pa din napigilan ang magsalita.

"Gusto ko nang umuwi. Normal lang ang buhay ko. Magtatrabaho, maiistress, uuwi sa bahay at matutulog. Hindi ko.. Hindi ko naman akalain na mali ang masasakyan ko. Tama ka. Takot na takot ako kanina. Sino ba ang handang mamatay?" muling napaiyak ang dalaga.

Guilt.

Iyan ang nararamdaman ni Andrew habang nasa bisig niya pa din ang dalaga.

"I'm sorry. I overreacted. Hindi ko na dapat tinanong iyon."

"Pero.." rinig niyang sabi ni Abigail at tinanggal ang pagkakayakap niya. Umupo siya sa katabing upuan nito dahil tingin niya ay may sasabihin pa ito.

CondemnWhere stories live. Discover now