Chapter III : Help Him

618 43 9
                                    

Luhan's POV

 

 

"Aaaah!"

Agad akong umalis sa kama at sumiksik sa isang sulok. Kinuha ko 'yong payong na malapit sa 'kin.

Nagising 'yong baliw dahil sa sigaw ko at biglang nagpanic.

"Aaaaah! Aahh!" sigaw siya ng sigaw at nagwawala.

Steady lang ako sa kinatatayuan ko. Natatakot na ako. Paano ba siya nakapasok?!

Sinasabunutan niya ang sarili habang palinga-linga at mabibigat ang bawat paghinga. Malilikot ang kanyang mga mata.

Hindi ako gumagalaw. Paano ko siya paaalisin dito? Hihingi sana ako ng tulong kaso nasa bedside table ko 'yung cellphone ko.

"Wraaahh! Bakit mo ako iniwan?!! Ayokong mag-isa! Aaahh!" Sigaw niya ulit.

Dahan-dahan akong gumalaw. Nakasandal pa rin ako sa pader habang humahakbang patagilid palapit sa pinto. Nakapikit lang ako habang ginagawa iyon.

"Ayokong sumama sa inyo! AYOKO!!" Sigaw niyang muli at bigla na lang tumahimik.

Wala na akong naririnig na ingay kaya dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko.

Asan na siya?

Hindi kaya... m-multo 'yong nakita ko kanina?

Bigla nalang akong kinilabutan. Multo ba 'yon?

Dahan-dahan akong lumapit sa kama. Umakyat ako dun at sinilip 'yung kabilang side. Nanginginig pa ako habang gumagapang. Sana wala siya, sana multo lang-- ay hindi pala, takot ako sa multo, sana guni-guni ko lang 'yun.

Nang makita ko na 'yung kabila side ng kama, nanlaki ang mga mata ko. Hindi siya multo or guni-guni. Talagang nandito siya! Walang malay siyang nakahandusay sa sahig. Ito nga 'yung sinasabi nilang takas sa mental. Paano ko ba 'to maibabalik sa mental hospital? Tinignan ko siyang mabuti. Napakadungis niya talaga, promise. Halos di mo na mamukhaan. 'Yung damit niya butas-butas at madumi. Ilang buwan ba 'tong 'di naligo?

Nagulat nalang ako nang bigla itong dumilat. Nagkatinginan kami kaya pareho nanaman kaming sumigaw.

Mabilis siyang bumangon at sumiksik sa isang sulok habang nakasabunot sa sariling buhok.

"P-Paano ka ba nakapasok dito?! Kailangan mo nang bumalik sa mental hospital!" lakas-loob kong sinabi.

Sunud-sunod ang kanyang pag-iling na parang natatakot.

"Ayoko! Ayoko! Takot ako sa kanila! Ayoko! Ayoko! Ayoko!" sigaw niya.

Paano ba 'to? Ano nang gagawin ko? Kung bakit pa kasi dito siya sa bahay ko pumasok?

Kinuha ko 'yung cellphone ko para humingi ng tulong. Magsisimula pa lang akong mag-type nang marinig kong humihikbi siya kaya napatingin ako ako sa kanya.

"Ayokong m-mag-isa.. B-bakit niyo a-ako iniwan? Bakit m-mo ako iniwan?" sambit niyang nakatulala sa kawalan habang humihikbi.

His Crazy Housemate [ HunHan ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon