CHAPTER 19

62 33 0
                                    

SNOW MERCADO

Si Monica ang lumabas sa cellphone ko na tumatawag sa akin kaya sinagot ko agad yon.

[Oy invite kita sa Birthday ko ah] sabi ni monica over the phone. Oo nga pala malapit na birthday niya hindi ko agad na isip.

"Sige punta ako." Sabi ko Tumingin ako kay Percy na nakatayo at naghihintay sa akin.

[Magsama ka ah.] Sabi ni Monica.

"Snow..." Bulong ng katabi ko. Sinenyasan ko siya ng manahimik pero parang rinig siya ni Monica.

[Hoy sino yan? Lalaki? Sama mo siya ah!] Kinikilig na sabi Monica kaya napatampal na lamang ako sa aking noo at sabay na bumuntong hininga.

She ended the call. Hindi na ako nakakibo dahil pinatay niya na nga agad.

Mierda! Binaba agad hindi pa nga ako nakakapagsalita.

"Mag handa sa next sunday ah. May pupuntahan tayo," sabi ko agad kay Percy nang makalingon ako sa kaniya. Agad naman kumunot ang noo niya sa mga sinabi ko.

"Ha? Anong meron? Papakilala mo ako sa pamilya mo?" Sabi niya agad. Mabangis ka ata yoon agad pumasok sa utak wala pa ngang kami.

"Hindi, birthday ng kaibigan ko. Invited ka din," sabi ko sa kaniya at naglakad.

"Aba magaling yang friend mo ah. Hindi naman ako kilala ininvite agad ako." Natatawa niya pang sabi. Iniabot niya sa akin ang laman ng Starbucks.

"Inumin mo yan para hindi ka makatulog mamaya." Sabi niya sa akin. Ininom ko na lang din favorite ko ang ganitong kape. Mabuti na lamang alam niya ang gusto ko at mabuti iyon kaysa umoorder siya ng hindi ko gusto baka masayang pa. Ayoko naman magsayang.

"Kamusta pag aaral mo?" Tanong niya sa akin nung nakasakay na kami sa sasakyan.

"Okay lang dad." Pang aasar ko sa kanya. Napatawa naman kaming dalawa. Baliw lang talaga kami pareho.

"Mukha na ba akong daddy ng anak natin." Sabi niya. Lumaki ang mata ko nung sinabi niya yoon at napangiwi sa sinabi niya.

"Gago wala tayong anak. Wala ngang tayo, anak pa kaya," angal ko sa sinabi niya.

"Ouch masyadong kang mapanakit," sabi niya at nagkunwaring nasaktan. Nagdrive na lang siya at ako ay nagtipa sa telepono ko.

Safe niya akong hinatid sa FEU. Malapit lang naman medyo na traffic pa kami pero sakto lang naman. Naubos ko na agad ang vanilla latte. Binaba niya ako sa moryata at habang kinukuha ko ang bag ko ay naiwan ko na pala ang inumin ko sa sasakyan niya. Kumaway na lamang ako sa kaniya at nag thank you.

Habang naglalakad ako papunta sa upuan ko may narinig ako na nagbulungan.

"Grabe yang jowa niyan parang sugar Daddy."
Sabi nung isa kong kaklase. Pake ba nila manliligaw lang iyon at hindi ko iyon pineprehan grabe lang talaga ang pag-iisip nila.

"Good morning! Sa aming Snow!" pang aasar nila Adriana sa akin. Tinawanan ko na lamang sila.

ILANG araw ang nakalipas. Medyo nadadalian naman ako sa mga nangyayari ngayon sa akin. Madaming gawain pero medyo nabawasan na. Sunday na ngayon at wala kaming pasok.

My Captain PercyWhere stories live. Discover now