CHAPTER 1

179 6 14
                                    

Dude, male-late kami ng fifteen minutes. Dumaan pa kami sa Savemore. Umatake na naman kasi ang katakawan ni Rose. Mauna ka na sa room.


Napabuntong-hininga ako matapos basahin ang text message ng bestfriend kong si Min, short for Jasmine. Iniayos ko ang aking eyeglasses bago i-tap ang reply button; nagcompose ako ng message.


Hihintayin ko na kayo. Nandito ako sa PR hall, malapit sa basketball court.


Naupo ako sa upuan ng malaking la mesa rito sa hallway, after kong magreply. Tiningnan ko kung ano'ng oras na.


1:25 PM na. My gee! Five minutes na lang, start na ng next class namin. Kung bakit ba naman kasi nagtakaw pa iyong si Rose!


Tumingin ako sa entrance gate kung saan sila manggagaling. Hinihiling ko na sana'y dumating na sila habang nag-uunahan sa pagtakbo. Kung bakit naman ba kasi iniwanan ni Min 'yung libro niya, e. Hay naku! Kinakabahan  ako sa prof namin.


Titingnan ko sana muli ang oras, nang maagaw ng gumugulong na bola sa hallway ang atensyon ko.


Napatingin ako sa court kung saan may mga naglalaro. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko ang pamilyar na lalaki; hingal na hingal ang hitsura niya habang nakaupo sa sahig. Nakasuot siya ng black t-shirt, kaya halatang-halata ang tagaktak ng pawis niya. Bigla akong napalunok ng laway. Shems! Si Panda!


Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko mula sa loob. My gee! Kapag nga naman sinusuwerte ngayong araw, o! Sa dami ng lugar, dito lang pala kami magtatagpo. Char!


Tinitigan ko nang maigi ang hitsura ni Panda. Mula sa makapal at itim na itim niyang buhok, hanggang sa makakapal niyang mga kilay. Nakakahumaling din tingnan ang kaniyang bilugan na mga mata, pati na rin ang matangos niyang ilong at ang mapupula niyang mga labi. Hindi ko rin pinalagpas ang mga pawis na patuloy ang pag-agos sa makinis niyang mukha. Jusko! Parang ayoko na yatang pumasok sa klase ni Ma'am Au. Dito na lang ako't tititigan ko si Crush!


"Miss, pakiabot naman ng bola!" Napaiktad ako nang biglang sumigaw ang kaibigan niya para makisuyo. Tiningnan ko kung saan napunta iyong bola, pero dinampot na ito ng schoolmate namin at ibinato pabalik sa court.


Muli akong tumingin sa basketball court. Napangiti ako nang makitang nakatayo na 'yung lalaking tinititigan ko kanina; nakaporma na siya para muling maglaro.


"Panda..." bulong ko habang pinapanood siya.


Si Panda, hindi niya tunay na pangalan. Schoolmate ko siya noong high school; schoolmate at ka-course ko naman siya ngayong college. Hindi siya ang pinakag'wapo sa school na 'to, pero sikat na sikat siya, lalo na sa mga kababaihan; ang galing kasi niyang maglaro ng basketball. For me, he's one of the bests!


Alam ko ang totoo niyang pangalan. Alam ko kung saan siya nakatira. Alam ko ang mga hobbies niya. Halos lahat, alam ko ang tungkol sa kaniya. Well, gano'n yata talaga kapag gusto mo ang isang tao. Lahat ng tungkol sa kaniya, aalamin mo. Miski ang oras ng pag-utot niya, alam ko. But, don't get me wrong. Hindi ako stalker. Researcher ako. Magkaiba 'yun.

The Playful LoveWhere stories live. Discover now