Isang gabi habang nagpapahinga siya sa tabi ng apoy na kaniyang ginawa ay sinalakay siya ng mag-asawang oso.

Nakaiwas si Josef sa unang pag-atake subalit hindi niya nakita ang anak na oso sa likuran. Mabilis siyang kinagat ng hayop sa braso subalit mabilis din siyang nakakilos.

Mula sa tagiliran ay kinuha ni Josef ang punyal at itinusok niya sa ulo ng batang oso.

Patay na humandusay sa sahig ang batang oso. Pagkatapos ay napaatras si Josef habang kinukuha ang kaniyang supot kung saan naroon ang dalawa't kalahating bahagi ng aklat na nasa pangangalaga niya.

Nang masipat ng mag-asawang oso na wala ng buhay ang kanilang anak ay napaungol sila ng malakas kasunod ng mabilis na pagsalakay kay Josef.

Mabilis na tumakbo ang binata palayo sa mga mababangis na hayop. Hanggang sa dambahan siya ng lalaking oso at kalmutin sa likod.

Tumalsik sa malayo si Josef at nagpagulong-gulong bago tumama sa isang puno.

Masakit man ang nararamdaman ay pinilit niyang tumayo upang tumakas subalit sumalakay na naman ang mga oso. Mabuti na lamang ay nakagapang siya papunta sa isang maliit na yungib na nasa ilalim ng puno.

Sumisksik siya roon ng mabuti kaya lamang ay pilit siyang inaabot ng lalaking osong galit na galit.

Hindi pa man nakakaayos ng kalagayan si Josef ay nakadama na siya ng madulas na bagay na gumagapang mula sa likuran.

Paglingon niya ay tumambad ang napakalaking sawa na handa na siyang sakmalin at lingkisin.

Eksakto na dadambahin na si Josef ng sawa ng biglang nasira ang yungib at umeksena ang nangangalit na oso.

Doon nabaling ang atensyon ng sawa nà agad lumingkis sa lalaking oso hanggang ang dalawang mga hayop ang nagsagupa.

Nagpatuloy naman si Josef sa pagtakbo upang makaalis sa lugar na iyon. Hanggang sa walang anu-ano'y bigla siyang dinamba sa paa ng babaeng oso.

Nagpagulong-gulong sila sa padalisdis na bahagi ng gubat hanggang sa tumama ang katawan ng babaeng oso sa patusok na nabaling puno. Bulwak ang dugo ng hayop bago nawalan ng buhay.

Nabitawan naman ni Josef ang supot na tumalsik sa kung saan kasabay niya. Dahil sa nangyari ay duguan ang buo niyang katawan at puno ng galos.

Pinilit niyang tumayo upang hanapin ang tumalasik na supot. Subalit dahil sa panlalabo ng mga mata't pagkahilo ay hindi niya iyon nasipat.

Mula naman sa harapan ay lumagpak ang katawan ng patay na sawa kasunod ng paggulong ng lalaking oso na bali-bali na rin ang katawan.

Hindi na maintindihan ni Josef ang mga nangyayari noong gabing iyon dahil sa pagkahilo.

Marami man ang dugong nawala ay pinilit niya pa ring makatayo't makalakad kahit na sobrang nahihirapan. Hanggang sa hindi na namalayan ni Josef kung saan na siya napunta.

"A-anong nangyari sa'yo?" Tinig na kaniyang narinig mula sa kung sino subalit wala na siyang pakialam. Ang mahalaga sa ngayon ay makahingi siya ng saklolo.

"T-tulong," pagsabing iyon ay nawalan na ng malay si Josef na napayakap na lang sa nagulat na si Protektor Julius.

-----

"Josef, anak. Kailangan mong magsanay ng mabuti. Darating ang panahon na ikaw ang hahalili at magpapatuloy ng aking mga nasimulan."

"Ako ang hahalili sa'yo?" bigkas ni Josef sa boses ng isang batang paslit.

"Oo." Tumango si Oldnick. "Magpalakas ka, Josef. Upang sa oras na dumating ang takdang panahon ay magampanan mo ang tungkulin na ipapasa ko sa iyo."

"Paano, Ama?" tanong ng batang si Josef. "Paano ko magagawa iyon kung nakakulong ako rito at nakatanikala."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE REALMS 2Where stories live. Discover now