CHAPTER 2

0 1 0
                                        

.
.

KINABUKASAN

 

AGAD akong nagising ng tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong inabot at binasa.

From:JamesTuko

"Get up! Magpapakamatay pa tayo mamaya! So be sure na dika late."

A very supportive friend of mine.

Simula ng malaman ni James na Im committing suicide, lage niya na yung ginagawa. Mas maganda daw ang mamatay na may kasama. Like, No way.

Inayos ko ang pagkakahiga ko ng napansin ko ang tali sa kaliwa kong paa. Kulay red ito at naka ribbon. Red ribbon?

Magalaw ako matulog kaya akala ko natanggal na to. Inalala ko naman ang nangyari kagabi.

Umuna syang lumabas sa tricycle para alalayan akong lumabas. Hindi lang pala to gwapo, gentelman din.

"Bahay mo na ba to?"

Tumango nalang ako bilang tugon. It's 11pm na at inaantok na ako. Tinitigan ko sya. Kita ko sa kanya ang pagkamangha sa bahay namin. Sana di nalang ako nagpahatid.

"Sige. Uwi kana. Salamat sa paghatid."

Nakatatlong hakbang pa ako ng tawagin nya ako. Bakit na naman?

"Halika muna dito. May ibibigay ako sayo." Nanatiling naka talikod parin ako. Di ako sanay sa mga strangers na kinakausap ako ng ganito.

Nakarinig ako ng mga hakbang papalapit sakin at ng makaabot sa pwesto ko ay ngumiti sya.

"Irah. " Ngumiti sya. "Ang gandang pangalan." May kinuha sya sa bulsa nya at agad na lumuhod.

"Im used to do this with my sister." Nakita ko sa kamay niya ang isang red na ribbon.

"Pagnasasaktan sya, I put ribbon in the area where the pain is. O di kaya pag may ginawa syang mali, nilalagyan ko din ng ribbon, tulad nalang nito," pinalibot niya ang ribbon sa paa ko. Para ba syang anklet.

"Dahil diko nagustuhan ang balak mong pagtalon sa building kanina, I will put it here." Niribbon nya na ito at inayos ang pagkakalagay.

"Ayan! Tapos na." Tumayo na sya.

"Gagawin mo ba yan lage?" Tanong ko.

Napa-isip naman sya saglit. At nang ma sense kong di na sya sasagot, ay tumawa nalang ako. Temporary people.

"Huwag mo na tong gawin ulit, mauubos lang ang ribbon mo. Mapapagod kalang."

Siguro nga isa lang siya sa mga taong nakilala ko, yung tipong para lang syang bisita. Papasok sa buhay ko, papasayahin ako, then meanwhile, in just a snap! Aalis. Iewan lang ako. And, Im used to it.

Pero di dahil sanay na akong masaktan, ehahayaan ko nalang silang saktan ako. NOWAY!

Umupo ako at hinawakan ang ribbon. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng may kumatok sa pinto.

"Lady Rah." Tumayo ako para pagbukasan ko sya. "Bakit?" Tinitigan ko naman sya gamit ang poker face ko. Nagbow muna siya tsaka nagsalita "Lady, nandito po ang Papa niyo." Mas lalong lumamig ang pagkakatitig ko sa kanya. "Ahh ganon ba?" Tumango naman siya.

"Pagsinuswerte ka nga naman. Welcome to hell self." Lumabas na ako sa kwarto at pumunta sa dining area.

Nakita ko naman agad si Papa na nagbabasa ng dyaryo. Hahalik sana ako ng nilayo niya ang mukha niya. Okaaay.

"Goodmorning Papa." Nasa gilid niya lang ako at nakatayo.

"How's your school?" Nakatuon lang ang atensyon nya sa binabasa niya. Di man lang nag 'Goodmorning Too anak.'

"Still good Papa. I was planning to---" Agad akong natigilan ng lumingon at tumitig ang kanyang malalamig na mata. "What did you just say? Good?"Automatic namang tumango ang ulo ko. "Wala naman akong bagsak Papa. Maintain padin ang grades--"

"Stop." Tinupi nya ang dyaryo at nilagay sa mesa. "Yaya, paki lagay na ang pagkain. Kakain na si Irah." Wait? Irah? Ako lang?

"Pa, kumain ka muna. Kakarating mo lang di--" Tumayo na sya at humarap sakin. "Seriously? Irah, please mag improve ka naman. Try to be the best. Huwag puro good lang." Dumating naman si Yaya kaya agad na tumahimik si Papa. "Kumain kana. Nawalan nako ng gana." Lumakad na sya palayo.

Naiiyak na naman ako. Di ba niya naalala? I mean, its my--
"Lady Rah," natuon ang atensyon ko sa katulong namin. "What?" May inabot syang Card. Loveletter bato?May gusto bato sakin? Kasi naman ng Card ay may design na malaking heart sa gitna at nakapalibot naman ang maliliit na makukulay na bilog.

Kinuha ko naman sa kamay nya ang Card. "Lady Rah, kabalo ako na, ayy.. ano ba ang tagalog ng kabalo uyy." Umatras naman ang luha ko dahil sa kabubuhan nito. Bat bato natanggap dito?

Kinalabit nya ang katabi nyang katulong. "Ano ba ang tagalog ng kabalo ko inday?" Tinitigan ko lang silang dalawa.

"Alam ko." Sagot naman ng isa.

"Salamat naman at alam mo Inday! Ano na ang tagalog non?" Ayyy. Bobo nga talaga.

"Alam ko nga ang sagot." Medyo nainis na ang isang katulong kaya binatukan niya.

Hinimas naman nya ang ulo nya. Sinamaan nya lang ito ng tingin. Ayy? Di lumaban. "Alam kong alam mo, kaya sabihin mona!"

Alam kong medyo matatagalan sila sa pag aaway kaya bumalik nako sa kwarto. Nawalan din ako ng gana.

Pagpasok ko sa kwarto agad kung kinuha ang card at binuksan. Medyo pambata ang penmanship niya pero atleast, nag effort sya.

Deer Lade Irah,

Happy Berthday! Salamat sa tanan na ginawa mo sakin Lade Irah. Kabalo na akong magsulat! Salamat sa pagturo sakin talaga Lade Irah uy.Thank u frend! Happe Birtdey ulit. Lablats!

Yaya Darling

Di ko alam kong matutuwa ba ako sa ginawa nyang card. Ikaw ba namang gawing hayop! Nako naman! Sa dinami raming hayop deer talaga?

Buti pa si Yaya naalala niya. Mga taong diko naman ka ano-ano pero pinabahalagahan ako. Compare to my Papa, he don't even say a single word for this day, pero diko naman siya masisi kung ganyan ang pakikitungo sakin.

"Well, I guess its still a Happy Birthday to me. "

Tinago ko naman ang letter at humiga sa kama. Pinipilit kong kalimutan ang nangyari kanina. Masakit parin pala kahit sanay nako na laging ganun si Papa.

Diko namalayan na umiiyak na pala ako. Patagal na patagal, pabigat na pabigat naman tong nararamdaman ko. Pasakit ng pasakit.

Naalala ko naman ang sinabi sakin ni Malco.

"Pagnasasaktan sya, I put ribbon in the area where the pain is,

Kinuha ko ang ribbon na nasa paa ko.

I put ribbon in the area where the pain is,

Nilagay ko ang ribbon sa kaliwang dibdib ko, kung nasan ang puso nakalagay. Sumasakit na naman kasi siya.

____

Red StringsWhere stories live. Discover now