Chapter 6

56 11 19
                                    

"It's been a while, huh?"

Ihip ng hangin ang sumalubong sa akin. I exhaled heavily, pasimpleng umupo sa harap ng lapida ni Aaron kasabay ng pagpatong ng bulaklak at ang pagkain na dala ko sa tabi nito.

I grinned bitterly. I placed my palm underneath his carved name and caressed it. Suminghap ako at pasimpleng sinara ang aking labi.

"I missed you, A."

A great pang gripped my heart. Ilang araw na nang huling bisitahin ko si Aaron, hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa tuwing dinadalaw ko ang puntod nito.

"Ang daming ng nangyayari, A." I sighed. "Hindi ko alam kung saan magsisimula o paano ko nakakaya ang lahat. If only you were here."

I bit my bottom lip, and gently wiped my tears.

"But lately, I've been feeling something different. I felt happy..."

I told him everything. Naging takbuhan ko na ang puntod ni Aaron simula noon. Sa tuwing dinadalaw ko si Aaron, sa kanya ko nabubuhos lahat ng nararamdaman ko, lahat ng hinanaing sa buhay at mga nangyayari.

Napaangat ang tingin ko nang may panyong nakalahad sa harap ko. I looked up to see Sky in front of me. My brows furrowed as I looked at him, and he was half smiling.

Pasimple kong kinuha ang panyo at pinunasan ang luha ko kasabay ng pagtayo ko. Sumulyap siya kay Aaron bago niya ako tinignan muli.

I was expecting him to ask me about Aaron, but he didn't. Instead, he stayed quiet and just watched me.

I tilted my head for a bit and looked at him.

My brows arched. "What are you doing here?"

"Visiting my baby's grave," his sweet voice resounded. My forehead knotted which made him chuckle. "My dog."

Tumango ako. Muli akong sumulyap kay Aaron habang lumalabi. I suddenly felt awkward in this situation right now. Kanina lang na-ikwento ko si Sky kay Aaron at ngayon, kaharap na niya ito.

Muli akong umupo sa harap ni Aaron.

"A, I have to go. I love you," I whispered.

Bahagya akong tumayo at hinarap si Sky kasabay ng pag-abot ng panyo nito. T'saka ko lang napansin ang itsura nito. Wala itong suot na mask o sumbrero man, ang shades niya ay nakapatong sa tuktok ng kanyang ulo. He's wearing a plain navy blue long sleeve polo. Hindi nakabutones ang nauunang dalawang butones nito, simple lang at hindi nakatuck in sa pantalon nitong faded jeans.

"Thank you," I smiled at him.

"You're welcome," tugon niya kasabay ng pagkuha ng panyo nito.

He gave Aaron a quick look before we began walking.

Naalala ko bigla ang natanggap ko nung nakaraang araw. That day, I received a threat from one of his fans, kasama na ang iilan naming litrato na nasa articles habang nakabilog ng pulang tinta ang muka ko.

Pinatapon ko na lamang iyon at hindi na pinansin. I've been receiving countless times of threats before, wala naman ng pinagkaiba ang natanggap ko nung araw na 'yon!

Nang marating namin ang sasakayan nitong nakaparada, he offered me a ride. Hindi naman na ako nakatanggi dahil bago pa man iyon mangyari ay pinagbuksan niya na ako ng pintuan.

"Do you by chance know Aj?" He asked me.

Lumingon ako sa kanya nang makita itong nagmamaneho. Sumulyap siya sa gawi ko nang magtama ang mata namin bago binalik ang tingin sa daan.

"Aj Vasquez," pagpapatuloy niya.

I nodded. "I know him."

Hindi na ako nagulat kung kilala niya si Aj. They're both on the same industry.  Nang mabasa ko pa lang ang article naming dalawa ni Sky, alam ko ng magkakilala ito. Hindi na rin nakakapagtaka kung baka pati si Aaron ay kilala niya.

Limit Beyond the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon