Chapter 50

3.2K 77 3
                                    

Chapter 50: Small world

Umakyat na ako sa floor ko at nakita na medyo madami kami na natanggap para sa OJT doon. May ilan pa nga na medyo pamilyar sa'kin. Siguro ay sa school ko din sila nanggaling.

"Aiza?", napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nagulat ako when I saw Travis.

"Trav! What are you doing here?", tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa pwesto ko at agad na nakipag-high five sa'kin. 

Doon kinuwento niya na natanggap din siya dito para mag-OJT. Di naman daw niya ineexpect na makikita niya ako at magkakasama pa kami sa department.

"Small world.", ngiti niya.

Dumating na iyong supervisor namin at inorient kaming mga mag-o-OJT. Sinabi niya iyong mga rules sa company and 'yung mga rules para sa'min na nag-o-OJT pa lang naman. After lang din ng ilang sandali ay iniwan na niya kami.

Mababait iyong mga kasama ko sa OJT. Mayroon akong nakasundo kaagad na dalawa, si Bianca at si Claire. Parehas silang from other universities pero kahit na ganoon ay nagkasundo-sundo kami. Katulad kasi nila Klarisse at Monica ay kalog din iyong dalawa.

Nang medyo mag-tanghali na ay may pinadalang trabaho sa'min galing sa upper department na kailangan daw na i-encode. So naging busy kami for a while. By twelve ay natapos din naman namin iyong pinapagawa sa'min at nagkayayaan na sabay-sabay na daw kami mag-lunch.

"Aiza, tara lunch?", tumango ako at sumabay sa kanila sa paglalakad papunta sa cafeteria. Habang naglalakad ay kinuha ko ang phone ko to check kung may message ba si Chuck pero wala. Maybe he's busy. Ang alam ko kasi ay madami talagang trabaho doon sa napasukan niya na company kaya tumatanggap sila ng madaming trainees to help them.

"You two knew each other?", hindi makapaniwalang saad sa'min noong makasama namin. Nasa cafeteria na kami at kumakain na. Kasabay din namin na kumain iyong grupo nila Travis. Nang maikwento kasi ni Travis na magkakilala kami ay parang 'di sila makapaniwala.

"We're from the same province at classmates kami nong higschool.", saad ko.

Nagkakwentuhan kami from each university kung saan kami galing. At kahit na bago pa lang kaming magkakakilala ay parang comfortable na ako to be with them. Para kasi silang sila Kevin and sila Klarisse. Kalog din sila at masayang kasama. 

After having our lunch ay umakyat na muli kami sa taas para gawain iyong mga pinapagawa sa'min ng mga boss. Hindi naman masyadong mahirap, parang puro encode at type lang. Pero siguro ay dahil ito pa lang ang first day namin.

Nang mag-five na ay nagkayayaan na kami na umuwi. Tapos na naman din kasi namin iyong gawain namin. Sabay-sabay na kaming bumaba ng maramdaman ko na nagvi-vibrate ang phone ko. Dinukot ko iyon sa bulsa ko at nakita na Chuck was calling. Ilang ring pa bago ko iyon sinagot.

"Hello, babe? I'm already outside.", saad nito at narinig ko nga ang pagsara ng pinto ng sasakyan niya.

"Pababa na ako."

"Okay, I'll wait for you. I love you.", saad niya at narinig ko na pinutol niya na iyong tawag. 

Binalik ko na iyong cellphone ko sa bulsa ko bago kami sumakay ng elevator. Habang nasa loob noon ay inasar nila ako about the phone call na na-recieve ko.

"Who was it? You're boyfriend?", asked Michelle. Ngumiti ako bago tumango. And with that inulan na naman ako ng asar.

"What? Boyfriend?", Travis asked, confused.

"Oh, parang may nabagsakan ng langit at lupa dito ah?", asar nila kay Travis becase of his reaction. Nagtawanan nalang kami doon habang inuulan ng asar si Travis bago kami nakababa. 

Pagkalabas namin sa building ay natanaw ko kaagad si Chuck. Nakasandal siya sa Hilux niya habang nakaba-fold na iyong longsleeves niya hanggang sa siko. Naka-bukas na iyong ilang unang butones ng damit niya at wala na din siyang tie. As soon as matanaw niya ako ay umayos siya ng tayo at naglakad para salubungin ako. Narinig ko ang pagpito ng ilan sa mga kasama ko.

"You're man is hot.", Bulong ni Claire sa'kin at humagikgik. Tinulak niya ako palapit kay Chuck ng halos ilang hakbang nalang ang layo sa'kin.

Agad akong sinalubong ni Chuck ng yakap at halik sa pisngi. At agad ko na naman na naamoy ang pabango niya. Para siyang bagong ligo.

"Hey, how was your day?", tanong nito at ikinawit ang ilang takas kong buhok sa tainga ko. Hindi ko na siya nasagot dahil nag-ubuhan iyong nasa likod namin na mga ka-workmates ko. Nakita ko na napangisi si Chuck at napunta ang tingin sa kanila.

"Chuck, mga-officemates ko nga pala.", saad ko. Nakita ko na tumango si Chuck sa kanila at nag-salute sign. Tiningala ko siya at agad kong nakita ang pagkunot niyang noo. Sinundan ko ang tingin niya at nakita na kay Travis siya nakatingin.

Oh no.

Bago pa makapagsalita si Chuck ay nagpaalam na ako sa kanila at hinila na doon paalis si Chuck. Nauna akong pumasok sa sasakyan niya at sumunod naman siya. Agad kong napansin ang pananahimik niya ng magsimula na siyang mag-drive.

"Chuck.", I called him. No response.

"Chuck.", I called him again, but still no response.

Why is he acting like this? Galit ba siya because nakita niya na magkasama kami ni Travis sa work? For goodness' sake, wala lang iyon!

"Where do you plan on telling me na nasa iisang work kayo?", finally he spoke. Napairap ako because of his question.

Gusto kong sabihin sa kanya na it was him who never texted me the whole day para tanungin manlang ako about sa OJT ko. Gusto kong sabihin na na-miss ko siya from the whole day na hindi kami nagkausap or from the whole day na hindi ko siya nakita, pero pinigilan ko.

"Why didn't you text me simula kanina ng maghiwalay tayo?", I asked, pag-iiba ng topic. Saglit siyang hindi sumagot, tumingin ako sa kanya at nakitang nakakunot ang noo niya at seryoso siyang nakatingin sa daan.

I waited for him para sumagot pero I got no response. Hindi ko na siya muling kinausap after that. Nilibang ko nalang ang sarili ko sa pagtingin sa daan habang pauwi kami. Nang dumating na kami sa bahay ay mabilis akong bumaba ng sasakyan niya at dumiretso sa loob. Habang naglalakad ay naramdaman ko naman na nakasunod siya sa'kin.

"Aiza, wait.", he said pero nagpatuloy ako sa pag-akyat ng hagdan. Dumiretso ako sa kwarto ko pero nakasunod pa rin siya sa'kin.

"Aiza.", he grabbed my wrist ng papasok na ako sa CR sa kwarto ko para magpalit ng damit. Iniharap niya ako sa kanya at tinitigan ako ng diretso sa mata.

"Okay, I'm sorry.", saad niya at lumambot ang ekspresyon. "Nadala lang ako ng selos ko that's why I acted like that a while ago. And, I wasn't able to text you kanina dahil pagdating ko palang doon sobrang dami na ang ginawa namin.", he explained at hinila ako palapit sa kanya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ibabaw ng ulo ko.

"I'm sorry, babe. I trust you, sa Travis lang na 'yun ako walang tiwala.", he said at niyakap ako. 

And just like that, parang tinangay na ng hangin ang galit ko sa kanya kanina. It's like, isang hawak, isang yakap, isang halik, natanggal na niya 'yung galit ko. 

I hugged him back and playfully hit his arms.

"You wait here, I'll just change.", I said. He gave me kiss on my forehead bago niya niluwagan iyong yakap niya sa'kin. Dumiretso na ako sa banyo to change my clothes.

Paglabas ko ay naabutan ko siya na nakaupo sa ibabaw ng kama ko while his laptop in resting on his lap. Naka-shirt nalang sya ngayon at iyong soot niya na longsleeves kanina ay nakatambak lang doon sa may gilid. Ang burara talaga!

I shook my head bago ako dumiretso doon sa table ko. I turned on the laptop,habang naghihintay sa pagbukas noon ay narinig ko magsalita si Chuck.

"Where do you plan to work after graduation?", he asked.

At napaisip ako because of his question. To be honest kasi ay wala pa akong kahit na anong plano pagkagraduate ko. Hindi ko 'din alam kung saan ako magwowork.

I shrugged as an answer kay Chuck. Binalik ko ang tingin ko sa laptop ko na naka-on na at nag-log in kaagad sa facebook.

One of the BoysDonde viven las historias. Descúbrelo ahora