Chapter 9 - Girl...friend?

41 5 10
                                    

Oh my gee! Oh my gee! Shocks! Magkakilala na kami ni Panda! Waaaah! Kilala na ako ni Panda! Alam na niya ang pangalan ko! Alam na niya ang existence ko! Alam na niyang... Waaaah! Nag hi siya sa akin. Nag shakehands kami. Omo! Ito na ba 'yun?! Ito na ba ang simula ng lahat?! Gosh! Kinikilig ako! Ang sarap tumili kaya lang baka magising si Mudra. Amp! Kinikilig ako to the nth level! Shocks talaga! Si Panda! Gosh! I can't move on! Alam na ng taong mahal ko na nabubuhay ako! Na may isang Lark Andrea Santos ang humihinga para lang mahalin siya! Oh, shit! Ang oa ko na! Kasi naman e!


Tinitigan ko kamay ko na hinawakan ni Panda. Shems! Kinikilig talaga ako! Makatulog kaya ako ngayong gabi?! Eeeeeeehh.. Hindi ko talaga mapigilang hindi kiligin!


Nagpagulong-gulong ako sa kama. Hindi ko mapigilan ang kilig ko! Alam na niya ang existence ko! Nahawakan ko pa siya! Ang sarap hawakan ng kamay niya! Ang lambot! Daig pa mga kamay ko. Haaaaays. Ang saya talaga ng araw na'to! Sana lang  magtuloy-tuloy na ang masayang simula namin ni Panda! Hihihi.


-----
"Dreaaaaaaaaaa!" Poker face akong lumingon sa likuran para tingnan ang sumigaw sa pangalan ko. First day of new semester, ang hyper na ni Rose. Ano na naman kayang pagkain ang nilapa niya kagabi? Hays.


"Na-miss kita, Drea!" Aniya pagkalapit sabay yakap sa akin. Napailing na lang ako. Ang oa talaga niya. Para namang hindi kami nagkita nung sembreak. Eh halos lagi nga siyang tambay sa bahay para manuod ng movie. Tss. Kumalas ako sa yakap at kinotongan siya ng mahina.


"Oa. Kagagaling mo nga lang sa amin nung Sabado." Usal ko. Ngumiti naman siya at nag peace sign sabay sabing, "Joke. 'Di talaga kita na-miss. Pakitang tao lang."


"Hay naku, Rose. Tara na! Kanina pa nagtext si Min na nasa room na siya. Lagot tayong dalawa. Sabihin nu'n, ang aga ng usapan natin, late naman tayo." Sabi ko kay Rose at nauna nang maglakad. Hinabol ako ni Rose at nag-cling sa braso ko.


"Alam mo, Drea."


"Hindi."


"Tss. Patapusin mo muna ako!" Napatawa ako nang mahina dahil sa reaksyon ni Rose.


"Oh, sige. Go. Ano 'yung alam ko?" Sagot ko habang todo ngiti. Ang sarap talaga niyang i-bully paminsan-minsan.


"Excited na excited akong pumasok ngayon! Hindi nga ako nakatulog kagabi e! Hihihi. Gusto ko na kasing makita si Japeth." Pabulong niyang sabi. Napangiti ako. Ako man. Sobrang excited akong pumasok. Hiniling ko nga na sana wala na lang sembreak. Gusto ko kasing makita si Panda araw-araw. Gusto kong titigan ang gwapo niyang mukha. Gusto kong ma-feel ang presence niya everyday. My gosh! Naalala ko na naman tuloy 'yung nangyari last week! Sana, maging close kami tulad ng mga magulang namin! Sana, maging magbestfriend din kami! Tapos, 'pag naging bestfriends na kami, doon na papasok ang love! Tulad sa mga love stories sa movies and novels, mai-in love kami sa isa't isa, though in love na talaga ako sa kanya. Tapos, Lucky ang magiging theme song namin! Oh my gee! Kinikilig ako! Hihihi.


"Bakit ka nakangiti ng wagas?" Napatingin ako kay Rose at saka umiling.


"Wala lang. Nakakatuwa ka kasi. In love ka na ba kay Japeth?" Tanong ko out of the blue. Ngumiti siya na tila ba pinipigil ang kilig at saka tumango. Napahinto ako at tiningnan siya ng seryoso.

The Playful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon