5: RUBER

52 1 0
                                    

Umigting man ang paghihigpit sa Tendernez at iba pang kalapit probinsya subalit bigo pa rin silang matunton ang may pakana ng pagsabog sa yungib.

Isang linggo naman ang nagdaan bago tuluyang maialis ang mga batong dumagan sa yungib na pinasukan nina Amdim at ng ilang kawal. Sa kasamaang palad ay walang katawan na natagpuan sina Miyen sa pagsuyod nila sa kabuuan ng nasirang kweba.

Kagaya nga ng espekulasyon ay dumurugtong ito sa ilalim ng guhong mansyon ng yumaong si Oldnick Demambro, na dating pinuno ng Blackamoorluna.

May bahagi ng yungib na lubhang natabunan at hindi na kayang mahukay ng mga kagamitan nilang iniangkat pa mula sa realm ng Saphiro. Sa tantya ng punong tagapagsiyasat ay maaaring naroon ang patay na katawan ng punong henaral kasama ng iba pa.

Nang maiulat ni Miyen sa palasyo ang mga naganap ay halong lungkot at galit ang naramdaman ng hari kaya nagtungo ang huli sa Tendernez sakay ng puting dragon na si Bvirdrago. Si Bvirdrago ay pinakamalaking dragon sa lahat, napaamo siya ng yumaong si Axeliz nang walang kahirap-hirap dahil sa lakas na taglay nitong Supramisia.

Pagdating sa nasabing probinsya ay agad nakipagpulong ang hari sa punong tagapagsiyasat ukol sa nangyari at matapos ang talakayan ay bumalik din kaagad si haring Hammirr sa palasyo, sa lungsod ng Evol upang gumawa ng liham na ipinadala niya sa realm ng Keenl.

Nag-utos din siya na magpakalat ng ulat sa buong nasasakupan na 'wag masyadong mangamba sa mga naganap. Kumalat kasi ang ilang balita na may naghahasik ng kaguluhan sa buong Serihch kaya nagkaroon ng takot ang ilang mamamayan.

Ilang araw pa ang lumipas, sa pamamagitan ng mensaherong agila ay natanggap ni Welscences, hari ng Keenl ang liham ni haring Hammirr.

May pagkabigla man sa nabasang liham ay kita pa rin ang hinahon sa wangis ng apatnapung taong gulang na hari.

Si Welscences ang tinaguriang pinakamahinahong hari sa lahat. Tila kasi palaging nangungusap ang mga mata niyang may asul na kulay.

Mula sa trono ay tumayo ang hari matapos mabasa ang sulat galing sa Serihch. Matikas man ang tindig at pangangatawan subalit mababasa sa galaw ng ginoo ang pagiging kalmado. Bukod pa roon, kahit na marangya ang dating ng suot nito ay mawawari pa rin ang kasimplehan sa kaniyang pagkatao.

"Magpadala kayo ng liham kay protektor Ganesh." Lumakad si Welscences patungo sa isang tauhan upang iabot ang liham. "Tutungo kami sa Vow upang makipag-ugnayan sa Rufushia," dugtong pa nito sa tonong may kalaliman subalit ramdam ang hinahon.

 "Tutungo kami sa Vow upang makipag-ugnayan sa Rufushia," dugtong pa nito sa tonong may kalaliman subalit ramdam ang hinahon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa mapa ay matatagpuan ang realm ng Keenl sa silangang bahagi ng karagatang Eloim Osean. Hindi kalakihan ang nasabing realm subalit isa ito sa lugar na may payapang pamumuhay. Nahahati ito sa labingwalong lalawagin at sa pinakasentro ng bansa, sa lalawigan ng Yloh ay nakalagak ang palasyo ng hari. Ang nasabing lalawigan ay ang kapital din ng nasabing realm.

THE REALMS 2Where stories live. Discover now