Chapter 9

4.6K 110 0
                                    

Chapter 9: Babe

“Goodevening po, tita.”, bati ko sa mommy ni Chuck ng makarating kami sa bahay nila. Sinalubong kami ng mommy niya sa may pinto.

Agad itong nagulat ng makita ang lasing na si Chuck , pero agad na pansin ko na mas nagulat siya ng makita si Neo. Wait? Parang may hindi ako alam dito ah.

“Nako, hija! Ano’ng nangyari sa batang ‘yan?”, saad nito. “Manang! Manang!”, tawag niya sa katulong nila.

“Nagkayayaan lang po kami, tita. Pasensya na po.”, paghingi ko ng pasensya.

“Ayos lang, hija. Wala 'yun, basta ikaw ang kasama ayos lang sa'kin!”, tumatawang sagot sa’kin ng mommy niya. Maya-maya ay may lumapit na katulong sa’min.

“Paki-akyat na si Brandon sa taas.”, utos ng mommy niya sa katulong nila. Agad na tumango ang katulong nila at lumapit na kay Chuck na ngayon ay kasalukuyan na inaalalayan ni Neo.

“Uh.. Ako na po ang mag-aakyat sa kanya.”, biglang saad ni Neo. Nakita ko na medyo nagulat pa ang mommy ni Chuck pero agad ay ngumiti ito at tumango.

“Aiz!”, tawag ni Chuck sa’kin habang inaalalayan siya paakyat ni Neo kasama iyong katulong nila.

“Ano? Lasing ka na! Wag ka ngang makulit!”, sagot ko sa kanya at pinandilatan siya ng mata.

Bigla ay kumawala si Chuck doon sa hawak ni Neo at humahapay na naglakad palapit sa’kin, nagulat ako ng bigla niya ako halikan sa noo tapos ay sumunod ang mommy niya.

“Goodnight, Aiz.”, saad niya habang nakangisi. “Ma.”, pagpapaalam niya sa mommy niya.

Natawa lang ang mommy niya kay Chuck at pinagtulakan na ito paakyat sa hagdan, inalalayan naman siya agad ni Neo.

“Buti at nabisita ka ulit dito, Aiza”, saad ng mommy niya tapos ay inaya ako doon sa living room nila. Ilang beses ko pa nga lang ba na nabisita dito si Chuck? Lima? Pito? Hindi ko na matandaan.

“Ah, opo. Wala po kasi ako dito noong bakasyon eh.”, sagot ko sa mommy niya.

Ngumiti ang mommy ni Chuck tapos ay tumango. “Na-kwento nga sa’kin ng anak ko, nagbakasyon ka daw sa daddy mo. Kamusta naman sila?”

“Ayos lang naman po.”, nakangiti na saad ko sa mommy niya.

“Sana ay madalas ang bisita niyo dito ni Neo.”, nakangiting saad ni Tita, agad na napakunot ang noo ko. Sa pagkakaalala ko, hindi ko naman naipakilala si Neo kanina.

“Ah, kilala nyo po si Neo?”, takang tanong ko. Napansin ko na parang nagulat siya dahil doon.

One of the BoysWhere stories live. Discover now