Chapter 6 - Beautiful Dream

63 6 4
                                    

Nanatiling nakatitig si Panda at ang mga kaibigan niya sa akin. Ganun din ako sa kanila. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Shet. Biglang tumayo si Panda at naglakad papunta sa akin. Shocks. Hindi ako makahinga ng maayos. Kinakabahan ako. Si Panda. Papalapit siya sa akin!

"Andrea." Tawag niya sa pangalan ko. Nakahinto na siya sa tapat ko. Oh my gee! Tinawag niya ako sa pangalan?! Kilala niya ako?! Shocks! Kilig up to my bone marrow! 

"B-Bakit?" Nauutal na nahihiya kong tanong. Bigla siyang yumuko para makatapat ang mukha ko. Napaurong ako kahit wala naman akong uurungan. Shocks! Ang lapit ng mukha niya sa akin! Hala! Hala! Hala! Ang lapit namin ni Panda sa isa't isa!

"I like you..." Huminto ang takbo ng oras. Para akong alikabok na tinangay ng hangin papuntang ulap. Oh. My. Gee! Totoo ba 'to?! Si Panda! Gusto rin ako?! Waaaaaaaah! Lumunok muna ako bago magsalita. Pero wala pa mang kahit anong salita ang nabibigkas ko, muling nagsalita si Panda.

"..to stop assuming. Don't assume, Andrea. Don't make an 'ass' between 'u' and 'me'."

"Andeng? Okay ka lang? Kanina ka pa tulala." Napapitlag ako nang hawakan ako ni Bridgette sa balikat at bulungan. Tiningnan ko siya pero hindi ako umimik. Tumango na lang ako.  I took a very deep sigh. Shocks! Andrea! Nasa gitna ka ng klase! 'Wag ka ngang mangarap ng gising diyan! Tingnan mo tuloy! Ang panget ng ending ng iniisip mo. Hays. Tumingin ako sa gawi nina Panda. Seryoso silang nakikinig kay Sir. Napahalumbaba na lang ako at tinitigan si Sir. Kunwari nakikinig ako kahit hindi ko na ma-gets ang mga sinasabi niya. Wala na sa pag-aaral ang focus ng utak ko ngayon. Lumutang na sa alapaap kasama ni Panda. Hays. Kanina, iniisip ko na nakatitig si Panda sa akin pati na rin ang mga kaibigan niya. Tinititigan nila ang kagandahan ko. Iniisip nila kung paano ako lalapitan ni Panda. Iniisip nila na bagay kami ni Panda. Ang kaso, hanggang isip na lang 'yun. Kasi, hindi totoo. Ang panget pa ng ending ng daydreaming ko. Gosh. Daydreaming na nga lang ang naglalapit sa akin kay Panda, nasira pa! Aish!

"Class dismissed." Biglang bumalik sa real world ang kaluluwa ko. Ang kaninang lumilipad kong utak ay nagbalik na. Pati na rin ang namatay kong dugo, biglang nabuhay dahil sa sinabi ni Sir. Yes! Buti naman at uwian na. Maipapahinga ko na ang utak kong nasira. Nasira dahil sa accounting. At nasira dahil kay Panda. Tss. Dumukdok ako sa mesa at pumikit. Napapagod ako kahit wala naman akong physical exercise na ginawa. Hays.

"Bye, Andeng." Dinig kong paalam ni Bridgette sa akin. Hindi na ako nag abalang tingnan siya. 

"Bye. Ingat." Parang zombie kong sabi. Nanatili akong nakadukdok at nakapikit nang maramdaman kong may kumakalabit sa akin.

"Uy, Drea. Tama na ang pag e-emo. Tara na. Ililibre mo pa kami." Napaismid na lang ako ng palihim dahil sa lakas ng boses ni Rose. Gosh. Kelan ba siya mawawalan ng energy?! Lagi na lang hyper! Itinaas ko ang ulo ko at tiningnan silang dalawa. Iniayos ko pa ang natabingi kong eyeglasses para mas malinaw silang makita.

"Tara na!" Pag-aayang muli ni Rose nang hindi ako umimik at gumalaw. Hays. As if namang may laban pa ako sa kaniya. Iniayos ko na ang mga gamit ko at tumayo.

"Tara."

-----
"Nandito na po ako." Sigaw ko sa kabuuan ng bahay namin pagdating ko. Narinig ko ang pagsigaw ni Mama sa kusina pero hindi ko na inintindi. Dire-diretso ako sa kwarto ko. Ka-stress! Nai-stress ako kahit wala naman dapat ika-stress! Anong wala?! Haleeeer?! Nakaka-stress kaya ang accounting! Duuuh?! Tulad ng nakagawian. Inihagis ko sa kama ang mga gamit ko, tinanggal ko ang eyeglasses ko, at patalong sumampa sa kama. Nakipagtitigan ako sa kisame at nag-isip ng mga bagay-bagay tungkol sa buhay ko. Gosh. Why am I so weird? Sinasabi ko sa mga kaibigan ko na wala akong crush at never pa akong nagka-crush, kahit ang totoo, halos mamatay ako sa kilig tuwing nakikita ko si Panda. Halos lamunin na ng pimples ang mukha ko dahil napupuyat ako kakaisip kay Panda. Halos bumagsak na ako sa accounting dahil iniisip ko ang rejection ni Panda sa sulat ko. Hays. Speaking of sulat!

Dali-dali akong tumayo at nagpunta sa study table ko. Binuksan ko ang drawer nito at kinuha ang dalawang piraso ng papel na nakatiklop. Naupo ako sa study chair ko at tinitigan ang mga sulat. Kahapon. I got rejected by Panda. Ay mali. 'Yung sulat ko lang pala ang ni-reject niya. Pero... Naisip ko. Itutuloy ko na ang pagsulat ko kay Panda. Hindi para ma-reject muli, kung hindi para may mapaglabasan man lang ako ng nararamdaman. Napagdesisyunan ko rin na hindi ko na muna ibibigay ang mga ito kay Panda. Next time na lang. 'Pag may lakas na ako ng loob.

Ibinalik ko na sa drawer ang mga love letter ko kay Panda. Kumuha akong muli ng  papel at ballpen. I'll write a love letter again. Daily ko na gagawin 'to. This will represent as my love diary.

-----
Ang bango ng mga pulang petal ng mga rosas na nasa sahig ay humahalimuyak. Ang mga dekorasyon na nakalagay sa paligid ay sobrang gaganda. Ang musikang tumutugtog ay kay sarap sa tenga. Ang mga taong nadaraan ko ay may mga ngiti sa labi na tila ba isang magandang obra. At ang taong nasa dulo ng nilalakaran ko ay sobrang gwapo sa kaniyang tuxedo. Hawak ko sa aking mga kamay ang isang boquet ng bulaklak. Inihahatid ako nina Mudra papuntang altar habang nakangiti pero may mga luha sa kanilang mga mata ang nagbabadyang magsipatak. Ako man ay nalulungkot dahil iiwan ko na sila. Pero nananaig ang kasiyahan ko dahil ikakasal na ako kay Panda!

"Alagaan mo ang bunso ko ha." Bilin ni Mudra kay Panda pagdating namin sa harap ng altar. Isang matamis na opo ang isinagot ni Panda. Ow. Em. Gee! Naiiyak ako! Ikakasal na talaga kami ni Panda!

Mahabang seremonyas ang sinabi ng pari. Pero kahit gaano pa kahaba 'yon, parang wala lang sa akin. Lalo na't katabi ko si Panda.

"You may now kiss the bride." Nakangiting sabi ni Father. Sigawan ang mga taong dumalo. Nagharap kami ni Panda na nakangiti sa isa't isa. Oh, yeah! This is it, pansit! A sweet kiss from Panda in our wedding day. Amp! Pinaghandaan ko'to! Unti-unti nang lumalapit sa akin si Panda. Unti-unti... Ipinikit ko na ang mga mata ko at hinintay na dumampi ang mga labi niya sa mga labi ko.

"ANDREA! BUMANGON KA NA!" 

"Arouch!" Napahimas ako sa bandang balakang ko dahil sa pagkakahulog. Naman oh! Ang sakit!

"ANDREA!" Aish! Si Mudra talaga! Panira! Ang ganda-ganda na ng panaginip ko e! Padabog akong tumayo mula sa sahig at binuksan ang kumakalampag na pintuan.

"Buti naman at gising ka na. Maghilamos ka na at kumain. Maglalaba tayo." Pambungad ni Mudra sa akin sabay talilis. Gosh. Ni wala man lang good morning! Tss. Buti na lang, maganda ang panaginip ko kahit hindi natapos 'yung kissing scene!

Isinara ko nang muli ang pinto. Pero sa halip na sundin ang utos ni Mudra na maghilamos, sa study table ako nagtungo. Kumuha ako ng papel at ballpen. Muli akong susulat kay Panda.

"Dear Panda..." Bukambibig ko sa isinusulat ko. I am smiling while writing this letter. Nag e-enjoy ako sa ginagawa ko. Nag e-enjoy akong ipahayag kay Panda ang nararamdaman ko sa kaniya kahit sa pamamagitan lamang ng sulat na'to.

"ANDREA! BILISAN MO NA DIYAN! AN’ DAMI NATING LABAHIN!" Pero sabi nga nila, lahat ay may katapusan. Kaya tinatapos ko na ang sulat ko dahil panira ng enjoyment si Mudra.

 *****

Bridgette Caminoc on multimedia :)

The Playful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon