Chapter 10

4.5K 101 0
                                    

Chapter 10: Invited

Habang hinihintay ko siya ay nagulat ako ng may lumapit na lalaki sa’kin tapos ay umupo doon mismo sa upuan sa harap ko.

“Hi, Aiza.”, bati niya sa’kin na para bang close na close kami.

“Classmate tayo nung highschool, hindi mo ba ako naaalala?”, tanong niya ng nakangiti. Tinitigan ko siya at pilit inalala ang mga mukha ng kaklase ko during highschool. Seeing his eyes, I suddenly remembered someone.

“Miguel?”, I said, shocked. He just nodded then smiled, showing his perfect white teeth.

“Grabe, hindi kita nakilala agad!”, pahabol ko na sabi habang nakangiti na rin. He is Miguel Valera, one of my friends during highschool. “Hindi ko alam na same school tayo! I mean, you never approached me!”

He shooked his head not minding what I’ve said. “Anyway, you coming?”, tanong niya. Napakunot ang ulo ko at nagtataka siya na tinignan.

“Reunion! Don’t tell me, Sarah didn’t tell you!”, he looked at me in disbelief. Tinignan ko siya na parang sinasabi na,  ‘what are you talking about?’

“Mukha nga di nasabi sa’yo. Alam mo naman, busy sa school ‘yun.”, paliwanag niya. “Pero, punta ka. Sa Saturday, sa bahay nina Angie.”, anyaya niya sa’kin.

Magsasalita pa sana ako ng marinig ko na may umubo doon sa may gilid namin, noong tumingin ako, I saw Chuck holding a tray full of foods.

Napatingin din sa kanya si Miguel, agad niya ibinalik ang tingin sa’kin tapos ay ngumiti. “Well, I think I have to go.”, saad niya tapos ay tumayo na. “See you on Saturday, Aiza.”, he said before leaving. I just nod at him tapos ay ngumiti.

“Sino ‘yun?”, tanong ni Chuck ng makaupo doon sa upuan kung saan nakaupo si Miguel kanina.

“Old friend.”, nagkibit-balikat ako at dumukot ng fries doon sa pagkain na binili niya.

“Wala daw siyang gusto.”, nang-aasar na sabi niya tapos ay inilapit sa’kin iyong fries, na hindi ko naman tinanggihan at nilantakan ng nilantakan.

“Ano sabi sa’yo? Ba’t ka kinausap?”, usisa niya habang kumakain kami. Tamo ‘tong lalaki na ‘to apaka-chismoso!

Umiling ako. “Wala.”, saad ko. Tinignan niya ako ng maigi bago ibalik ang tingin niya sa pagkain niya.

“Sinungaling.”, bulong niya. “Maloloko mo lahat, pero hindi ako.”, tumingin s’ya sa’kin at ngumiti. Chuck being Chuck again. Masyadong assuming ang isang ito.

Buong araw niya ako na kinukulit tungkol doon sa kung ano ang sinabi ni Miguel but I just kept on saying ‘wala’, siya nga ayaw sabihin sa’kin kung ano meron sa kanila ni Neo at kilala ng mommy niya si Neo e. Bahala siya magalit kakatanong sa’kin. I’m just being fair.

“Hi, Chuck.”, uwian na at kasalukuyan ako nag-aayos ng gamit ko ng lumapit kay Chuck iyong flavor of the month niya.

“Oh, hi Carissa.”, bati ng malanding si Chuck.

“You going somewhere?”, pumalupot agad si Carissa kay Chuck at hinimas-himas ang braso nito.

Nakita ko na tumingin si Chuck sa’kin. “Wala.”, saad ko at umiling sa kanya. Tinignan niya ako para itanong kung may lakad ba kami.

Tumayo na ako sa upuan ko. “Hot chick, let’s go!”, napatingin ako kay Neo ng bigla niya ako tawagin. Oh, Neo is here.

“May date kayo?”, tanong ko kay Chuck. “Enjoy.”, tumatawang saad ko at nilagpasan sila para puntahan si Neo.

“Skate tayo?”, yaya ko sa kanya tapos ay tinaas ang skateboard ko na hawak ko sa kanang kamay ko.

Ngumiti si Neo. “Sure.”, saad niya tapos noon ay naglakad na kami paalis.

“So, it’s fine with you?”, biglang tanong niya ng makarating kami sa may parking lot ng school.

“Ang alin?”, tanong ko habang hinuhubad iyong bagpack ko.

“Seeing him dating somebody else”, saad niya at nakakaloko akong tinignan. Binuksan niya ang passenger’s seat ng kotse at may kinuha doon. Pagkalabas niya ay may hawak na siya na board.

“Don’t get me wrong, I know Chuck is your bestfriend.”, nagpapaliwanag na sabi niya. “As his bestfriend, it’s natural na magselos ka if hindi ka na niya mabigyan ng time because he’s dating someone already.”

Ilang beses na nagtaas-baba ang kilay ko hanggang sa matawa ako. “Nope, it’s alright. You know, ayos lang sa’kin ‘yun, alam ko naman na kahit makipag-date pa siya sa kung kani-kanino ay hindi niya ako makakalimutan.”, I explained, he just looked at me na parang he is asking pero I just shrugged and dragged him papunta doon sa kung saan ako madalas nagpa-practice mag-skate.

“The great Aiza! Long time no see!”, I high-fived James' hands. “You with Chuck?”, he asked.

Umiling ako. “Nope.”, saad ko at tinignan si Neo na kasunod ko lang. “This is Neo, guys.”, pagpapakilala ko sa kanya sa mga kaibigan ko na madalas ko makasama sa pag-skate.

“Boyfriend m-“, siniko ko agad si James

“Friend ko.”, pagco-correct ko sa sinabi niya. Ngumiti lang siya tapos ay nakipaghigh-five din kay Neo.

Madali na nagkasundo sila Neo at sila James. He even teach Neo some of the skateboard tricks that he knows.

“I was the one who taught Aiza to skate.”, pagmamalaki niya habang nagi-skate siya sa harap namin ni Neo, nakaupo kasi kami sa may gilid ng daan, nagpapahinga lang.

Umiling ako. “Yabang talaga e, mas magaling pa ako ngayon sa’yo.”, nakangisi ko na sabi sa kanya.

“Yabang, ah!”, nakakalokong sagot ni James. “Nga pala, where’s your tail?”, tanong nito sa’kin referring to Chuck. Palagi kasi kami magkasama tuwing pupunta ako dito.

“May date eh.”, saad ko. Tumango-tango siya.

Maghahapon na ng maghiwalay kami ni Neo, hindi na ako nagpahatid sa kanya sa unit ni Andrew dahil sabi ko ay may dadaanan pa ako. Noong una ay nagpupumilit siya na ihahatid pa daw niya ako kasi daw ay dumidilim na at delikado sa daan, hindi ako pumayag at sinabi na kaya ko naman na mag-isa, in the end, pumayag pa din siya.

“Inviting me, huh?”, napangisi ako ng mabasa ang text ng kaibigan ko noong highschool na si Sarah. She was my friend when we were in highschool, kaya lang may mga nangyari na nagpalayo ng loob naming sa isa’t-isa.

I hit the reply button.

Me: Yup. Miguel invited me.

 I replied. I took about a minute bago siya nagreply.

Sarah: I hope mabalik natin yung dati, you know. I missed that.

Of course, I miss that too. Yung maghahang-out kami sa mga bahay namin, sleepovers, partying. But I won’t say that to her. Baka mamaya kung ano pa ang sabihin niya.

I replied.

Me: it takes time, Sarah. See you on Saturday.

Ganoon lang ang inireply ko sa kanya. Hindi na naman siya nagreply after noon. Binaliwala ko na lang iyon, tutal sanay na naman ako.

One of the BoysDär berättelser lever. Upptäck nu