Chapter 11

4.2K 101 0
                                    

Chapter 11: Reunion

The time for reunion is 10:00 AM. I woke up at exactly 8:30 AM. Ginawa ko lang iyong day to day routine ko bago nagbihis.

I just wore a simple denim shorts then gray loose shirt tapos ay black converse. Ganito lang naman talaga ako manamit. If not pants, I’ll wear shorts. I’m not wearing skirts.

Dinala ko lang iyong shoulder bag na niregalo ni Chuck sa’kin last birthday ko. Ngayon na naalala ko, hindi manlang ako tinetext ng mokong na iyon. At this past few days ay lagi siyang wala. Oh, well baka kasama ang flavor of the month niya.

Nakarating ako sa bahay ni Angie dahil na rin sa alam ko naman talaga ang bahay nila. You know, Angie is also one of my friends way back in highschool. We used to have group studies dito sa kanila.

“Aiza!”, unang nakapansin sa’kin si Angelica, kausap niya ang iba naming kaibigan noong fourth year kami. Including Sarah, and Angie.

“Hi.”, bati ko sa kanya. Nagulat ako ng bigla niya ako na yakapin. That made me laugh.

“I missed you! Hindi ka na nagparamdam sa’min after graduation!”, she said. Angelica is one of my closest friend. Kami nila Sarah and Angie ang magkakasama noon.

“Naging busy lang.”, sagot ko sa kanya. Then nakita ko iyong dalawa sa may bandang likod ni Angelica na nakatingin sa’kin at nakangiti.

Naglakad ako palapit sa kanila at nginitian at tinanguan sila. They did the same thing sa’kin.

“Ang akala ko ay di ka darating!”, napatingin ako sa kakarating lang na si Miguel. Kasunuran niya iyong iba namin na kaklase na lalaki, then I saw Melanie.

Still the old Melanie. I smirked upon seeing her. She was wearing a mini skirt then a tank-top tapos ay sandals. Saan ang party, Melanie?

“OMG, is that you Aiza?”, Melanie said ng makita niya ako. Ay hinde, hinde, picture ko lang ito! Tss.

Ngumiti ako at tumango sa kanya, siya naman panay ang puri at kausap sa’kin na para bang close na close kami. Maya-maya pa ay nagdatingan na ang iba pa namin na kaklase, halos lumuwa naman ang mata ng Melanie na ito ng makita ang past love niya na si Travis.

“Hi Travis!”, bati niya ng makalapit ito sa’min. Ngumiti lang si Travis sa kanya tapos ay binalingan ako.

“Aiza. Long time no see!”, bati niya sa’kin. “Wow! You looked good. Lalong gumanda ah.”, natatawang puri niya sa’kin.

Kitang-kita ko ang pag-ismid ni Melanie sa gilid at ang pag-irap sa’kin. Natawa ako dahil sa inasal niya. Still affected, Melanie? Ngayon mamatay ka sa inis.

“Salamat!”, nakangiti ko na sagot kay Travis. “Lalo ka gum-wapo ngayon ah!”, saad ko habang nakatingin kay Melanie. Kitang-kita ko ang pagka-inis sa mukha niya.

One of the BoysWhere stories live. Discover now