“Pa.” si Dad naman ang nagsalita. “Miranda's right. Hindi ito ang tamang oras para sabihin sa kanila ang tungkol sa bagay na 'yan.”

Ha?

Nagkatinginan kami ni Yuan.

Ano ba'ng mga sinasabi nila?

“Mom? Dad? Anong sinasabi niyo?” sa wakas ay nagtanong na din si Yuan sa kanila.

“Yuan—”

“Nothing.” nagulat kami ng biglang tumayo ang Mom niya sa upuan. “Umuwi na kayo sa bahay niyo ngayon, may importante kaming pag-uusapan ng Lolo niyo.” hindi mapigilang kabahan dahil sa tono ng boses niya.

“Miranda!”

Shit.

Kumabog ang dibdib ko ng marinig ang sigaw ni Grandpa.

“Huwag mo silang paalisin. Kinakausap ka pa si—”

“Umalis na kayo dito.” tumingin sa amin si Mom.

“Mom—”

“Saka na tayo mag-usap Yuan. Ang gusto ko ngayon ay umuwi na kayo.”

“But Mo—”

“Yuan, please.”

Napabuntong hininga na lang si Yuan bago tumayo sa upuan niya. “Let's go, hon.” hinila niya ang kamay ko patayo kaya hindi na ako naka-angal pa. Habang naglalakad kami palayo sa dining area ay napatingin ako kay Grandpa—

Shit.

B-Bakit ang sama ng tingin niya sa'kin?

“Mag iingat kayo.” rinig kong mahinahon na paalala ni Dad sa amin. Tumango naman kami sa kanya bago mabilis na lumabas ng main door. “Y-Yuan—” napatigil ako sa pagsasalita. Bigla kong naalala ang tingin ng Grandpa niya sa akin kanina. Damn. Dapat ko bang sabihin sa kanya ang tungkol doon?

“Xiantel?”

“Y-Yes?” napatingin ako kay Yuan. “You were saying something?” tanong niya sa akin.

“A-Ah.” napatungo ako. “I-I'm...” nangapa ako ng sasabihin, “...hungry.” tumingin ako sa kanya. “Saan tayo kakain ngayon?” nakangiti kong tanong sa kanya. “Sa labas ba? O sa bahay?”

Saglit siyang natigilan dahil sa sinabi ko. “Saan mo ba gusto?” seryoso niyang tanong.

“Uhm.” lumapit ako sa kanya at yumakap sa bewang niya. “Sa labas na lang, hon.” ngumiti ako sa kanya, “Tapos manonood tayo ng movie! Maaga pa naman di'ba?” tumingin ako sa wristwatch ko.

“Tch.” hindi niya napigilan ang ngumiti. “I really love how you lighten up my mood, hon.” inilapit niya ang mukha sa akin at hinalikan ang noo ko.

“Alright.” ngumiti siya, ang gwapo. “Let's watch a movie together.”

“Hiking?” rinig kong bulong ni Pearl habang nakikinig sa teacher. “Pati pala sa senior high ay may ganyan?” napairap siya sa hangin. “Hindi naman na tayo bata.” maarte nitong dagdag.

“Duh! Para sa bata lang ba hiking?” singhal naman sa kanya ni Alyana. “Tama nga lang na ngayon tayo mag hiking eh, alam mo 'yon? Para naman hindi tayo araw araw nasa school, gosh!”

“Tch. Palibhasa'y tamad ka.”

“Hey, tumahimik nga kayo diyan.” utos ko sa dalawa kong kaibigan. Tignan niyo 'tong mga 'to, may teacher na lahat lahat, nagagawa pa ding magdaldalan.

“Ano naman po ang gagawin namin do'n, Ma'am?” tanong ng isa kong kaklase. “We have prepared a lot of exciting games for the students. Ang pagkaka-alala ko ay kapag nanalo kayo do'n ay may prize ata tapos—” napangiti siya, “—may blind date sa ating campus crush na si Yuan?”

We Must Be NuptialsWhere stories live. Discover now