"Triple po?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tangina, kung sino man ang gustong bumili nuon mukhang ayaw na talagang pakawalan. Sa pagalok niya ng tripleng presyo ay paniguradong hindi makakahindi si Mr. Alvarado.


Mariin siyang tumango. "Mamayang hapon ang pirmahan, kaya naman maaga kitang kinausap ngayon" paliwanag niya na ikinalaglag ng panga ko.


"So wala na po pala talaga akong magagawa?" tanong ko sa kanya, ramdam na ramdam ko ang pait sa aking boses. Ayoko siyang bastusin pero pakiramdam ko ay parang pinagkaisahan niya kami. Ngayon niya lamang ito sasabihin sa akin gayong mamayang hapon na pala ang bentahan.


At anong tripleng presyo? Ni hindi ko nga kayang bilhin iyon sa original price tapos ngayon tripleng presyo pa?


Nagkibit balikat ito. "If you can produce a cash at mapapantayan mo ang offer bakit hindi? Hanggang mamayang hapon" sabi niya sa akin. Muling nalaglag ang panga ko. Seriously?


Ang gusto ba niya ay magmilagro ako dito ng pera, bago ang meeting niya mamayang hapon? Nagpapatawa ba siya? Sa huli. Wala akong nagawa kundi ang mabilis na kumilos. Alas tres ang sinasabing meeting ni Mr. Alvarado, may ilang oras na lamang ako para makahanap ng putanginang pera pambayad.


Napahilamos ako sa aking mukha pagkasakay ko sa taxi. Wala na akong ibang choice, sa isang iglap hinahabol na ako ng oras ngayon. Tangina. Padinner dinner pa ako kagabi, tapos ganito pala ang mangyayari kinaumagahan.


"Ms. Serrano" gulat na salubong sa akin ng secretary ni Kenzo.


"Kakausapin ko si Kenzo" diretsahang sabi ko sa kanya. Wala na akong pakialam.


Napangiwi siya. "Marami pong pasyente si Doc ngayon" sabi niya sa akin sabay turo ng ilang tao na nakaupo sa waiting area nito. Mariin akong napapikit.


Desperada na talaga ako ngayon. "Sabihin mo sa kanya, Magpapakasal na ako, kailangan ko lang talaga siyang makausap ngayon" seryosong sabi ko sa kanya. Kita ko ang paglaglag ng panga nito.


Sa sobrang kaba ay hinampas ko na ang lamesa sa harapan niya. "Itanong mo kung gusto ba niya akong maging asawa o hindi?" inis na sabi ko. Tangina, para na talaga akong hinahabol ng kung ano. Ang bilis din ng pagtatambol ng dibdib ko. Para akong nasa life and death situation.


Mabilis na pumasok yung secretary niya sa clinic. Ilang bayolenteng pagbuga ng hininga ang pinakawalan ko habang naghihintay. Napaayos ako ng tayo ng muling lumabas ito. "Maghintay daw po muna kayo..." sabi niya na ikinainit ng ulo ko.


"Tanginang paghihintay naman yan..." galit na utas ko.


Hindi ko na napigilan ang sarili ko, mabilis akong nagtungo sa harapan ng pintuan ng clinic niya. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng mga pasyenteng naghihintay ng check up, o kahit sa pasyenteng nasa loob nuon. Bago ko pa man mabuksan ang pinto ay nagulat na ako sa pagsulpot ni Kenzo.


Napasinghap ako, para akong nakakita ng liwanag at pagasa. "Kenzo..." tanginang tawga yun, Sera. Parang nagmamakaawa.


Nanatili ang pagiging seryoso niya. "May pasyente pa ako" tipid na sabi niya sa akin. Halos bumagsak ang magkabilang balikat ko. Wala na, tapos na. Mawawala na talaga sa amin ang manufacturing. Tangina.


Pipihit na sana ako patalikod ng kaagad akong magulat ng hawakan niya ang aking palapulsuhan. Hinila niya ako sa papasok sa kanyang clinic. Hindi na ako umangal, nakita ko duon ang pasyenteng kausap niya ngayon. Nagulat pa ito sandali bago ngumiti sa amin.


The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now