Chapter 2: Gisingin Ang Puso

101 17 1
                                    

Alaala mo sa akin ay gumugulo
Bakit 'di na lang bawiin
Ang hapdi sa aking puso

"Alright. That's it!" Tumayo si Tina saka hinila ako palabas ng condo niya. "Ate, pupunta lang kami sa karaoke bar d'yan sa malapit," paalam niya.

Hinagis ng kapatid niya yung susi niya kay Tina saka niya ako kinaladkad papunta sa karaoke bar na sinasabi niya. Hinanap niya yung songbook saka ito binigay sa akin. "I-karaoke mo 'yang lungkot mo."

Dumiretso na si Tina sa harap para mag-input ng kantang kakantahin niya habang naghahanap ako ng kanta. Gusto ko sanang tumawa kasi kabisado na ni Tina yung numero ng kanta niya sa sobrang dalas namin dito pero masyado yata akong malungkot para tumawa.

"Namulat ako at ngayo'y nag-iisa..." Nagpaka-Juris na naman si Tina kaya mas lalo kong naramdaman yung lungkot.

Sinimulan kong uminom kasi hindi kakayanin ng utak at puso kong maalala lahat ng naiisip at nararamdaman ko ngayon. Alam kong walang kwenta ang pag-inom para kalimutan ang nararamdaman ko pero 'yon naman talaga yung purpose n'on di ba? Para gumawa ng walang kwentang bagay. Para hindi isipin kung ano ang dapat na gawin kahit ngayon lang.

Sa tatlong taon naming pagsasama, sana may naisip siyang tamang rason para iwan ako 'di ba? Pambihira. Hindi nga lang tatlong taon yun! Habang kumakanta si Tina ay inalala ko kung paano tinapos ni Jerry ang relasyon namin.

Finals week na namin yun at nakaugalian namin ni Jerry mula nung nag-college ako na i-celebrate namin bawat tapos ng finals namin. Pero noong araw na yun, hindi pala celebration yung pupuntahan ko.

Dinala niya ako sa Mami Haus na madalas naming puntahan. Kinwento ko pa sa kanya kung paano natapos ni Mira yung subject namin kahit na muntik na siyang bumagsak dahil sa dami ng absences niya.

Hindi siya kasinsigla kumpara dati kaya tinanong ko siya kung ayos lang ba siya. "May problema ka ba? May bagsak ka ba sa mga subjects mo?"

Graduating na kasi siya. Kung may isa siyang bagsak na subject, ibig sabihin hindi siya makakapagmartsa sa nalalapit na graduation. Umiling siya kaya napabuntong-hininga ako. "So, anong problema, babe?"

Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit saka tinignan ako diretso sa mga mata ko. Kinilabutan ako kasi nakakita ako ng lungkot at panghihinayang sa mga mata niya. "Chona," tawag niya sa pangalan ko imbes sa tawagan namin. Dapat doon pa lang ay nakaramdam na ako kung anong mga salita ang isusunod niya.

"Alam mo naman na gagraduate na ako 'di ba?" Dahan-dahan akong tumango at nanatili akong tahimik kasi natatakot ako sa mga susunod niya sasabihin. "Kakailanganin ko nang magtrabaho n'on. At mas malaki ang suswelduhin ko kapag nag-abroad ako."

Tumango ako kasi naiintindihan ko naman kung anong gusto niyang sabihin. Kaso hindi ko pala talaga naintindihan ang gusto niyang iparating. "May trabaho nang naghihintay sa akin sa Amerika, Chona."

Lumawak ang ngiti ko saka binati siya, "Congrats, babe! Grabe! Hindi ka pa nakakapagmartsa, may trabaho ka na." Unti-unting nawala ang ngiti ko kasi hindi naman siya mukhang masaya sa ibinalita niya sa akin. "Oh, bakit hindi ka masaya?"

"Pagkatapos ng graduation ko, kailangan ko nang umalis," marahan niyang sabi habang hinihimas ang mukha ko. "Kung itutuloy natin ang relasyon natin..." Na-realize ko kung anong ibig sabihin nun para sa aming dalawa.

"Long distance relationship," mahina kong sabi nang maintindihan ko ang lahat. Sinubukan kong maging masaya sa harap niya. Syempre bilang girlfriend niya, gusto ko siyang suportahan sa bawat opportunity na meron siya. "We'll make it work, babe," I tried to cheer him up.

Ngumiti siya nang mapait at dahan-dahang umiling. "No, Chona. I can't."

"What do you mean you can't?"

"Hindi ko kakayaning mag-maintain ng long distance relationship, Chona. Parehas lang tayong mapapagod habulin ang time zones ng isa't isa," dahilan niya.

Umiling ako. Paulit-ulit akong umiling kasi hindi ko matanggap ang mga sinasabi niya. Mas lalo kong hindi matanggap ang huli niyang sinabi sa akin. "Let's break up, Chona. I'm sorry."

Bago pa dumating ang order naming mami ay nakaalis na siya. Naiwan ako dun sa Mami Haus na may dalawang order ng beef mami. Matagal kong tinitigan ang dalawang mami sa harap ko.

Tinawagan ko si Tina bago kumain. "Tina, gusto mo ng mami?" walang gana kong aya sa kanya.

"Hey, Chona!" she greeted in a cheery tone. It later on went on a sad tone when she heard my invitation. "Mami? Uh, sure."

Hinintay ko si Tina bago kumain. Mabilis na nakarating si Tina sa Mami Haus bago pa ako umiyak sa harap ng mami ko. Hinihingal siya nang makarating siya. Halatang tumakbo siya para samahan ako.

Malimit niya akong nginitian nang makita niya ako. "Kain tayo?"

_____

Pagkaabot ni Tina ng bayad namin ay agad siya nag-ayang umuwi. Naglakad kami papunta sa condo namin. Habang naglalakad, sinusubukan ko pa ring i-process yung nangyari kanina.

"Anong nangyari?" biglaang tanong ni Tina sa akin.

"Jerry broke up with me," I blurted out.

Wala nang iba pang sinabi si Tina matapos niyang marinig ang balita mula sa akin. Niyakap niya lang ako habang naglalakad kami pabalik sa condo.

"Alam mo namang one text away lang kami ni Kino 'di ba?" paniniguro ni Tina. Tumango ako.

Buti na lang may mga kaibigan akong maaasahan kong sumama sa akin na ikanta sa karaoke lahat ng damdamin ko.

Hatid Sundo (Karaoke Nights, #2)Where stories live. Discover now