13

626 24 0
                                    

Chapter 13

Unedited...

"Can we take a photo?" tanong ni Angela habang hinihintay ang tour guide dahil pauwi na sila.

"Gel? Alam mo namang--"

"I just wanna capture our good memories here in Sagada as lovers," sabat ni Angela at itinaas ang selfie stick. "Kapag hindi ka pumayag, tabi riyan. Sagabal ka sa magandang view!" Pagtataboy ni Angela. Puro lang siya selfie mula pa kahapon.

Inakbayan siya ni Dust at ngumiti rin ito sa camera.

"Alis ka nga!"

"Huwag mo lang i-upload, Gel," pakiusap ni Dust. "Para din naman sa atin dalawa 'to."

"Oh, that para lang naman sa ating dalawa 'to thingy. I hate hearing those stupid words, Dust!" nakasimangot na sabi ni Angela at sinimulan nang mag-picture. Hinigpitan ni Dust ang pagkaakbay sa kaniya at hinalikan siya sa kanang pisngi.

Napatingin siya sa photo nila.

"Eh? Ang cute ko," sabi ni Angela habang nakatingin sa magandang mukha na halatang nagulat sa paghalik ni Dust. Nakangiti naman si Dust sa camera habang hinahalikan siya.

"Hmm? Your camera captured my emotion," sabi ni Dust habang nakatingin sa photo nila.

"Emotion?"

"Happiness. I'm happy being with you, baby," nakangiting sagot ni Dust at hinila na si Angela papasok sa van nang makita ang tour guide nila.

"Baby ka rin!" ani Angela saka inirapan ang kasintahan pero ngumiti lang si Dust.

"You're my baby Angel."

"Shutup, Dust," saway ni Angela.

Napatitig siya kay Dust. Aaminin niya, gusto niya ang pagtawag nito sa kaniya ng "baby". Pero hindi naman kasi puwede dahil baka madulas ang dila nila kapag nasa harap ng pamilya. Mahirap nang masanay.

Sa backseat sila naupo para hindi makita ng kasama ang ginagawa nila. Mga hindi nila kilala ang mga ito kaya naging malaya sila sa two days and one night date nila. Iyon nga lang, walang gaanong picture dahil ang paalam niya, sa condo ni Madie siya matutulog. Okay naman sa pinsan dahil tumakas din ito. Nagkasundo sila para hindi na ito puntahan nina Mandy at Aron. May condo na rin naman si Angela pero minsan lang niya pinupuntahan dahil hindi pa payag ang dad niya na magbukod siya.

"Are you okay? Giniginaw ka ba?" tanong ni Dust kay Angela dahil nanahimik ito.

"I'm fine," sagot ni Angela saka hinawakan ang kamay ni Dust. Nasa gilid siya ng bintana kaya nai-enjoy niya ang nadadaanang tanawin palabik sa Maynila.

"Did you really enjoy?" Inilagay ni Dust ang malapad na jacket nito sa likod ng dalagang nakatingin sa dinadaanan nila.

"Yes, I enjoyed," sagot ni Angela saka nilingon si Dust.

Hindi niya napigilan ang sariling haplusin ang makinis at maamo nitong mukha.

"A-Are we selfish, Dust? Tinik ba tayo sa lalamunan ng pamilya sa ginawa nat--" She closed her eyes when he suddenly covered her lips with his. Ang lamig ng aircon ng van pero biglang uminit nang dumaloy sa dugo niya ang mainit na kuryenteng nagmumula sa malambot na mga labi ni Dust. This is the second time na hinalikan siya ni Dust. This time, bilang magkasintahan na. She felt the warm liquid running from her eyes.

"B-Baby," usal ni Dust and wiped her tears. "I-I'm sorry k-kung hindi ako nagpaalam. K-Kahapon pa kasi kita gustong halikan."

Angela smiled bitterly. "Me too. I'm crying because our love is forbidden."

MALI BA ANG IBIGIN KAWhere stories live. Discover now