Sa lahat kasi ng mga sabaw na niluluto nila, nilagang baka lang ang pinaka paborito ko. Lalo na pag ang lola ko ang nagluto, kaso asa probinsya sila kaya madalang lang kaming magkita.

"Iniisip ko po kasi kung pupunta ba ako sa party mamaya o hindi"- pagkwekwento ko kay manang

"Bakit ka ba nagdadalawang isip? andun naman siguro ang mga kaibigan mo edi pumunta kana"- sabi niyo sabay upo din sa harap ko.

Hindi na lang ako nagsalita at dahan dahan na hinigop ang sabaw, gusto kong pumunta na ayaw ko.

Bumalik na ulit ako sa kwarto ko at humiga ulit sa kama.

Tinignan ko ang oras sa phone ko, 5pm pwede naman sigurong umiglip ako saglit.

Ambigat kasi ng mata ko, napuyat ako sa kakaisip dun sa sinabi ni mave hindi ko maintindihan mas naguguluhan ako.







*Knock Knock* *Knock knock*

"ahmm!!"- kinusot ko ang mata ko at nag unat ng katawan.

*Knock Knock* *knock knock*

"wait lang"- sabi ko sabay suot ng slippers ko.


Binuksan ko ang pinto at bumungad si Vanjie kasama si Shantal.

"oh bat nandito kayo?"- sabi ko sabay pinapasok ko sila sa loob


"anong bakit? anong oras na naka ganyan ka pa!"- sabi ni vanjie sabay upo sa sofa malapit sa higaan ko.


Tinignan ko naman ang oras sa phone ko.

7:20!! wtf!

"Late na tayo!"- sabi ko sabay kuha ng bathrobe ko para maligo

"Ikaw lang girl, naka attendance na kami sinundo ka lang namin"- rinig kong sabi ni Shantal bago ako tuluyang makapasok sa banyo.


Pagkatapos kong maligo dumiretso ako sa Walk-in closet ko na katabi mismo ng banyo ko, buti na lang pala at naka pili na ako ng isusuot ko.


Nagmadali na akong isuot yun at hindi na nag abalang mag makeup i just blower my hair and let my long wavy hair down and put some lip tint on my lips para hindi naman masyadong pale tignan.

"Ano lie! tara na!! pa VIP ka masyado girl kanina ka pa hinihintay ni...."- Biglang pasok ni Bianly kaya nagulat ako. Ano yung huli niyang sinabi hindi ko narinig.

"Andito ka din!"- god! bat andito sila pwede namang isa lang ang magsundo

"Oo at kanina pa kami nag aantay sa sala"- sabi niya sabay hila sa akin, buti na lang at nahila ko yung purse ko.

Wait kami? sinong kami?

don't tell me kasama nila sila Mave?! no wayyy!!!

"Teka sandali, dahan dahan naman."- sabi ko nang pababa kami ng hagdan, onti na lang matitisod na ako eh!

"Late na tayo alam mo ba, we just sneak out to go here at sunduin ka"- bulyaw naman ni Bian kaya napatikom na lang ako.

CRUSH BACK (ON-GOING)Where stories live. Discover now