01

10.5K 178 41
                                    

Heartaches

No one is ever too old for a little spice of magic. Whether you believe or not that fairytales exist, we can't change the fact that we are somebody's princess.

But there were times that I questioned myself. Why am I still believing this? No one sees my worth! No one loves me more than I love them! They are always leaving or ghosting me! Fuck them!

Maybe fairytales do exist, but only for some people and I am excluded. That is right!

Maybe I lost my shoe at midnight, but no one dared to chase me because they thought that I was just drunk.

"Ang alat ng life. Broken hearted ka na naman," asar ni Faye, kaibigan ko.

Napanguso ako. Busangot na naman.

Kahapon kasi ay tuluyan nang hindi nagparamdam sa'kin si Gio. Matagal tagal na rin namang nagkakalabuan ang relasyon namin.Nagkakilala lang kami sa isang event noon. Our family belong to a politician bubble that's why. Doon ay kinuha niya ang number ko. Naging madalas ang pag-uusap naming dalawa at madaling nakapagpalagayan ng loob. Nagulat pa nga ako nang malamang sa La Salle lang din siya nag-aaral. Sabi ko pa noon sa sarili ko, madali lang na magkitaan kami dahil nasa iisang campus lang kami.

Sa una naman ay masaya kami. Sa una lang pala masaya ang lahat. Dahil sa una lang magagaling ang mga lalaki! Mga salot sa lipunan ang mga may lawit! Marami ang nagsasabi sa'kin na ilang beses na nilang nakitang may kasamang babae si Gio pero hindi ko mapaniwalaan! Ang tanga ko pa noon! Pero nitong nakaraan, bigla na lang siyang nanlamig. Binilhan ko siya ng sweater, pero aba! Lamig na lamig pa rin!

Inakbayan ako ni Faye. "Ang pag-ibig ay gawa-gawa lamang ng illuminati."

Sinamaan ko ito ng tingin at iniwas ang sarili sa akbay nito.

"Stupid niya, iniwan ka. Hindi niya deserve na iyakan, madam."

I let out a stressful sigh. Nanlulumo pa rin ako. 

"Just forget him, Lene. He doesn't deserve you. Akala mo naman kung sinong gwapo."

Inirapan lang ako nito at humigop na sa kaniyang chocolate shake.

Right from the start, she doesn't actually like Gio for me since he is known as a womanizer in our department. But I still took my shot. Look what happened now.

Inakbayan ako ulit ni Faye. Actually, hindi na nga ata akbay iyon. Para na niya akong sinasakal e. "Hanapan na lang kita sa ibang section."

"Siya lang want ko."

Ngumiwi siya at bahagyang umiwas sa akin. "Iyang katangahan mo ilugar mo naman."

I pouted.

Well, it's true. I like Gio so much. He left me but I can't deny the fact that even in a short span of time, he made me feel loved. Kung love nga ba talaga iyon. Ewan ko.But, I'm still 15 and a first year high school student! Kaya hindi ko alam kung love nga ba talaga. Late ako nag-aral ng isang taon so ahead ako ng one year sa mga kaklase ko. Faye is just fourteen. While Gio, he is on his third year. I still have a long way to go. Marami pa naman siguro akong makikilalang bago diba?

"Break na ka'yo diba? What's with this cake?" Faye asked me the next day. I pursuade her to wait for Gio in the bleachers just in front of his building.

It's his birthday. And here I am, a fool holding a cake I personally baked for him. I even don't know why am I doing this.

"Bet mo talaga ang supot na iyon?" Bored niyang tanong. Nakapalda si Faye pero may suot ding jogging pants sa ilalim. Kumakain siya ng lollipop.

The Midnight Lies (THE PRESTIGE 3)Where stories live. Discover now