11

678 22 0
                                    


Chapter 11

Uendited...

"Morning," bati ni Angela sa mga pinsan nang pumasok siya sa tambayan.

"Morning," bati rin ni Star. "Tapos na ang klase mo?"

"Yups. 'Til eleven lang," sagot ni Angela at hinanap ng mga mata si Dust pero hindi niya nakita.

"Mabuti naman," ani Star.

"Sina Clouds?" tanong niya. Kailangan niyang maging maingat para walang makahalata na si Dust naman talaga ang pakay niya.

"Si Clouds, nasa kay Seola. Si Sun, ewan ko. At si Dust, nasa kuwarto yata," sagot ni Star. Sina Moon at Matter ay nasa kusina at tinutulungan si Manang na magluto ng tanghalian nila.

"Ah," ani Angela saka kinuha ang cellphone sa bag at tinext si Dust na nandito na siya.

Napasulyap siya sa pintong bumukas at lumabas si Dust.

"Wait lang. Tulungan ko lang sina Matter. Gusto ko rin kasing matutong magluto," paalam ni Star at tumayo saka pumunta sa kusina.

"Hi," bati ni Dust saka naupo sa tabi ni Angela.

"H-Hello," bati rin ng dalaga. Kinakabahan siya na hindi niya mawari. Ito ang first day nila ni Dust bilang magkasintahan. Kahapon, matapos mag-aminan sa rooftop, inihatid siya ni Dust sa bahay nila na wala man lang sinabi. Basta sila na raw.

"Here," sabi ni Dust saka kinuha inabot sa kaniya ang mamahaling chocolates na nakalagay sa heart shape na box.

"P-Para sa akin?" tanong ni Angela na hindi maitago ang tuwa sa mga mata.

"Yes, para sa 'yo," sagot ni Dust at nginitian ang dalaga.

"S-Salamat," pasalamat ni Angela saka pasimpleng niyakap ang chocolates saka napasulyap kay Dust na nakatitig sa kaniya. Ito ang first chocolates na ibinigay ni Dust ngayong magkasintahan na sila. "Mukhang masarap 'to."

"Oo naman, masarap 'yan," pagsang-ayon ni Dust at kinindatan si Angela. Ang cute nito. Parang bata na binigyan ng pasalubong ng crush nito.

"Thanks ulit," pasalamat ni Angela na pinipigilan ang ngumiti.

"Huwag ka ngang magpahalata," mahinang bulong ni Dust kay Angela kaya inosenteng tumingala ang dalaga at napasimangot nang pingutin ni Dust ang ilong niya.

"Huwag kang magpahalata na in love ka," natatawang sabi ni Dust na sila lang ang nakakarinig.

"Hindi ako inlove!" tanggi ni Angela at inirapan si Dust.

"Sabi mo eh," nakangiting sabi ni Dust na napasulyap sa tsokolateng yakap pa rin ni Angela.

"Okay, slight lang," ani Angela kaya napailing si Dust. Parang panaginip lamg ang lahat ng nangyari kahapon pero heto sila, may relasyon na. It's officially in a secret relationship.

"Uy, may chocolates ka? Saan galing 'yan?" tanong ni Matter na kakalabas lang mula sa kusina.

"Sa boyfriend ko," pagmamayabang na sagot ni Angela at itinago sa gilid ang tsokolate niya dahil baka manghingi si Matter. Ayaw niyang mamigay. Bigay 'to ni Alikabok e.

"Boyfriend? Kay Jerry?" tanong ni Matter kaya napatingin si Dust kay Angela. Oo nga pala, nakipagbalikan ito kay Jerry.

"Hindi ah. Break na kami ni Jerry," tanggi ni Angela.

"Kailan lang?" seryosong tanong ni Dust.

"Kagabi," sagot ni Angela. Tinawagan niya si Jerry para makipag-break.

"Sino ang bago?" usisa ni Matter saka naupo sa harapan nila.

Biglang kinabahan si Dust. May pagkamadaldal pa naman si Angela minsan. Paano kung ibubuko siya nito? Paano kung aaminin ng pinsan ang relasyon nila?

MALI BA ANG IBIGIN KAWhere stories live. Discover now