.
.
IYAK lang ako ng iyak habang tinitignan ang sariling pulso na may dumadaloy na dugo.
Hindi ko na kaya to.
Nang di pa ako nakontento sa sakit ay agad kung dinagdagan ang laslas sa aking pulso. Agad namang sumirit ang aking sariling dugo at naging kulay pula ang seminto na aking inuupuan.
Pabilis ng pabilis ang pag agos ng aking luha pati narin ang likidong dumadaloy sa aking pulso. Luha. Punas. Luha. Punas.
This feeling is unexplainable.
Nakakapagod pala ang paulit-ulit.
Busy ako sa pag iisip ng mga katangahang nangyari sa buhay ko ng maramdaman ko ang malamig na hanging dumampi sa likod ko.
Humagulgul ako habang tumatayo ng dahan-dahan. Ingat na ingat ang bawat hakbang dahil nanghihina na ang aking tuhod. Agad naman akong tumigil ng nasa gilid nako ng building.
Isang hakbang nalang, tigok nako.
Pag ako na tigok, wala na.
Wala na yung lungkot.
Wala na yung galit at puot.
At wala na yung sakit na nararamdaman ko ngayon.
Maganda ang sikat ng araw pero umuulan. Pati ata ang panahon sumasabay sa kaartehan ko e. Napatawa naman ako sa iniisip ko. Para akong baliw.
Ninamnam ko ang huling pagkakataon ko dito.
Huling pagkakataong maramdaman ang hangin.
Huling pagkakataong makita ang araw na sumisikat at pagdampi ng ulan saking balat.
Huling pagkakataong maramdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Tinignan ko ang mga tao sa baba. Lahat busy sa kanya-kanyang gawain. Di man lang sila nag abalang tumingin dito sa taas. Di man lang nila naramdaman ang presensya ko dito.
Ganon naba ako ka worthless?
How sad.
Pinikit ko ang aking mga mata. Ito na siguro ang tamang panahon. Kailangan ko ng alisin ang kirot at lungkot na nasa dibdib ko.
Habang tumatagal ay nawawala na ang ganda ng araw at lumalakas nadin ang ulan. Naramdaman ko na din ang lamig at paninigas nang aking tuhod.
Ito na ata ang oras.
Tatalon nako.
"Magpapakamatay ka?"
Sino naman to? Disturbo.
Marami pa syang sinasabi pero diko naiintindihan. Medyo nahihilo na ako at nagpagiwang - giwang nadin ang katawan ko. Pilit kong binabalanse ang katawan ko.
Teka? . . Bakit ko naman binabalanse ang katawan ko?
Nawawalan na ako nang lakas dahil din siguro sa dami ng dugong nawala sakin. Hinayaan ko nalang na galawin ng hangin ang aking katawan.
Ito naman ang gusto ko, diba?
Isang malakas na hangin ang tumulak sakin. Diko alam kung saan ako mahuhulog, sa baba ba, or sa sahig na tinatapakan ko ngayon.
Walang sigurado.
Basta ang alam ko,
nahuhulog nako.
___
AGAD kung iminulat ang aking mga mata ng may narinig akong ingay. Tang*na.
Kinusot ko ang aking mga mata at nag-unat. Nagmasid ako sa paligid. Hmmm? Teka, diko to kwarto ah.
Sinabunot ko ang sariling buhok para maalala ang nangyari kahapon.
.
.
.
Okay.
.
.
KAMU SEDANG MEMBACA
Red Strings
Acak. "Im used to do this with my sister." Nakita ko sa kamay niya ang isang red na tali. "Pagnasasaktan sya, I put this in the area where the pain is. O di kaya pag may ginawa syang mali, nilalagyan ko din ng pulang tali. Ang ibig sabihin non, may bad...
