Hanggang sa iuntog niya ako sa isang pader ng toilet.

"Tapos ka na diba? Tara na!!!"napatingin naman siya sa kasamahan niya at nagsimula na silang mag lakad.

Medyo nahilo ako sa pag-umpog sakin nun. Pero hinawakan ko lang ito kahit may dugo na ako sa noo.

"Pa-VIP?? Ewan ko nga kanila boss! Pwede ka namang patayin na. Pinapahirapan ka pa"wika sakin nung umuntog sakin.

"N-Nandyan na ho"
Wika ko bago tumayo at napapikit.

Pero kahit nahihilo sa pabiglang tayo ay tiniis ko na lamang.

---***----

"All Rise!!!"Napatayo kaming lahat dahil sa nandito na ang punong hukom na siyang lilitis sa kasong hindi ko ginawa.

Dinalwang pokpok ni Judge ang kahoy na kapit kapit niya at pinaupo na kami.

Tumayo sa gitna  ang isang babae na may hawak na folder na puti.
"Case #122233, ang korte laban sa nasasakdal"

"Pakibasa ang nilalaman ng kaso"wika ng judge.

Nasa kaliwang panig ang pamilya ni Tom. Umiiyak at naghihinagpis. Walang makakapigil sa kanila maliban kung penerahan ka na lamang ng kasamaan.

"Ang nasasakdal na si Miller Fronler ay natagpuang may ginagawang karumal dumal. Ang baril na nakita ay mismong pag aari ng illegal na gang na may finger print ng nasabing nasasakdal. Tagos ang bala na sa biktimang nagngangalang Tom. Nasa minor na edad palamang bagkus namatay nang dahil sa pagkakaibigan."

Natapos na ang pagsasalita nito ng nagsalita ang judge.
"Tumayo ang nasasakdal!"

Pinilit akong itinayo ng dalawang pulis na nasa tabi ko.
"Iharap ang nasasakdal ng malaman ang katotohanan."

"Nangangako ka bang sasabihin mo ang lahat ng katotohanan?!"
Nakapatong ang aking kaliwang kamay sa bible at ang kanang kamay at nanumpa.

Tumango ako.
At naupo na.

"Nasaan ka sa ganap na mangyari ang lahat bago mo mapatay si Tom?"
Tanong sakin ng attorney na halos mapunit ang labi kakangiti.

Matalim ko siyang tiningnan."Sagutin mo na lamang,hijo"wika ng judge sa akin.

"Nasa eskinita ako!"

"May galit ka ba sa kaibigan mo?"

"Wala!"

"KUNG GANUN BAKIT MO SIYA PINATAY!!!"Sigaw sakin nito na ikina sama ng loob ko.

"Itatanong mo ba kung ako ang pumatay??!!! O aakusahan mo na agad ako!!! "napatayo na aki dahil sa sama talaga ng loob ko.
"HINDI KO PINATAY SI TOMMMMM!!!!!"sigaw ko.

"Order in the court.!!!"
Bulyaw sakin ni judge na mainitin ang ulo base sa postura nito.

Napaupo na ako dahil pwinersa ako ng mga pulis. At nakatutok pa sa akin ang baril ng isa sa aking ulo.

"Wala na po akong katanungan,Punong hukom"
Umalis na sa harapan ko ang attorney na akala mo ako talaga ang may sala.

"Ibaba na si Miller Fronler. Susunod??"

Lumapit naman ang isang attorney sa gitna at nagwika.

"Nais ko lamang pong tawagin ang mga....witness"

Lahat... Lalo na ako ay napadako sa entrance. Naglalakad doon ang isang binatilyo.....

STEVEN!!!

At mula sa likod nito ay isang matanda.

Si Tatay... Ang tatay-tatayan ko.!!!

"Maaari ko bang malaman ang iyong ngalan??"tanong nang attorney rito.

"Steven. Dating kaibigan ng nasasakdal!"

"Kung ganun! Bakit ka narito?"

"Para..... Sa pagkamatay ni Tom nang mabigyan siya ng hustisya."
Hindi makatingin sakin si Steven.

Ramdam kong nagsisinungaling siya. Iba na siya.

"Ano ang nakita mo noong maganap ang trahedya?!"

"May hawak na baril si Miller. At hindi na ako nagtaka ng iputok niya ito kay Tom. Galit na galit siya kay Tom dahil sa hindi ko malamang dahilan. Mabait sa kanya si Tom pero inabuso niya. Magkakaibigan kaming tatlo pero naghahari-harian siya."

"May huli na lamang akong katanungan"

Lahat ay nakinig.

"Maaari mo bang ituro sa amin kung sino si Miller Fronler?"

Bumilis ang tibok ng puso ko nang magawi sakin ang tingin ni Steven.

"Lalabas na ako. Tapos na ang Sadya ko"sabi ni Steven at bago lumabas ng hukuman ay binigyan niya ako ng clueless na tingin.

Batid kong.... May gusto siyang sabihin.

"Ikaw naman sino ka?"tanong nila kay Tatay.

"Ako si Armando. Ang tatay ng nasasakdal"wika niya sabay tingin sakin.

"Kung tatay ka niya! Bakit hindi mo siya ipagtanggol?"

"Hindi lahat ng ama ay kailangang ipagtanggol siya. Lalo na kung hindi ka naman talaga ang totoong ama. Narito ako punong hukom upang ipagkalat na nararapat lamang na ikulong iyang lalaking iyan! Dapat na siyang mawala sa mundo dahil isa lamang siyang huwad!"

"Kalma lang po. Ano ang nalalaman mo??"

"Nakita kong may malalim na iniisip si Miller noon. At lagi rin siyang napapalaban. Miski gang kinakalaban niya.. miski tatay kinakatalo niya.--"

"Batid mo bang may balak siyang gumawa ng ganitong trahedya??"

"Hindi pero nagtaka na lamang ako na si Tom ang balak niyang patayin. Akala ko ako ang papatayin niya bagkus.... Isang kaibigan lang pala!"

"Pero nakita mo ba? Noong barilin niya si Tom?"

Napailing si Tatay.

"Pero kung ganun? Bakit ka tumistigo laban sa anak mo? Nakakalito pero bakit ?!"

"Hindi ko na maaaring sagutin ang tanong mo. Wala na akong dapat sabihin."

Napahalumbaba ang attorney.
"Isa na lamang ang tanong ko. Maaari mo bang ituro kung sino Si Miller Fronler?"

Hindi na ako nagulat ng ituro niya ako.

Pinokpok na ni Judge ang kahoy na nasa tabi niya. At nagwika.

"Tapos na ang paglilitis! Maaari na kayong umuwi. Sa pangalawang araw na ang aking hatol dahil walang nagtatanggol sa nasasakdal!"

*POKK!!!*

Hear me out!(Completed)Where stories live. Discover now