"Maayos ba ang tulog mo?" Tanong ni Tito.
Bumaling ako sa kanya para tumango.
"Opo." ngumiti akong muli.
Nagsimula nang ilapag ng mga kasambahay ang almusal sa mahabang lamesa. Napansin ko na bukod kay Talin, may tatlo pa na kasambahay na kapareho niyang naka - uniporme.
Ang tanging naiiba lang ay ang matandang kasambahay na nasa gilid ni Sarah Quintero. Napalunok ako nang makitang nasa akin ang strikta niyang mga mata.
Hindi kagaya kila Talin, she's wearing a black scrubs. She looks so strict at tila ba hindi ka pwedeng magkamali dahil malalagot ka sa kanya.
"Amor, gising na ba ang mga anak ko?" biglang tanong ni Sarah Quintero sa kanya.
Umiwas nang tingin sa akin si Amor para bumaling sa amo.
"Pababa na po, Madame!" sagot niya.
Just in time, narinig namin ang yabag at tawanan sa labas ng dining room.
My eyes immediately found Nathan. He's laughing with his siblings and I suddenly felt a weird sensation in my stomach.
Napalunok ako at bahagyang natigilan.
He looks so carefree and kind, na para bang hindi siya 'yung lalaking bumulong ng masasakit na salita sa akin kahapon.
"Ohh, damn!" reaksyon ng lalaki sa gilid niya nang mapansin ako.
He must be their first born. Nakangisi siya habang tinitignan ako. I noticed that he's also topless.
Namumutok ang abs niya at napapikit ako nang ilang beses dahil sa tattoo niya sa kanang tagiliran na kunektado sa kanyang braso at leeg.
Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganon. Bahagyang uminit ang pisngi ko kaya umiwas na ako ng tingin.
"Kuya, mag damit ka nga!" seryoso at galit na utos ni Nathan sa kapatid dahilan para mapabaling ako muli sa kanya.
When his eyes found mine, wala na ang ngiti niya. He's back to being serious and cold, kagaya kahapon.
And just like his mother, mukhang tuluyang nasira na ang umaga dahil sa akin.
I swallowed hard, may kung anong nagbabara sa aking lalamunan dahil sa nasaksihan.
Nakita ko kung paano hinila ni Nathan ang upuan para sa kapatid na babae. Nagpasalamat ang babae sa kapatid pero nanatili ang kuryosong mga mata sa akin.
"Hi, I'm Adi!" pakilala niya habang nakangiti.
Talin's introduction about her beauty is an understatement. This girl is beyond gorgeous, and my eyes became fixated with her soulful and familiar eyes.
Saka ko lang napagtanto na it's because she has Nathan's eyes.
"Irish," pakilala ko habang nakangiti.
Tito Alfonso cleared his throat to get our attention. Seryoso niyang tinignan ang mga anak at ang mga kasambahay sa gilid.
"Bueno, tutal ay nandito naman na ang lahat. Let me introduce her properly," He said as he shifted on his seat.
"She is Nathan's fiancee and I will appreciate it kung pakikitunguhan niyo siya ng maayos," deklara niya.
Hindi nakaligtas sa akin ang pag igting ng panga ni Nathan sa narinig. Ang pag ngisi ng kapatid na lalaki at ang pananatili ng tingin ni Adi sa akin.
Natigil lang ang pagmamasid ko nang padabog na ibinagsak ni Sarah Quintero ang kubyertos na hawak.
"Hindi ka ba talaga titigil sa kahibangan mo, Alfonso?!" she exclaimed.
Tumayo siya at hinarap ang asawa. Nakita ko kung paano hinawakan ni Nathan ang braso ng ina para pigilan ito.
"No! Your Dad is absurd!" depensa niya habang inaalis ang hawak ng anak.
Napalunok ako nang dinuro niya ako at masama akong tinignan.
"At ikaw! Hindi ko alam kung saan ka napulot ng asawa ko pero ito ang tandaan mo! Hinding - hindi ako papayag na ikaw ang mapang asawa ng anak ko!" she raged.
Natulala ako at hindi nakapagsalita.
"You're just a rat waiting for her turn. A gold digging bitch outside our door! You are so disgusting!"
Tumulo ang luha ko.
Her words sting a lot. Pakiramdam ko ay nanunuot ang sakit sa kaibuturan ng aking buto.
"Punyeta! Hindi ka ba titigil?!" sigaw ni Tito pabalik.
Nagpatuloy ang pagtatalo ng dalawa dahil sa akin at sa totoo lang, gustong gusto ko na tumakbo.
Gusto ko sabihin na ayoko na pero hindi ako makapag salita sa takot na sa akin mabuhos ang lahat ng galit at masasakit na salita.
"Here we go again!" the first born spat.
Napatingin ako sa kanya.
"Welcome to our family, Irish. I'm Sebastian, you can call me Kuya if you want," aniya na para bang normal lang ang mga nangyayari.
Kumunot ang noo ko. His parents are still arguing but it's as if they were all used to it.
Tanging si Nathan lang ang pumapagitna sa dalawa. Sebastian seems chill while Adi is just indifferent towards them.
Sabay halos tumayo si Sebastian at Adi, kumuha sila parehas ng french toast at ilang prutas. Napansin ko na kanina pa rin umalis ang mga kasambahay.
So this is their normal?
"Una na kami..." Adi smiled apologetically at me bago tuluyang sumunod sa kapatid.
What the hell am I doing here?
YOU ARE READING
Exception [ Quintero Series #2 ]
General FictionQuintero Series Book 2 of 3 (COMPLETED) Nathan Adriel Quintero is the perfect son of the President. He is the most obedient and the less problematic among his siblings. Growing up, nakatatak na sa isipan niya ang pagsunod sa yapak ng ama sa puliti...
Kabanata 3
Start from the beginning
![Exception [ Quintero Series #2 ]](https://img.wattpad.com/cover/211932718-64-k435083.jpg)