29

558 23 13
                                    



Chapter 29

Unedited...

"Mahal ko po siya!" Pag-amin ni Angela kaya natigilan si Angelo at humarap sa kaniya na palabas na sana sa kuwarto niya. "M-Mahal ko po si Dust at hindi niya ako ginahasa."

"Ulitin mo ang sinabi mo!" galit na sabi ni Angelo saka binalikan ang anak at hinawakan sa kanang braso. "Ulitin mo ang sinabi mo, Angela!"

"M-Mahal ko po si Dust. May relasyon kami at kusa kong ibinigay ang sarili ko sa kaniya," mahinang sagot ni Angela at napayuko dahil hindi niya kayang salubungin ang mga mata ng ama. Nanginginig ang kamay nitong pumipiga sa braso niya pero wala siyang choice kundi aminin ang lahat.

"Bawiin mo ang sinabi mo!" sigaw ni Angelo na halos durugin na ang braso ng anak.

"H-Hindi ko po babawiin, Dad. M-Mahal ko si Dust at hindi a-ako papayag sa gusto mong mangyaring ikasal kay Jerry. I c-can't marry him dahil si D-Dust ang totoong mahal ko," luhaang sabi ni Angela. Hindi siya makakalabas ng bahay at walang chance na makakausap na niya ang kasintahan dahil bantay-sarado na siya.

"Alam mo ba ang pinagsasabi mo, Angela? You can't love him!" Tinulak ni Angelo si Angela pahiga sa kama pero ne hindi man lang nakitaan ng takot ang dalaga.

"I did. Mahal ko siya higit sa sa pagmamahal ng isang p-pinsan. Alam kong bawal pero nagawa ko na. Minahal ko si Dust at m-mahal ko pa rin siya," muling pag-amin ni Angela.

"No! Hindi 'yan totoo!" sabat ni Jairah na kakapasok lang. Lumapit ito sa kanila. "This is just a joke, right?"

"I-I'm sorry, Mom. Pero mahal ko talaga si--"

Pak!

Isang napakamalakas na sampal ang dumapo sa kanang pisngi ni Angela kaya napahawak siya rito. Ne hindi na siya nagulat dahil inaasahan na niya ito.

"Pinagkatiwalaan ka namin ng daddy mo! Pero bakit nagawa ninyo ito sa amin?"

"H-Hindi ko sinasadya," mahinang sabi ni Angela habang nakayuko at hinahayaang tumulo ang mga luha.

"Hindi sinasadya? Sa tingin mo, papayag kaming magkatuluyan kayo? Mali ang pag-iibigan ninyo! Magpapakasal ka kay Jerry sa ayaw at sa gusto mo!" Sabi ni Angelo kaya mas lalong nanlalabo ang mga mata ni Angela.

"A-Ayaw ko," tanggi niya.

"Sinungaling ka! Pinagloloko mo lang kami ng ama mo!" galit na sabi ni Jairah at hinila ang buhok ng anak pero pinigilan ito ni Angelo.

"Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao sa inyo? Nakakahiya kayo! Gusto mong bigyan kami ng abnormal na apo?" sumbat ni Angelo. Sa lahat ng lalaki, bakit kay Dust pa?

"H-Hindi abnormal ang anak ko," depensa ni Angela saka napahipo sa umuumbok na tiyan. "K-Kahit ano p-paman siya, mamahalin ko siya d-dahil anak namin siya."

"Anak mula sa pagkakasala!" pagtatama ni Jairah.

"Walang mali sa pag-iibigan namin. Wala kasalanan ang anak ko."

"Pero nabuo siya sa isang pagkakamali!" ani Jairah.

"A-Ano ang gusto ninyo? Patayin ko siya? Ipalaglag? Ipakilala sa hindi niya tunay na ama?" sunod-sunod na tanong ni Angela.

"Tumahimik ka na, Angela!" saway ni Angelo na kulang na lang ay sakalin ang anak dahil sa galit.

"P-Pakinggan n'yo naman kasi ako at unawain. M-Mahal ko si Dust at nagmamahalan kami. Hindi ho ba puwedeng hayaan na ninyo kami?" pakiusap ni Angela.

"Hindi puwede! Magpapakasal ka kay Jerry at huwag na huwag ninyong aminin na si Dust ang ama niyang dinadala mo!" desididong sagot ni Angelo kaya mas lalong umiyak si Angela.

MALI BA ANG IBIGIN KAWhere stories live. Discover now