His Side

58 13 12
                                    

Andrew POV

You have a new message!

-----
From: Sebastian

Punta daw tayo sa Condemn bar mamaya. Nasabihan na din namin ang girls.
-----

Matapos kong mabasa ang message ng kaibigan ko na si Sebastian, tinawag ko ang aking sekretarya.

"Yes po, Sir Andrew?" tanong nya nang makapasok sa opisina ko.

"We don't need to have an OT today. You can leave earlier once you're done with the presentation" ani ko habang tutok pa din sa aking laptop para matapos na ang mga dapat kong icheck bago umalis sa opisina.

"Okay. Thank you. Anything else, Sir?" bigla akong napaisip at tumingin sa kanya.

"Pupunta kami sa Condemn nina Sebastian. Sasama ka ba?" tanong ko.

Mula sa pagiging pormal, biglang ngumisi ang bugok na 'to.

"Yun oh! Libre mo ako boss?" sagot nya habang tumataas-baba pa ang kilay nya.

"Asa ka. Ang taas ng sweldo mo saken dito, magpapalibre ka pa? Masyado mo na talagang inuubos ang pera mo sa pambabae, Lewis." sagot ko naman sa kanya, matapos ifinalize at isave ang mga file document sa laptop ko.

"Kailangan yun sa buhay boss!" masayang sagot nya pa at tsaka natarantang umalis nang makitang nakasara na ang laptop ko. "Mag-aayos na ako. Tapos na talaga ako sa pinapagawa mo. Tinulungan ako ni Elaine." pahabol nya pa bago tuluyang lumabas.

Napailing na lang ako at dumiretso sa nag iisang kwarto sa opisina ko para makapag palit ng damit. Tiningnan ko ang orasan at nakitang mayroon pa kaming 30 minutes bago ang actual out namin.

Masyado pang maaga. Malamang sa Condemn Café muna kami tatambay dahil 6 pa ng gabi magbubukas ang bar nito.

Matapos kong magbihis, narinig ko na din ang katok ni Lewis sa labas ng opisina kaya naman kinuha ko na din ang mga gamit ko.

"Let's go"

---------------

At Condemn

"Nasaan na si Lewis?" tanong sa akin ni Dane nang makabalik sya sa table namin.

"Ano pa ba? Syempre nakapaghanap na ng isda. Kayo ba hindi na maghahanap?" Sagot naman ni Sebastian.

Napatingin ako agad sa kanya at sabay kaming napasigaw ni Dane ng "Fvck you!!!"

Mukhang idadamay pa ako sa kalokohan nya. Wala pa din ang mga babae naming kasama.

Baka napasarap na naman sila sa pagshopping.

Sumandal ako sa sofa dahil medyo tipsy na din ako. It's 11:30 in the evening, so the people are starting to get wild in the club.

Kanina pa kami nag iinuman. Nagbago na din ang music at ilaw sa loob ng club. Marami na ang nasa dancefloor. Kitang-kita ang pagsasayaw nila ng malalaswa at halos matanggal na ang mga damit nila.

I close my eyes to relax since I'm already quite tipsy when I heard a soft voice.

"Hey. Do you mind?" Sabay kuha ng baso kong may laman na matapang na alak sa ibabaw ng table namin.

I look around and saw Sebastian and Dane with someone. Then I look at the girl in front of me.

I smiled and shook my head.

Ininom nya ang kalahating laman ng baso ko. Medyo napangiwi pa ako dahil napakatapang noon, pero tila wala lang sa kanya.

Habang hawak nya pa din ang baso, lumapit sya saken.

CondemnWo Geschichten leben. Entdecke jetzt