Chapter 2

4.2K 92 5
                                    

I was suddenly sucked into an abyss. I felt it. This is not a dream, nor a mere hallucination. I am aware of what is happening to us.

He, the pale man is here with me. That man is kissing me... thoroughly on my lips, giving me feather kisses on my cheeks down to my neck... and then...

I suddenly felt pain turned into pure pleasure... pure bliss.

Then, I was sucked in again.

"Hindi ka na naman natulog, Lace? Sobrang putla mo na! Jusko, ano bang pinaggagawa mo sa sarili mo? You're not taking care of yourself!"

The darkness snapped as light seeped through, breaking my trance... breaking his lips on my neck.

Nang kumurap ako ay lumantad sa akin ang iritadong mukha ni Denisse. Hindi ko inintindi ang sinabi niya.

Agad kong dinama ang leeg ko.

It felt so real...

He felt real.

"Ano ba talagang problema mo, ha? Ilang araw ka nang tulala at hindi makausap ng maayos. May nangyari ba? Hindi ka na rin daw sumasama sa mga gigs niyo."

Napatunghay ako nang dumantay ang mainit na palad sa akin ng kaibigan ko. Dinungaw niya ako. "Lacey, ano ba? Sagutin mo naman ako. Nag-aalala na kami sayo..."

"H-Hindi ko alam. Hindi ko rin alam, Denisse..." iyon lamang ang tanging tugon ko sa kanya. Kasi sa totoo lang, simula nang mangyari iyon sa akin, hindi na ako napirmi.

I tried telling them what really happened to me that night but they insisted that I went home right after I left the bar.

Hindi eh, parang may mali. Alam kong hindi ako nakauwi noong gabi na 'yon.

"Nandito lang kami, ha? 'Wag mong kakalimutan 'yan. We're here to listen and be with you." malumanay nitong wika, kita ang sinseridad sa kanyang mata. I just nodded my head. Para matapos na. Para tumigil na.

I need to think harder. Imposibleng hindi nangyari sa akin 'yon. Imposibleng umuwi ako agad noong gabing 'yon. Kasi taliwas ang kwento nila sa alaala ko, sa naranasan ko.

Nakapaloob ako sa bisig niya habang inuugoy ako ng kanyang mga labi.

Tinapik ako ni Denisse sa balikat at umatras mula sa kanyang kinauupuan. "Oh, sige. Uuwi na ako ha? Ikaw rin, umuwi ka muna at bumawi ka ng tulog. Para kang naubusan ng dugo sa katawan!"

Bigla akong napatayo.

Maging siya ay naantala sa pag-alis.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya.

Muli ay napasapo ako sa aking leeg. I felt the sharp pain sunken into my skin. Kahit daplis ay hindi ko makitaan ng marka, o mantsa lamang. Ramdam ko 'yun... Hindi ako magkakamali.

"Lagi kang himas ng himas sa leeg mo, ano? Uso kasi maghilod, Lace!" humalakhak ito at tuluyan nang umalis.

Nanghihinang napaupo ako at inilibot ang paningin. Nilikob na ng dilim ang kapaligiran. Tanging poste nalang ng mga ilaw ang nagniningning sa gabi maging ang kaonting bituin at buwan sa kalangitan.

Iilan nalang ang naiwan sa unibersidad. I have night classes. Samantalang si Denisse ay saglitan lamang akong kinausap, sinusulit ang tatlumpung minuto kong vacant. Magkaiba kami ng kurso kaya kalimitan ay sa mga nakaw na sandali lang kami nagkakakita.

I heaved a sigh.

Bakit malabo ang alaala ko?

Hindi malinaw sa akin ang lahat. I just remember gist of it. Siya, at ako... Iyon lamang. Pagtapos n'on ay wala na.

Hindi ko alam kung kanino maniniwala. Ibang iba ang kwento ng mga kabanda ko sa akin. Maging ako ay hirap paniwalaan sa sarili ko kasi tila hindi ito tunay...

Tila isang panaginip na hindi ko nais pang wakasan...

"Huy, wala raw si Prof. Gi."

I looked up when I heard a deep voice and heavy steps. Harrison nodded. Sukbit ang bag sa kaliwang balikat habang bitbit ang dalawang libro sa ilang nakaipit na papel sa kanyang malayang kamay.

"Talaga?" tumayo ako at pinagpagan ang puwitan.

Halos isang oras akong tumambay, hindi rin pala sisipot ang propesor namin. Kahit papaano naman sana ay nagbilin lang ng attendance. Sayang din ang limang porsyento.

Tumango siya at inilahad sa akin ang isang puting papel. "Oo, pero may iniwan siyang activities. Bukas ipapasa."

"Sige. Salamat," kinuha ko iyon at tinapos na ang usapan.

He went silent. Napansin kong hindi pa siya umaalis sa kanyang kinatatayuan. Kunot ang noo kong tinignan siya.

Harrison smiled at me, "Hindi ka pa uuwi? Sabay na tayo."

Hindi na bago sa akin 'to. Ilang beses na ring hinuhuli ng lalaki ang loob ko pero matigas talaga ang puso ko. Sadyang hindi ako interesado. He's kind and kinda soft for a man, but he'll do.

"Saan ka ba? Baka out of the way ka."

Harrison chuckled and nudged me. Nagsimula na kaming tumungo sa matayog na gate. Medyo malayo pa naman ang department namin kaya baka mapahaba haba pa ang usapan namin.

"Loka. Ilang sem na tayong magkasama, hindi mo pa rin alam. Teka... alam mo ba ang pangalan ko?"

"Oo naman."

"Sige nga, anong pangalan ko?"

"Harrison Malandutay," he made face. "I am not flirting with you 'no. Bawal bang i-approach ka as block mates? As friends?" dipensa nito sa sarili.

I only shook my head. Hindi ko magawang matawa o makisakay man lang sa gaan ng damdamin niya. Something feels off about me. Something strange just happened to me. Totoo man o hindi. Hindi ko ipapasawalang bahala 'yon.

I tuned out his voice.

Panaka-naka ang  sagot ko sa mga tanong niya pero malayo ang aking tanaw.

I just need some confirmation.

Hindi ako nahihibang. Alam ko kung ano ang nangyari sa akin kahit walang naiwang marka sa leeg ko. Alam ko kung anong ginawa ng lalaking 'yon sa akin.

He bit me.

He sucked my blood on my neck.

Ngunit nang magising ako, tila hindi ito nangyari. Tila walang nangyari! Saksi ang langit sa lahat, hindi iyon maipagkakaila. A passionate kiss, his lingering touch... and his words...

My memories will be the only way to prove that I met someone like him.

He has fangs.

He is thirsty for blood.

"Welcome home, wife." I gasped as I felt the wind embraced me. Agad akong napalingon sa bintana at napatda nang makita ang bultong 'yon na dumadalo sa anino.

"Wesley..."

He is a bloody vampire!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

All Around MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon