Chapter I : Neighborhood

750 42 6
                                    

Tahimik at komportable ang kinaroroonan ko ngayon. Tanging mga huni ng ibon ang maririnig. Napakapayapa ng paligid. Dito ako laging tumatambay sa aking hardin. Napakaganda ng sikat ng araw. Napangiti ako. Umupo ako sa bakal na upuan na binalutan ng kulay puting pintura. May maliit na lamesang bilog sa harapan ko. Dalawa ang upuan nito, ang isa ay nasa unahan ko.

Inilabas ko ang laptop ko at binuksan ito. Ni-click ko yung MS Word at nagsimulang mag-type.

Ako nga pala si Luhan. Isa akong writer sa isang publishing company. Nakatapos ako ng Bachelor of Science in Journalism. Gusto kasing maging reporter. Pero syempre, kailangan ko munang gampanan ang pagiging isang writer ko ngayon. Maraming bumibili ng aking mga published books dahil nagustuhan nila ito. Karamihan sa mga gawa ko ay puro fiction. Pero ngayon, gumagawa ako ng bagong istorya na hango sa aking mga karanasan kasama ang isang lalaking bigla nalang sumulpot sa pamamahay ko. Ito ang lalaking nagpadama sa'kin ng weird feelings, ang lalaking nakapagpabago sa buhay ko.

Sinimulan ko na ang pag-type sa laptop ko.

***

Luhan's POV

Pagkaapak ko pa lang sa lupa, galing sa bus, agad kong tinitigan ang magiging bahay ko. 'Di ito gaanong kalaki at walang 1st floor, pero okay na 'to kasi may sarili na akong bahay kesa sa mag-boarding house ako. Third year college na nga pala ako sa kursong BS Journalism. Noong matapos ko ang 2nd year sa ibang school, lumipat na ako dito. Ayoko kasi sa boarding house na tinitirhan ko doon. Masasama ang mga ugali ng mga ka-boarding ko doon at nang-uubos pa ng pagkain ng may pagkain! Kung kayo ang nasa sitwasyon ko, gagawin niyo rin ang ginawa ko di ba?

"Wow!" bulalas ko at excited na pumasok sa loob.

Pero bago pa ako makapasok sa gate, may humarang sa'kin na babaeng mataba na nasa mukhang nasa mid 50's na.

Sino naman 'to?

"Ahm, excuse me po. Papasok na po ako sa bahay ko."

 

"Sandali lang, hijo. Magpapakilala muna ako. Ako nga pala ang caretaker ng bahay na ito, at may bumili na nito."

 

"Eh ako po yung bumili niyan."

 

"Ano? Ikaw lang ang bumili nito? Ang yaman mo naman? Estudyante ka yata?"

 

"Oho, estudyante ako. Ako nga po ang bumili niyan, pero syempre hinatian ako ng tita ko. Binigay niya yung kalahati ng bayad nitong bahay at lupa para mabili ko na. Hati ho kami sa pagbayad niyan."

 

"Eh di, dalawa kayo ng tita mo dito sa bahay na 'to?"

Napakamot ako sa ulo ko. Hirap kausap nito ah?

"Hindi ho. Ako lang po ang titira diyan. Libre lang po ng tita ko yung kalahating bayad. Kaya kung maaari ho, tumabi ho kayo diyan para makapasok na ho ako."

 

"Di ka muna pwedeng pumasok."

His Crazy Housemate [ HunHan ]Where stories live. Discover now