Chapter 28

7.3K 233 78
                                    

Chapter 28

Halos masilaw ako nang idilat ko ang mga mata ko. Sinalubong ako ng puting kisame at tunog ng kung anong machine sa gilid ko.

I squinted and realized I'm in a hospital. Sariwa pa sa ala-ala ko ang mga nangyari.

Isang mainit na kamay ang humawak sa kamay ko. Nagtama ang mga mata namin ni Axl.

His bloodshot eyes told me that he's been sleepless. His jaw clenched, his brooding dark eyes told me that he's been angry, really angry.

Ramdam ko ang bigat ng hangin sa loob ng silid, kahit kaming dalawa lang ay ramdam ko agad ang nagdidilim niyang mukha. Pinisil ko ang kamay niya para maagapan iyon.

"Kagigising ko lang, galit ka nanaman agad?" Biro ko at sinubukan tumawa pero sa huli ay naubo lamang.

Kaagad niya akong dinaluhan, kita ko ang panic at takot sa kaniyang mukha.

Ngumiti ako sa kaniya para mapagaan kahit paano ang loob niya. Pero lalo niya iyong ikinainis.

"Don't talk yet Adrianna,"

Tinitigan ko siya. His angry face is as hard as rock. Hindi maitago ang pagtatagis ng kaniyang bagang habang nakatingin din sa akin.

Sinubukan kong umupo pero ramdam ko kaagad ang sakit sa aking tagiliran na nagpaalala kung gaano kalala ang natamo ko mula sa pananaksak ni Aliyah.

"Goddammit Adrianna stop moving!" Hinawakan niya ang magkabilang braso ko para ipirmi ako sa pagkakahiga.

Huminga ako ng malalim at wala na ring nagawa. Totoong masakit ang sugat at sobrang nanghihina pa ang katawan ko.

Nanatili akong nakahiga habang nakatitig sa kaniya.

Salubong ang kaniyang kilay, his lips are on a hard passive line too. His prominent jaw just won't stop clenching.

Hindi ako nakatiis kaya inabot ko ang kamay niya.

"I said stop moving.."

Ngumuso ako, "I'm fine Axl." I gave him an assuring smile. I can feel how tensed he is just by holding his hand.

Hinayaan niyang hawakan ko ang kamay niya. Huminga siya ng malalim at marahan ding pinisil ang kamay ko.

"Bakit kaba galit na galit.."

"Do you expect me to be happy Adri?"

"I expect you to be a bit happy because I'm alive.." bulong ko pero alam kong narinig niya iyon.

"Stop talking.."

Sa huli ay nginitian ko nalang siya. Alam ko ang nararamdaman niya, alam ko ang pakiramdam na may isang importanteng tao ang muntik nang mawala sayo.

"Are you hungry?"

Umiling ako, nakatitig pa rin sa kaniya.

He's wearing a black sweatpants and a black t-shirt as well. Magulo ang kaniyang buhok at malalaki ang eyebags, he looks so sleep-deprived. At nakapagtatakang ganoon pa rin ang dating niya, gwapo pa rin siya para sa akin.

He sighed, "How do you feel?"

"Okay na ako Axl, hindi na gaanong masakit.." Pinilit kong ngumiti para mapawi ang takot sa kaniyang mukha. Pero mukhang kahit anong gawin ko ay hindi ko iyon mapapawi.

"I'm sorry.." Pinisil niya ang kamay ko.

Kunot-noo ko siyang tinitigan, "Why are you sorry?"

"Because I failed to protect you." Tila kayhirap para sa kaniya ang sabihin iyon.

Out of my League [Completed]Where stories live. Discover now