32

1.7K 27 2
                                    

Promises

"Guys, are you sure you'll be okay here?"

Nilapag ni Eka ang breakfast sa ibabaw ng mesa. Maging ang coffee namin ay naihanda niya.

"Thanks, love." I said to her.

Sa aming tatlo, si Eka ang pinakamaasikaso. Ani niya, nasanay na lang siya dahil sa mga kapatid niya. Minsan, kapag late na kaming nakauwi dito ni Layana sa apartment ay hindi kami umuuwi dito na walang nakahandang pagkain. Eka already prepared it for us.

"Ayos lang kami, Elene. Huwag mo na kaming intindihin. Ang mabuti pa, i-check mo kung may naiwan ka bang gamit. Ilang araw ba kayo ulit doon sa overnight niyong groupings?"

Napamulahan ako ng pisngi. Ang alam nila ay may group activities lang kami. Shit. Nagawa ko pang magsinungaling sa mga kaibigan ko para sa bakasyon namin ni Sorin.

"One week lang naman. Uh, need lang namin iinspect iyong lupa at progress ng project sa uhm, Bukidnon." Natetense kong sagot.

Nagsimula sa pagkain si Eka. "Ah, okay. Ang layo naman."

"Well, iyon ang nakainclude sa plans e."

Tumango ito.

"Layana! Bumangon ka diyan! Kakain na tayo!"

Ang totoo kasi niyan, anniversary na namin ni Sorin bukas. Napagdesisyunan namin na magsolo kaming dalawa. Kahit isang linggo lang. He insisted to have us some alone moments. Nagliban siya sa kaniyang trabaho at buti na lang ay tapos na rin ang exams namin kaya makakaliban din ako. Well, wala naman ng masyadong ginagawa para sa linggong ito bukod sa mga naghahabol ng grades.Kaya ayos lang na umabsent!

"Layana! Lumalamig na ang pagkain!" Pagtawag ulit ni Eka.

"Kain na pretty!" Dugtong ko naman habang masayang nagtitipa sa cellphone ko.

Ako:
Paalis ka na?

Sorin:
Yes, love.

Ngumisi ako lalo.

Ako: Iyong helmet ko, baka makalimutan mo!

Sorin:
Maiwan ko na lahat huwag lang ang helmet mo.

Humagikhik ako.

Sorin:
Pero kung maiwan ko man, bibilhan na lang kita ng bago.

Masaya akong sumubo ng almusal.

Ako:
Alright! Take care sa biyahe, ha? Slow lang dapat magmaneho!

Sorin:
I'll try

Ako:
Sorin! Dahan dahan lang. Baka maaksidente ka. Please?

Sorin:
Hmm kay. As much as I want to see you, I'll drive slow. For my safety. Alright?

My lips protruded. Bakit ganoon? Binabasa ko lang naman ang reply niya pero parang ang lambing lambing pa rin?

"Diyan. Diyan nagsisimula iyang mga trauma e. Sa pangiti ngiti ng ganiyan e."

Nakagat ko ang labi ko at napatingin kay Eka na ngayon ay mailing iling akong pinapanood.

"He's good." Pagtatanggol ko naman. Lingid sa kaalaman nila na si Sorin iyon.

"Good talaga kasi manliligaw."

"He's not courting me tho." Depensa ko naman.

Tumaas ang kilay niya. "E ano lang?"

He's already my boyfriend!

My lips protruded. "Fling?"

Fuck this. Sana lang talaga ay hindi ito malaman ni Sorin! Hindi ko naman na gusto na magsinungaling ng ganito sa mga kaibigan ko!

The Midnight Lies (THE PRESTIGE 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon