Chapter 10 - Heartbreak

40 2 1
                                    

Natapos ang tatlong oras naming klase pero wala akong naintindihan. Ni hindi ko nga napansin ang pagpasok nina Min at Rose kanina. Occupied ang utak ko ng isang masakit na katotohanan. May girlfriend na si Panda. At ang masaklap, classmate at seatmate ko pa. Shet lang! Bakit hindi ko 'yun agad nalaman?! Kung nalaman ko kaagad, sana hindi ako nag assume. Hindi ko sana inisip na may possibility na maging kami ni Panda. Na pwede niya akong mahalin tulad nang pagmamahal ko sa kaniya. Shet! Shet! Shet! Ang laki kong tanga! Ang laki kong asumera! Nakakahiya! Nakakaasar! Ang sakit palang mapahiya sa sarili mo? Leche! Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. Baka magtanong 'yung dalawa kung bakit. Ayoko nang magsinungaling pa sa kanila kaya kikimkimin ko na lang 'to. Masakit pero kailangan kong kayanin. My gee! Kelan pa ako naging martyr?!


"Hey, Drea! Aren't you coming with us?!"


"Woah. Nosebleed ako, Min. English!"


"Shut up, Rose." Tiningnan ko sina Min at Rose na malapit na namang magtalo. Gusto kong makisali at gatungan si Rose sa pang-aasar kay Min pero hindi ko kaya. Wala ako sa mood. Ang bigat ng pakiramdam ko. Ang bigat ng dibdib ko. Gusto kong ilabas ang bigat na 'to. Gusto kong umiyak pero paano? Paano ako iiyak nang walang magtatanong kung bakit?


"Sorry, guys. I can't come with you. May gagawin pa ako sa bahay e." Pagpapalusot ko. Sabi ko ayoko nang magsinungaling. Pero ano ang ginagawa ko ngayon? Nagsisinungaling na naman ako. Ang sama ko. Sobrang sama ko na sa mga kaibigan ko.


"Ano naman ang gagawin mo?" Tanong ni Rose sabay subo ng Piattos. Ngumiti ako at nag-iwas ng tingin. Hindi ko sila kayang tingnan ng diretsa sa mga mata ngayon. Ayokong magsinungaling pero kailangan. Kailangang kailangan.


"Secret. No clue." Pabiro kong sagot para hindi nila mahalata na may dinaramdam ako. Iniayos ko na ang mga gamit ko at dali-daling tumayo.


"Enjoy na lang kayo. Ikain niyo na lang din ako ng mocha cake, ha? Babush!" Saad ko sabay talilis. Iniwan ko sila na may mga tanong sa mukha. Binilisan ko ang paglalakad ko dahil ayokong masundan nung dalawa. Kaunti na lang ang mga taong nakakasalubong at nakakasabay kong maglakad dito sa hallway. Kaunti na lang din, malapit na malapit nang pumatak ang mga luha ko. Ang sakit. Sobrang sakit. Pakiramdam ko, bigla na lang akong magko-collapse dahil sa sakit na nararamdaman ko. First heartbreak ko 'to kaya hindi ko alam ang gagawin. Three years. Tthree years ko nang gusto si Panda. At sa loob ng three years na 'yon, hindi sumagi sa isip ko na magkaka-girlfriend siya ng iba. Ang tanga ko. Masyado akong nagpakasaya sa nilikha kong mundo. Isang mundo na si Panda at ako lang ang tao.


"Ah!" Napaatras at muntik na akong mapaupo dahil mayroon sa aking nakabunggo. Buti na lang may nakahawak sa braso ko kaya hindi ako napaupo.


"Sorry." Tiningnan ko ang nagsalita at nakahawak sa braso ko. Tumayo ako nang maayos kaya binitiwan na niya ako. Iniayos ko ang salamin ko at saka ngumiti. Isang pekeng ngiti.


"Ayos lang. Mag-ingat ka na lang sa susunod." Saad ko sabay talikod. Nawala na ang pekeng ngiti sa mukha ko. Naiiyak na talaga ako. Nasaktan ako sa pagkakabunggo sa akin nung lalaki, pero mas masakit pa rin ang pagiging asumera ko.


----
"Nandito na po ako." Walang buhay kong sabi pagpasok ko sa bahay. Lumabas si Mudra mula sa kusina na may dala-dalang tray ng cookies.


"Oh, Drea. Tamang-tama ang dating mo. Nag bake ako ng cookies. Tara, kainin na natin 'to." Aniya.


"Mamaya na po, Ma. Masakit ang ulo ko. Aakyat na po ako." Usal ko. Tinalikuran ko na si Mudra at umakyat na. Tinatawag niya ako pero hindi ko na siya nilingon pa. Dire-diretso akong pumasok sa kwarto ko. Ini-lock ko ito para hindi agad-agad makapasok si Mudra kung saka-sakaling guluhin niya ako.


Inilapag ko ang bag ko sa kama at naupo sa study chair ko. Binuksan ko 'yung drawer ng study table ko at kinuha ang mga letters ko kay Panda.


"Panda.." Tawag ko sa kanya. Hindi ko na napigilan, una-unahan nang nagsibagsakan ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilang tumulo. I hate this feeling! I hate being broken! Ganito pala 'yun? Nabwi-bwisit ako sa mga kaibigan ko 'pag umiiyak sila dahil sa isang lalaki, pero ngayon, mas nakakabwisit ang sarili ko. Umiiyak ako dahil 'yung lalaking mahal ko, may mahal nang iba. Pucha! Sino ba kasi ang may sabi na mahakin ko siya ng sobra?! Bakitba kasi hinayaan kong umibig sa kanya ng palihim? Bakit ko ba kasi siya minahal? Ano ba ang meron siya? Bakit ako nasasaktan ng ganito ngayon? Bakit...?


"P-Panda.." Dumukdok ako sa mesa at nag-iiiyak. Hawak-hawak ko pa rin ang mga sulat sa kamay ko. Ayoko ng ganito. Ayokong umiyak dahil sa kanya. Dahil may iba siyang mahal. Pero hindi ko kaya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi umiyak. Kasi ang sakit. Sobrang sakit ang magmahal ng isang taong hindi alam ang existence mo sa loob ng tatlong taon. Masakit ang magpakatanga sa loob ng tatlong taon. Ha! Bakit ba ngayon ko lang naiisip na sobrang tanga ko?! My gosh, Drea! Ikaw ba talaga 'yan?! Bakit sobrang tanga mo?! Ang bobo mo! Naikuyom ko ang mga kamao ko.


Naalala ko nung una ko siyang makausap. Umiiyak ako noon dahil nawala 'yung panyo na ibinigay sa akin ni Papa. Nilapitan niya ako at inabutan ng panyo na puro panda ang design. Kinuha ko 'yun at nagpasalamat. Noon palang, humanga na ako sa taglay niyang kagwapuhan at kabaitan.


"Don't ever cry again over little things. Ang cute mo pa naman." 'Yan ang huling sinabi niya sa akin bago umalis. Naka-panda hat pa siya noon kaya tinawag ko siyang Panda. Hindi 'yun alam nina Min dahil ako na lang at si Panda ang tao noon sa school. Doon nagsimula ang kahibangan ko sa kanya. Akala ko nga, alam na niya ang existence dahil doon. Hindi pala. Hindi na niya siguro natatandaan ang araw na 'yon. Three years ago na rin naman kasi 'yun.


Iniangat ko ang ulo ko mula sa pagkakadukdok. Basang basa na 'yung mesa ko. Kumuha ako ng tissue sa bag ko at pinunasan ito. Ibinalik ko na ang mga sulat ko sa drawer. Kumuha ako ng ballpen at malinis na papel.


"Dear Panda.." Susulatan ko si Panda. Gusto kong ipaalam sa kanya ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong ipaalam sa kanya ang pagiging tanga ko. Gusto kong sabihin na... Sobrang mahal ko siya. At sa sobrang pagmamahal na 'yun, wala nang natira sa akin kahit kaonting kahihiyan.


Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luha. Basa na rin ang papel na sinusulatan ko. Pero wala akong pake, gusto kong ipaalam kay Panda na... He's my first love and my first heartbreak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Playful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon