“Okay, susunduin ko na s—”

“OHMYGOD.”

Hindi ko na natuloy ang plano kong sunduin si Yuan dahil kusa na siyang lumapit sa table namin. “Ah, I'm tired.” rinig kong pagod na bulong niya habang umuupo sa tabi ko. Eh? “What are you doing here?” tanong ko sa kanya. Napatingin ako sa mga babaeng kasayaw niya kanina—

Oh, okay.

Bakit masama ang tingin nila sa'min? Tch.

“Y-Yuan, a-anong ginagawa mo dito sa table namin?” nauutal na tanong ni Alyana sa kanya. Parang hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya na ang lalaking gustong gusto niya. “H-Hindi ba dapat ay nando'n ka?” itinuro ni Alyana ang isang table hindi kalayuan sa amin. Nando'n ang mga kaibigan niyang sila Chino at Louie. Oh, ngayon ko na lang ulit sila nakita, ah?

“Nandito kasi ang partner ko.” tumingin sa akin si Yuan at ngumiti. Tch. “Are you hungry?” tanong ko sa kanya. Nakangusong tumango naman siya sa akin.

“Here, eat this.” inilapag ko sa harapan niya ang plate ko kanina. Busog na naman ako ngayon kaya binibigay ko na sa kanya ang plato ko. “This is yours.” tumingin siya sa pagkain.

“Okay lang, busog na ako.” umupo ako sa upuan ko. “Dali na, kumain ka na.” utos ko sa kanya. Ngumiti naman siya bago nagsimulang kumain.

“Ohmygawd.” napatingin ako kay Alyana. “T-Tama ba 'tong nakikita ko?” hindi makapaniwalang tanong niya sa amin. “Bakit magka-share kayo ng pagkain?”

Eh?

Nagkatinginan kami ni Yuan.

Ah, shit. Wala nga pala kami sa bahay. Madalas kasi ay ginagawa namin 'yan dahil ang sabi nila Mom, dapat nasasanay din daw kami kumain sa iisang plato dahil mag asawa na kami.

“T-Tapos—tapos!” napahawak siya sa bibig niya, “N-Nag indirect kiss kayo!” hindi makapaniwalang sigaw niya. Okay. Hindi naman big deal 'yon.

“OMG!” napapaypay si Alyana sa sarili niya gamit ang kamay.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Yuan sa tabi ko.

“We're back!” napalingon kami sa boses na 'yon. “O-Oh? Yuan Rico? Si Yuan Rico ba 'tong nakikita ko?” hindi makapaniwalang tanong ni Pearl habang umuupo sa upuan niya.

“Hahaha, yes.” sagot sa kanya ng asawa ko. Parang natutuwa siya dahil sa mga reaksyon ng kaibigan ko.

“Oh my God. Anong ginagawa mo dito?” nahihiya niyang tanong bago tumingin sa akin. Pinandilatan niya ako ng mata kaya naman na napangiwi na lang ako.

“Pft, bawal ba ako dito?” natatawang tanong ni Yuan sa kanya. Natigilan naman si Pearl bago tumawa ng malakas, “H-Hindi naman! Hahaha! Sino ba naman ako para pagbawalan ang 'Ulitimate Crush' ng Campus, di'ba?”

Psh.

“Pft.” natawa na lang si Yuan dahil kay Pearl.

“Ang gwapo.” rinig kong bulong ni Alyana habang nakatitig kay Yuan. Ayan, libre tingin siya ngayon kay Yuan.

“Xiantel, hindi mo ba kami ipapakilala sa p-partner mo?” nakangiting tanong ni Alyana sa akin. Weh, para-paraan din 'to eh.

“Oh, sure.” ngumiti ako sa kanya bago tumingin kay Yuan, “Yuan, I want you to meet my friends. Pearl, Alyana and Lukas.” turo ko sa mga kaibigan ko.

Tumango tango si Yuan, “Nice to meet you all.” ngumiti siya kay Alyana at Pearl pero nang tumingin na siya kay Lukas ay sumeryoso ang mukha niya.

We Must Be NuptialsWhere stories live. Discover now