CHAPTER 8

117 50 15
                                    

SNOW MERCADO

"P're kilala mo yung sikat na Korean ngayon? Ang popogi holy shet kaya lang..." Sabi ni Sab.

Eto nanaman siya magiging tahimik yan lalo kasi iniisip niya yung bago niyang crush. Tulala na naman 'yan, minsan lang naman 'yan magkaroon ng crush pero bakit mga taga-ibang bansa pa? Nakakalimutan niya na naman siguro ang goal pero pwede na rin ang mga taga-ibang bansa.

Lumabas na muna ako pero may lalaki akong natanaw at pamilyar siya.

"Bright bakit ka andito? " Tanong ko si bright yung may gusto kay sab simula elementary sila.

"Huh bakit ka din andito?" Tanong niya pabalik sa akin para maiba ang isipan ko.

"Ano nga?" Tanong ko. Ako kasi unang nagtanong hindi manlang niya sinagot.

"Sinusundan ko si Sab. Dito na din condo ko." Sabi niya pa. Ngumiti pa siya kaya napangiwi na lang ako. For real sinundan niya talaga? gustong gusto niya talaga si Sab pero ayaw na ni Sab sa kaniya.

Tuwang tuwa siguro 'to. Makakasama niya si  Sab pero sa building lang hindi sa room.

"Paano mo nalaman?" Tanong ko sa kaniya at pinag-cross ang kamay.

"Kaibigan ko." sabi niya at ngumisi.

"Saan?"

"Sa online games." Maikling sambit niya. Medyo nagiging awkward na din kasi hindi kasi kami close pero yung bestfriend niya ay close ko.

"Paano mo nalaman na dito din kami? I mean yung room."  sabi ko.

"Kaibigan ko din sa online games pero hindi ako stalker kaonti lang." Natatawa niyang sabi sa akin.

"Ganon na rin 'yon 'no. Diba matagal mo nang gusto si Sab?" Tanong ko sa kaniya at pinagcross ang braso.

Alam niyo ba boto ako kay bright.  Team bright ako kasi alam kong mahal talaga ni bright si Sab and alam kong seryso talaga siya hindi ko alam kay Sab bakit ayaw niya rito.

Pogi si bright at mahal niya si Sab kaya masaya ako para kay Sab kasi may nagmamahal sa kaniya ng totoo. Mahirap makita ang taong mamahalin ka ng tunay.

"Sabihin na nating Oo, kasi simula elementary gusto ko na siya." Pagmamayabang niya sa akin.

Ang lala talaga nung lalaking 'to. Hindi kumukupas hanggang ngayon pa rin ang tibay mo. Napakaswerte siguro ni Sab sa 'yo kung ikaw ang pipiliin.

"Bright!" Sigaw nung banda sa likod ko kaya tumingin ako doon si Percy andito, kaya medyo inayos ko ang buhok at pagtayo ko.

"Magkakilala kayo?" Tanong ko sa kanila.

Paano niya naman makikilala 'to? Tsaka parang ang liit naman ng mundo.

"Oo, Siya yung nakilala ko sa online games ang galing 'no?" sabi ni bright.

"Sige una na ako." Paalam ko. Ayaw ko kasama si Percy tsaka lagi kaming nagkaka-salubong non at nagkakasama katulad kanina sa elevator at sa rooftop at kung saan-saan pa.

"Bye binibini!" Sabi ni percy naramdaman ko pa na kumaway siya sa akin. Hindi ko pinansin si Percy at tuloy lang ako sa paglakad.

My Captain PercyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon