Chapter 40

24 8 0
                                    

Papatayo na sana ako ng suntukin ako ng tatay ni Tom.
"Wala kang awa!! Akala ko may pakelam ka sa anak ko!! Gago ka!!--"

"Parang ikaw lang, Tanda. Para sayo sa huli ka lang may pakealam, daig mo pa ang movie na 'Nasa huli ang pagsisi' if meron man. Hindi ko siya pinatay!"wika ko sa kanya bago ako kaladkarin ng mga pulis.

.
.
Nasa may selda na ako ng may tumawag sa akin.

"Hoy!!! MAY BISITA KA!!"
Malaya naman akong nakalabas at naghintay sa isang room na bakante pero may table at dalwang upuan.

May lumabas naman na dalawang tao mula sa pinto.
Wala akong kaalam alam kung bakit sila narito. Hindi ko naman sila kilala para puntahan man ako.

Maliban kung trip nila ako.
HA-HA-HA!

"Nais kong sabihin sayo,Miller na  konting oras lamang ang binigay sa amin. Kaya didiretsuhin ka na namin!"wika nito na may inilabas na susi.

"Para saan yan??"

"Access para sa kandado ng selda at pintuan ng pulisya. Tumakas ka--"

"Hindi ako aalis. Sapagkat kapag tumakas ako. Ay inaamin ko na rin na kasalanan ko!"

"Matalino ka,Miller. Kaya alam kong hindi ka papayag. Nagbakasali lang kami. Pero may isa pang plano. Umanib ka sa Gang."napakunot ang noo ko.

Sasali ako sa gang??

For what??

"Alam kong ayaw mo rin sapagkat dahil sa gang ay may nakaraan ka na di mo malilimutan. Pero kailangan mo nang magpasya. Tiyak na habangbuhay na pagkakakulong ang ibibigay sayo. Kaanib ang punong hukom sa kalaban."

"Dapat bukas ay may sagot ka na... Sana malaman mong nandito kami hindi dahil kelangan ka namin kundi para ayusin ang lihis na pamamalakad. Sumali ka sa grupo namin--"

"Natatandaan kita. At ikaw--"

"Sa susunod na lamang kami ulit magpapakilala.--"

Nang biglang may humampas sa pinto.
"Tapos na ang pagdalaw!! Magsipaghanda na kayo!"sigaw ng isang pulis.

"Dapat bukas may sagot ka na. Babalik kami"

.
.
Tahimik akong nag iisip. Pero buo na ang desisyon ko.

"Hoy!! May tumatawag sayo!!"

"Sino ho??"

"Sara raw ang pangalan--"

"Akin na.--"kukunin ko na sana nang bigla niyang binaba ang telepono.

Bastos.

"Ayoko. Pero isa lang ang nasabi niya...."

Napangisi siya at alam kong may alam siya tungkol sa sinabi ni Sara.

"Buntis daw siya"na alam kong ang tinutukoy niya ay si Aira.

Napasalampak ako sa kahon na naging kama ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Steven! Bakit?"

-------******------(×_+)

Naalimpungatan ako ng gabi nang kumalam ang sikmura ko.

Hindi nila ako pinakain dahil sa trip daw nila.

Inaalala ko parin yung alok sakin dalwang lalaki. Parang nakita ko na sila.

Hanggang sa may nagbato ng isang papel sa akin na nanggaling sa isang selda.
"May tinapay ako rito. Sabihin mo lang kung gusto mo"

Hear me out!(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon