Chapter 2

957 33 0
                                    


SSPG

INCEST STORY!!!!!!

READ AT YOUR OWN RISK AT BAWAL ANG 18 BELOW.

MAY SENSITIBONG TOPIC NA HINDI  SASANG-AYUNAN NG NAKAKARAMI.

WALANG TWIST HANGGANG DULO.

Chapter 2



Unedited...

"Tita Jairah!" masiglang bati ni Dust sa kakambal ng kaniyang ina.

Alas otso na ng gabi pero dumalaw pa ito dahil gusto raw ni Jairah na ipakita sa kakambal ang bagong disenyo ng mga damit na irarampa ng mga modelo sa runway nextweek.

"Where's my twin sistah?" maarteng tanong ni Jairah sa binata matapos nitong humalik sa pisngi niya.

"Nasa study room yata," sagot ni Dust.

"Ba't may study room kayo? Wala namang utak si Sky," panunuya ni Jairah kaya napakamot si Dust. Sanay na silang nilalait ng mga ito ang ama niya. Kahit sila, sumasang-ayon din na wala talagang utak ang ama nila dahil sa pagiging isip-bata nito. Pero mahal naman nila ang ama at malaki ang respeto nila rito. Wala lang. Parang iyon na kasi ang bansag sa ama niya lalo na kapag sumayaw ng ostrich at budot dance nito.

"Puntahan mo na lang po, Tita," ani Dust at nginitian si Jairah.

"Dust? May syota ka na ba?" tanong ni Jairah.

"Wala pa po," magalang na sagot ni Dust. Ang Tita Jairah nila ay parang ina na rin nila dahil sobrang close nila sa kakambal ng ina kahit na madalas nitong awayin ang Daddy Sky nila. Paano, madalas na ninanakaw ni Sky si Angela para alagaan dahil sabik ito sa anak na babae. Iyon ang panahong hindi pa dumating sina Seola at Ash sa buhay nila. Mahabang istorya.

"Balita ko, pinopormahan mo ang anak ni Amanda?" prangkang tanong ni Jairah kaya napakamot si Dust. Malamang sinumbong siya ni Angela. Patay talaga ang babaeng 'yon sa kaniya kapag magkita sila.

"Friends lang po kami," tipid na sagot ni Dust.

"Bahala kayo. Wala namang problema sa akin iyon. Ang parents mo lang naman ang may malaking isyu sa pamilya na 'yan. Alam mo na, malaki ang kasalanan nila sa pamilya ninyo lalo na sa ginawa nila noon." Masasabi nilang mortal na kaaway na nina Sky ang pamilya nina Samantha.

"Labas na po si Samantha roon," pagtatanggol ni Dust.

Ngumiti si Jairah. "Matatanda na kayo at alam na ninyo ang tama at mali, Dust."

"Thank you po, Tita Jairah," pasalamat ng binata. Masasabi niyang sobrang close ng pamilya nila sa isa't isa. Lahat nagdadamayan at walan sapawan. Malaki rin ang respeto nila sa kapwa lalo na sa mga babae nila. Prinsesa ang turing nila sa mga ito at walang puwedeng manakit kahit na sino man dahil silang mga lalaki ang makakalaban nila.

"Kapag magkita kayo ni Angela, pakisaway naman sa pinsan mong bawas-bawasan niyang makipag-date sa mga lalaki niya," pakiusap ni Jairah dahil ang tigas ng ulo ng anak nila. Nasa ibang bansa pa ngayon si Angelo kaya walang sumasaway kay Angela.

"Kilala mo naman po ang anak ninyo. Kay Tito Angelo lang 'yon nakikinig," ani Dust.

"Alam kong parang kapatid na ang turing ninyo kay Gela kaya pakibantayan naman ang bruhang anak ko," pakiusap ni Jairah.

"Sige po. Kami nina Star ang bahala sa pinsan naming iyon," sabi na lang ni Dust. He's lying. Sino ba ang makakapigil kay Angela? Eh, nagmana lang ito sa ina kuwento ng mommy nila.

Nagpaalam na si Jairah na umakyat sa kakambal kaya umalis na rin si Dust at sumakay sa ducati para puntahan sa condo si Samantha.

Nang makarating, ipinarada niya ang ducati sa parking lot ng condo building saka binitbit ang tatlong pulang rosas na binili niya kanina sa daan at pumunta sa unit ni Samantha.

MALI BA ANG IBIGIN KAWhere stories live. Discover now