CHAPTER 25

65 31 0
                                    

Matapos ng mangyare kahapon ay nahihiya ako sa kaniya hindi rin kami nagkapag-usap ng maayos kasi natameme ako sa kaniya. Nakita niya na naman na may kasama ako na iba kaya ngayon ay babawi ako sa kaniya, alam kong kasalanan ko at hindi niya kasalanan.

Umaga na ngayon. Hindi pa ako nag-aagahan. Gusto ko sabay kami kumain ng agahan. Agad kong kinuha ang cellphone ko para itext siya, gusto ko rin siya lutuan since free time ko ngayon para rin makabawi sa kaniya.

To: Captain Percy
Punta ako sa sa'yo.

From: Captain Percy
No, I'm busy rn.

To: Captain Percy
Bakit ang cold mo today?

To: Captain Percy
Kain tayo lugaw ngayon para mainitan tayo tutal umaga naman o kaya ganito para uminit🔥

To: Captain Percy
☕'to kape mainit pa para uminit 'tong chat natin.

Napabuntong hininga ako dahil hindi siya nagseseen sa mga ginagawa kong ito. Ang corny ko naman sabi ko sa aking sarili.

To: Captain Percy
Uy mag chat ka naman.

From: Captain Percy
Ge

To: Captain Percy
sa dami kong chat ge lang?! HAHAHAHAHAHA

To: Captain Percy
Alam mo ba na may milyon-milyon na text sa isang araw, pero ikaw ang cold mo sa akin ngayon?

Tumigil na ako kakatext sa kaniya hindi ako maghahabol sa kaniya bahala siya riyan. Ayaw niya na ba talaga? Pero bakit?

Hindi ko na namalayan na namamasa na pala ang mata ko. Hanggang sa bumuhos na ang mga tubig sa mga mata ko ang hina ko talaga nakakainis.

Bakit ngayon pa? Ano bang meron? Bakit siya ganito may midterm exam pa ako. Hindi ko yata kakayanin. Umiyak na lang ako ng umiyak at nagkulong ako sa kwarto magdamag at hindi na lamang kumain.

Nagtext pa sakin sila Rhaine. Bakit daw ayaw kong lumabas. Ang dami nilang chat, text at call. Hindi ko iyon pinansin wala akong gana makipag-usap ngayon nanghihina rin ako mas pipiliin ko na lamang magreview.

Pinatay ko lang ang cellphone ko dahil baka mabato ko yung cellphone ko. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako kakaiyak at pag-iinarte ko rito. Nadala rin sa sakit ng ulo kaya rin nakatulog.

Tinignan ko lang ang oras gabi na pala nasa ten pm na. Hindi pa rin ako kumakain kaya lumabas na ako at kunwaring walang nangyari.

Nakita ko pa na natutulog si Katrina sa couch. Bakit kaya 'to nandito. Sumilip ako sa kwarto ni Sabina katabi niya si Deseri na natutulog din. Bakit nandito sila? Anong meron? Hinintay kaya nila ako lumabas ng kwarto at dahil rin hindi ko sila pinapansin?

Kumuha ako ng skyflakes at uminom ng kaonting tubig para hindi ma-bigla yung tiyan ko.

Habang kumakain ako hindi ko mapigilan na mag-over think kaya nagbunga na medyo naiiyak ako habang kumakain ng tahimik. Hindi pa ako nakakapagreview ngayon dahil nakatulog ako. Mabagal akong kumain at nag-isip ng kung ano-ano.

Kung paano kaya makipagbreak na siya? Kaya may iba na pala siyang mahal? Baka naman sawa na siya? Kaya ayaw niya na talaga sa akin? Ayaw niya na sa ugali ko? Sawang sawa na siya sa pinaggagawa ko sa kakulitan ko?

Naluluha na naman ako kakaisip ng kung ano- ano. Puno rin ng what if ang isip ko kaya naluluha na naman ako kakaisi sa mga bagay na iyon.

Pinunasan ko ang mga luha ko at sabay huminga ng malalim upang mapatigil akong umiyak.

Pagkatapos kong kumain habang umiiyak pumunta ako sa salamin. Tinignan ang repleksyon ko. Namamaga na pala ang mata ko hindi ko iyon namalayan. Huminga ako ng malalim bago pumunta sa veranda.

My Captain PercyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang