"WHAT's that?" Tanong ni James ng makita niya ang mga ribbon sa kamay ko. "Ahhh? Ribbons?" Nag roll eyes sya chaka lumapit sakin. "Ano na namang trip mo at may pa ribbon kajan? Well. Anyway, baka matagalan ako sa practice mamaya." Isa kasing billiard player si James. At next month na ang laro nila kaya tudo practice siya. "Hmmm. I can wait. Di ka naman siguro super matatagalan no?" Tanong ko. "Diko alam e. Pero syempre di kita hahayaang pumunta sa kuya mo ng mag-isa. Alam kung don ka magcecelebrate ng birthday mo."
Napangiti nalang ako ng mapait. "You really know me well James." Tinapik niya ako sa balikat. "Huwag ka ng madrama kasi ang pangit mo." Hinug niya ako. "Happy 20th Birthday, Irah." Hinug ko rin sya. Happy Birthday to me.
----
Nung natapos na ang klase, agad akong pumunta sa parking lot para hintayin si James. 4:56Pm na pero di padin natatapos practice nila. Gusto ko sanang manuod pero ayaw ni James kasi may mga lalaki don. Ayaw niyang ma expose ang beauty ng kaibigan niya.
Nakaupo lang ako sa motor ni James. Alam niya kasing ayaw at takot akong sumakay sa kotse, kaya sya na nag adjust.
Bat ba kasi ako nagmaneho non?
Bat ba ako naglasing non?
Bat ako pa ang nabuhay?
Nang patulo na ang luha ko ay agad akong tumingala, ayoko ng umiyak, birthday ko pa naman ngayon umiiyak ako. Pero litseng luha ayaw tumugil. "Tigil kang pisteng luha ka. Pag nakita ka ni James! Patay ka talaga sakin." Nang di ako narelax ay agad kong kinuha ang gunting sa bag at agad tinutok ito sa pulsohan ko. Di ko lalaliman promise.
Handa na akong maglaslas ng may nagsalita. "Gagawin mo talaga yan?" Dahil sa gulat ay nahulog ako sa motor. Inis akong tumayo at humarap sa nagsalita. "Hoy! Mind your own--, Malco?" Nagsmile naman sya tsaka nagwave sakin. "Hi Miss Samson." Naka jeans lang sya at nakapolo na blue. Doctor ba talaga to? Masyado ata syang bata. Or, , ganyan talaga ang baby face? Nanatiling baby face kahit matanda na?.
Nagkunot noo ako sa kanya. Sinusundan nya ba ako? Pinagpagan ko muna ang sarili ko at nagsalita. "Hoy Malco, stalker ba kita? Kung oo, sorry di ko bet ang lalaking mas matanda sakin." Tinitigan niya ako ng matagal at tinawanan. Lumapit sya sakin at nagposisyon na para bubulong kaya lumapit ako. "Huwag feeling ha?" Sinamaan ko nalang sya ng tingin at umupo ulit sa motor ni James. Sya naman ay nakatayo lang sa harapan ko at may hinahanap sa bag niya. Tsss.
"Hoy Doc! Uwi kana! Gabi na! Huwag masyadong pakialamero sa ibang tao. Mapapahamak ka sa trip mong yan." Di niya padin ako pinansin kaya binato ko yung gunting hawak ko kanina. Pero dahil magaling akong humagis, syempre! Di sya natamaan. Tsss.
"Bat mo ginawa yun! Pag ako natamaan non!" Salamat naman at napansin nya na ako no? "Bakit? Anong gagawin mo abir!?" Tapang kong sagot sa kanya.
"Hmmmm." Nag-isip pa talaga. "Wala. Wala akong gagawin. Pagsasabihan lang siguro?" Ano ka? Counselor? Belat mo. "Umalis kana kasi! Basag trip ka e!" Pero imbis na umalis ay lumapit sya sakin. "Akin na yang kamay mo. Kamay mong makasalanan." Hala sya? Grabe! Tinago ko ang kamay ko saking likod. "A.YO.KO." Nagsmirk sya at pilit kinikuha ang kamay ko.
Di siya tumitigil kaya inilahad ko na ang kamay ko. "Oh!Ayan na! Happy? Happy?" Ngumisi sya at tinali ang red na tali sa right-hand ko.
Tinignan ko syang mabuti. Nakikita ko yung bigat tsaka sakit sa mga mata niya. Bakit kaya? "Are you sad?" Bigla kong tanong sa kanya. Napahinto naman sya at yumuko. "May naalala lang." Tinapos nya na ang pagtatali. "Ayan! Tapos na!" Humakbang na sya paatras sakin. "So, uuwi nako. Ikaw pala? Di kapa uuwi? Hatid nalang kita." Ngumisi ako ng pilit. "May kasama ako e, sya ang hahatid sak---" Nagring ang phone ko.
[James Calling] . . . .
"Uyy, nas--"
"Di kita masasamahan Hari. Tangina kasi si couch, ( James! Practice na!) Wait nga lang! Hello Hari? Sorry talaga! Babawi ako bukas! Promise. Yung schedule ng laro ko napaaga, kaya kailangan kong magpractice. (James!!!!) Tangina! Wait! Bye Hari. Ingat!"
Agad niya akong binabaan ni James. Nakakalungkot naman. Sa birthday ko si Ate lang kasama ko.
"So? Hatid nalang kita! Alam ko na naman bahay mo e." Nagulat ako ng bigla syang nagsalita. "Nanjan ka pala?! Tangna ginulat mo ako!?" Huminga muna ako ng malalim. Naramdaman kong dumampi ang mga kamay niya sa likod ko at hinagod ito. Tinabig ko naman ito. Di kasi ako comfotable.
"Ehheem. So? Hatid na kita? Di kita hahayaang umuwi na gantong oras na mag isa." Nakita ko ang sensiridad sa mga mata niya. Pero kasi.., "Pero kasi may pupuntahan pa ako. Sasamahan mo ako?" Nag iba naman ang expresyon niya. Yung expresyong parang nagsisi. "Pero pag ayaw mo. Okay lang, alam ko naman kung saa--" Ngumiti sya. "Sasamahan kita."
Nginitian ko sya pabalik. "Ahhm. Kotse ba ang gamit mo?" Sana hindiii. Napakamot sya sa ulo niya. "Oo. Medyu luma na yun pero gumagana pa naman. Wala pa kasi akong ipon para bum---" Agad ko nang pinutol ang sasabihin niya.
"Gamitin nalang natin ang akin." Napangisi sya ng pilit pero tumango naman. Anyare?
-----
Naglalakad kami ni Ms. Samson papunta sa sasakyan niya. Kaya siguro ayaw niyang sumakay sa kotse ko kasi luma. Iba talaga pag mayaman. Akala ko pa naman di sya maarte.
"Ganda siguro ng kotse mo Ms. Samson no?" Hinahanap padin namin ang sasakyan niya. Nasa likod niya lang ako kaya natititigan ko sya ulo hanggang paa. Halatang mamahalin. Medyo chubby sya pero bagay naman sa kanya. Nasa 5'3 lang ata ang height neto. Medyo mahaba ang buhok, at matambok ang--.
"Anong kotseng sinasabi mo jan?" Lumingun sya sakin at kunot-noong tinitigan ako. "Tinitignan mo ba ang pwet ko?" Nagcross-arm sya.
"Hindi ahh! Educado akong tao tsaka professional na! I will never do that!" Inayos ko ang aking pagkakatayo para mas effective. At talagang nahuli niya ko.
"Huwag kanang mag deny, masyado kang halata." Naglakad sya ulit. Kinabahan ako ng sobrang slight. Nanlamig yung mga kamay ko. Bad eyes. "Hayy salamat! Ikaw na magmaniho." Diko alam kung anong reaksyon ang gagamitin ko. Nagjojoke ba sya? Kasi kung oo, tatawa na ako. "Ms. Samson, are you serious?" Ngumiti sya at tumango. "Oo naman! Baby ko kaya tung bike ko." Tinitigan ko sya ng maigi. Seryuso nga talaga sya.
Huminga ako ng malalim tsaka humandang maging driver habang sya naman ay nakatayo at nakahawak sa balikat ko. "Anong trip mo Ms. Samson?" Tumawa lang sya. "Magdrive kana at para di gaanong gumabi pag uwi mo." Hinayaan ko nalang sya. "Tara na?" Sabi ko. "Lets goooo!" Sagot niya.
---
YOU ARE READING
Red Strings
Random. "Im used to do this with my sister." Nakita ko sa kamay niya ang isang red na tali. "Pagnasasaktan sya, I put this in the area where the pain is. O di kaya pag may ginawa syang mali, nilalagyan ko din ng pulang tali. Ang ibig sabihin non, may bad...
