I fixed my hair and sit straight. "Pare hindi porke babaero ako noon ay mapapasagot ko na siya agad. I trailed off. "Iba si Sienna sa mga babaeng nakakasama ko kaya tama lang na intayin ko ang matamis niyang oo. Hindi ko siya minamadali."

His reaction shows what he wants to say. One word, unbelievable. His lips are moving like he wants to say something but there's no words coming out of his mouth. I grinned at his reaction right now.

"Pre laway mo baka tumulo sa carpet ko."

Masama naman siyang tumingin sa akin pero agad na nawala iyon at tumikhim siya. "Masaya ako para sayo kahit hindi halata. Shit ka! Nagbago kana! Ipagpatuloy mo lang 'yan pre, alam ko namang dadating din ang araw na hindi mo na ako masasamahan sa pagbabar ko madalas."

Pigil ngiti akong nagpasalamat sa kaniya. Alam kong sa simpleng pasasalamat na iyon ay ramdam niya ang pagkaseryoso ko. Masaya ako tuwing andyan sila para sa akin. Masaya ako na may nakakasama akong gumawa ng mga trip ko sa buhay mabuti man o masama. Pero iba pa rin kapag may taong umaasa sayo, yung ikaw yung madalas na napagsasabihan niya.

That's what I saw on Sienna, I saw my purpose, not just a friend but a companion, a brother, partner and a lover. I grow up being a jolly and very sociable person but that's my only escape. Si Raz at Noah ang malapit sa aming tatlo at si Hunter naman ay marami nang kaibigan bago pa niya ako nakilala.

Madami akong kaibigan pero may mga pagkakataong pakiramdam ko ay nag-iisa ako, yung hindi laging pinipili.

Gumising ako kinabukasan dahil sa doorbell at maingay na alarm, napasarap ang tulog ko. Pinatay ko ang alarm ko at dali-daling pumunta sa pinto para tingnan kung sino ang pupunta rito ng ganito kaaga.

"What took you so long?" I stilled because of the person in front of me. What is he doing here? Agad siyang pumasok at iginala ang tingin sa loob ng condo ko.

"What are you doing here? Hindi ba sabi mo sa isang taon pa ang uwi niyo." I always get intimidated his aura before, but seeing him now... it's all gone. There's only mild changes in his physical appearance. My father. His wrinkles are quite visible now but his body built remain the same.

"We have something important to talk about. It will not take long since I have some meeting to attend to," umupo siya sa sofa at may kinuha sa bag niya. I sat down to the sofa in front of him. Of course he is here because of business, although I knew my father I still expected something more of him.

"Sinabi ko na naman sa inyo na hindi ako papayag na tumulong sa business niyo, masaya na ako sa trabaho ko dad wala na naman akong hinihingi sa inyo," agap ko agad dahil alam ko na kung saan patungo ang usapan namin kung hindi ko agad 'yon sasabihin.

Tumalim ang tingin niya sa akin. "Sumama ka lang sa akin bukas ng gabi at ipapakilala kita sa business partner ko. Siguraduhin mong makakapunta ka Ander. Regarding our business... I will let Kaye handle it. "

Hindi ko alam kung bakit parang buo na ang desisyon niya ngayon samantalang noong huling paguusap namin ay pinilit niya pa ako, ipinasawalang bahala ko iyon. I sighed. Boses palang niya alam kong wala na akong magagawa kundi sumunod. "Fine."

Inabot niya sa akin ang papel at tumayo na para umalis. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya ulit ako sa loob ng dalawang taon pero ni hindi man lang siya nangamusta.

Actions like that makes me realize where his priorities were.

Binuklat ko ang papel at nakalagay dito ang restaurant na pupuntahan ko bukas at ang oras, nakalagay din sa ilalim ang pangalan ng isang store at nakalagay pa na kailangan kong puntahan ngayon dahil ayon ang susuotin ko bukas. What the fuck. Anong akala niya sa'kin hindi walang formal attire?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 04, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Collide with the storm (Song Series #2) Where stories live. Discover now