PART ELEVEN: THE TRICKS OF HIS DREAMS

198K 13K 22.9K
                                    

"And you, a prosecutor who can play anyone in your palm."

I sighed.

For the hundredth time today, I sighed again.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ba dapat kong katakutan.

Kung 'yung katotohanan ba na may nagpadala sa 'min ng totoong mata ng tao.

Kung 'yung katotohanan ba na parte ako ng grupong tutuligsa rito at ano mang oras ay pwede ako mamatay dahil doon.

O 'yung katotohanan na I wasn't as good as I was before? That I am no longer the prosecutor who can play anyone in her hand? That I turned out now as a nobody who can't win even a single case?

What more sa ganito pang ka komplikadong kaso?

I sighed again.

Kung nandito lang si Tyler, aasarin nanaman ako n'ung para akong kambing.

Speaking of Tyler, of all cases bakit ito pa ang tinanggap n'ya? And of all people bakit ako pa isinali n'ya?

With irritation arising in me, I walked inside the room and placed my bag on the table.

I was inside our staff room.

Napag-isipan ko munang 'wag umuwi. Nakakatakot na rin kasi. Baka mamaya, bigla nalang may manakal sa 'kin habang natutulog. Ayoko nga sabing mamatay nang kulay violet ang mukha.

I looked at the staff room. Maybe, I can stay here as much as I want to. Okay na 'to, kaysa mapahamak pa.

I looked at the bed at may nakahanda nang unan doon. Dito nanaman siguro matutulog 'yung officemate ko na ginawa nang bahay ang staff room.

Maybe, a hot shower will do.

Dali-dali kong hinubad ang mga damit ko at tiningnan kung may extra ba akong dalang underwear sa locker, at mayroon nga.

Sabi ko na mapapakinabangan ko 'tong freebies ng bumbay, eh.

Kumuha ako ng tuwalya at pumasok na sa C.R nang mapansin kong may naliligo.

"Aha!" I said, referring to my officemate. "Mukhang may friction na magaganap, ha!"

Natawa ako sa sarili kong biro. Pero nang ihawi ko ang kurtina, iba ang tumambad sa 'kin.

LIKOD

NG

LALAKI.

My eyes widened.

AT

WALA

S'YANG

KAHIT

NA

ANONG

SAPLOT!

The guy then looked back, and when our eyes met, both of our eyes widened.

"Avery...?"

"T-Tyler...?"

He looked at my body back to my face.

I looked at his body back to his face.

And the next thing I knew, our screams filled the whole building.

"AAAAAAAAA MANYAK MANYAK PUTA KA MANYAK!!! AAAAAAAA!!!!"

I started throwing him every shampoo bottles I can throw.

He then covered his thing, panicking, and when he successfully covered it with a towel, he started dodging my every throw.

"BWISET KA MANYAK AAAAAA DEMONYO!!!"

"Convict Me, Attorney." (Law Series #2)Where stories live. Discover now