"But you love him.."

Natigilan ako. Kinagat ko ang labi ko at napayuko. Yes I love him, siya lang ang lalaking minahal ko, siya ang una at hindi ko alam kung magmamahal paba ako ng iba bukod sa kaniya.

But love isn't about fighting for the one you love. Sometimes it's also letting go.

"Adrianna I know you love him, so why give him up now? You've sacrificed for him kaya bakit ka bibitaw?"

I smiled, "Do you believe in destiny Alistair?"

He chuckled, "I don't believe in destiny Adrianna. I only believe that if you want it so bad, you can make it happen."

"I don't know Alistair. I want us both to be free. At kung kami para sa isa't-isa ay magkikita pa rin kami."

He sighed. I can almost guess that he's against my decision kaya nagulat ako sa isinagot niya.

"You can do whatever you want Adrianna. But I know my brother doesn't believe in destiny too."

Tumawa ako. Nagpatuloy kami sa pag-uusap pero nagpaalam din siya agad dahil ayaw niya raw akong mapuyat. At ganoon nga ang nangyari dahil nakatulog naman ako agad ng gabing iyon.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil alas syete ang graduation. Kahit hindi graduating ang tatlong kasama sa kwarto ay gumising din sila ng maaga para matulungan ako sa pag-aayos.

Isa sa mga formal dress na binili ni Axl para sa akin noon ang napili kong isuot. Isa ito sa mga damit na dinala ko sa pag-alis sa kaniyang condo. It's a white offshoulder dress that hugs my body so well. Pinarisan ko ito ng stiletto na binili ni nanay para sa akin.

"Ang ganda ganda mo Adri!" Puri ni Paula matapos akong ayusan. She did my hair and makeup at gusto ko ang ginawa niyang ayos.

Tuwang-tuwa silang tatlo habang nanonood sa akin. Nginitian ko sila. "Maraming salamat sa inyong tatlo. Saglit ko lang kayong nakasama pero kayo ang pinaka-totoo sa lahat ng kaibigan ko."

The three went to me for a hug while murmuring congratulations. "Kami din Adri, masaya kami at nakilala ka namin."

Nagyakapan kami roon subalit naghiwa-hiwalay na rin nang kinailangan ko nang umalis. Ipinangako ko naman sa kanila na ililibre ko sila mamayang gabi bilang celebration.

Nasa school na si nanay nang dumating ako. At ikinagulat ko pa nang makita rin doon si Alistair at ang mag-asawang Genesis. Sinugod ako agad ng yakap ni Ma'am Poly.

"Congratulations Adrianna! Namiss kita hija!" Anito habang niyayakap ako.

Nagtatanong ang mga mata ko kay Alistair dahil hindi niya naman nasabing pupunta siya at kasama pa ang mga magulang niya! Ni hindi ko alam kung paano ko ngingitian si Ma'am Poly dahil ngayon palang kami ulit nagkita matapos ang pag-alis ko kay Axl.

"Congratulations Adrianna," ngumiti si Sir Arsen.

Nahihiya akong ngumiti sa kanila at nagpasalamat bago bumaling kay nanay na nakangiti rin sa amin.

Napangiti ako nang makita ang kaniyang suot. Ang tagal na rin nang nakita kong naka-pormal siya at ngayon ay lumitaw muli ang kaniyang ganda. Ngumiti si Ma'am Poly sa amin.

"I'm so happy for you Adrianna. Hindi ko tinigilan si Lana para isama niya kami rito."

Ngumiti ako, "Thank you po sa pagpunta."

Hindi rin kami nagtagal sa pag-uusap nang kinailangan ko nang pumila para sa martsa.

Huminga ako ng malalim at tumingala sa maulap na kalangitan. Finally I'm graduating, and with the highest latin honors. Finally I can start working professionally. Hindi ako makapaghintay na maiahon si nanay sa kahirapan. Hindi ako makapaghintay dahil sa wakas, narito na ako. This will be the start of a new life.

Out of my League [Completed]Where stories live. Discover now